Chapter 5

33 0 0
                                    

- Uwian -

Nauna kami palabasin ng adviser namin kesa kila Elle. Kaya hinintay ko sya sa may waiting area. Mag-uusap daw kami bago dumating yung service namin.

"Ayan na yung couple."

"Sana sagutin na ni Grace si Tristan para hindi na mahirapan pa si Tris."

"Oo nga e. Pag binasted ni Grace si Tristan ako sasalo dyan."

"Hoy ako nauna sayo noh."

Hay, mga babae nga naman. Tsk. Pero pagkatapos ko marinig yun parang kinurot yung puso ko. Ano ba yan. Di ko pa nga nasasabi kay Tristan na crush ko sya eh tapos may hadlang agad. Pssh.

"Bhestie! Dun tayo sa may swing. Kita naman natin dun yung mga service eh." sabi ni Elle.

"Osige sige. Namiss ko na agad yung kaingayan mo Bhestie eh." sabi ko sakanya.

"So Bhestie, nalaman ko sa mga chismax na nagkakamabutihan daw si Prince Charming mo at si Grace. Totoo ba?" tanong sakin ni Elle habang dumudukot ng pagkain sa bag.

"Oo eh. Nililigawan ni Tristan si Grace. Alam mo naman na crush na crush nya yun diba? Tsk." at kumuha din ako sa kanya ng pagkain.

"Eh kasi naman Bhestie. Kelan mo ba sasabihin kay Tristan na crush mo sya? Wala namang masama kung babae yung magtatapat eh tsaka crush lang naman yan." sabi nya.

"Buti nga kung ganun Bhestie. Kaso hindi ako katulad mo. Wala akong lakas ng loob na magtapat sa kanya di tulad mo. Nanghihina ako sa tuwing nakikita ko sya eh. Naduduwag ako."

"So pano yan? Eh pano kung sagutin sya ni Grace? Ano na teh?"

"Edi magiging masaya na lang ako sa kanila. Madami pa namang iba dyan. Mas pogi pa sakanya."

"Taruush. Ay Bhestie, narinig ko sa mga classmates ko na may bago daw tayong teacher sa Math. POGI daw Bhestie. POGIII!!!! :"""> HIHIHI."

"Ano ka ba Elle. Teacher natin yun. TEACHER!" inemphasize ko pa talaga sa kanya yung word na Teacher.

"Sus. If I know, curious ka din naman sakanya."

Eto na kaya yung sign para kalimutan ko na siya? Grabe naman. Di pa nga nagsisimula eh. Pero okay na din para di na ko masaktan.

************************************************************************************

Sorry sa late UD. Pasukan na kasi eh. Pero mag uud pa din naman ako kahit may pasok. :) Enjoy! :D

- Hoishii :*

I'm Always Here For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon