Chapter 18

9 0 0
                                    

Ang hirap pala maging graduating student. Nakakastress ng bongga!

Nandyan yung sobrang tambak na paper works. Yung mga projects and portfolios na kailangang ipasa. Yung mga requirements na dapat mahabol para makagraduate. Isama mo pa yung mga extra-curricular activities sa school. Hay life.

Naging sobrang busy ko ngayong 4th year kaya masaya ako na magkakaroon kami ng retreat.

Eto yung time na pwede kang magunwind at magrelax. Yung wala kang iintindihin na kahit anong academics. Tsaka time din to para mas mapalapit kay God.

Nag-uusap ang mga classmates ko na magbibigayan daw sila ng retreat letters. Eh dahil sa tinatamad akong gumawa tsaka nagpapahinga ako eh napagpasyahan ko na wag na lang gumawa. Babawi na lang ako next time.

Sa unang araw namin sa retreat house, naging okay naman ang araw namin. Madaming nagsi-iyakan, siguro tamang ta sila sa mga sinasabi ng facilitator namin. Nakukunsensya na siguro.

The next day, ayun okay pa din. Ang saya nga kasi parang di kami nauubusan ng pagkain. Kakain kami siguro after 2-3 hours lang.

Breakfast-Meryenda-Lunch-Meryenda-Dinner. At masaya kasi full meal. Kumpleto hanggang dessert.

Kinagabihan, nagkaroon ng activity para sa buong klase. Eto yung may isang kandilang iikot sa buong klase. Pagbibigyan mo yung taong gusto mong magsorry, gusto mong magthank you o kaya yung gusto mo pang maging close bago kayo grumaduate.

Sayang. Iniisip ko na sana yun na yung right time para makausap ko si Tristan. Ang kaso nga lang, eh hindi kami magkaklase kaya hindi kami pwedeng magkausap.

Pero dahil siguro mabait talaga ang Diyos eh sabi samin ng facilitator na bibigyan daw kami ng kahit 2 minutes para makausap namin yung taong gusto namin kausapin. Para daw maayos na kung meron mang alitan.

Di ko alam kung anong gagawin ko. Eto na ba talaga yun? Dapat ko na ba syang kausapin? Dapat ba ako na yung lumapit? Kakayanin ko ba?


At sa huli.......

HINDI KO PA DIN KINAYA.

Napangunahan ulit ako ng takot. Hindi ko kasi alam yung gagawin ko. Nahihiya din ako kasi madami kaming classmates na nasa labas pa at naiilang ako sa magiging reaksyon nila kapag nakita kaming dalawa na magkasama.

Again, nagsisi na naman ako kung kelan tapos na.

Nagkausap kami ng bestfriend kong si Elle. Habang nasa hallway kami, tinanong nya ako.

"Bhestie! Nagkausap kayo ni Tristan?"
"Hindi. Bakit?"
"Weh? Akala ko nagkausap kayo. Nag-usap nga kami eh. Tinanong nya kung kamusta na daw ba ako tapos sabi nya pa i -hug ko daw sya."

Buti pa si Elle. Nagkausap sila ni Tristan. Samantalang ako, hindi ko nagawa. Sinayang ko lang 2 minutes na opportunity para maayos na kami.

Wala akong nagawa kaya napagpasyahan ko na itext na lang sya after ng retreat.

Tinext ko sya, sinabi ko na nagsisisi ako dahil hindi ko nagawang kausapin sya. Sinabi ko na din sakanya lahat ng gusto kong sabihin. Isinantabi ko muna yung pagiging duwag ko.

Pagkatapos ko syang itext eh nakatulog na ko. Nagising ako ng madaling araw. Medyo nanibago pa nga ako kasi galing ako sa retreat house.

Pagkatingin ko sa phone ko, nakita kong may missed call galing sa kanya. May text din sya.

From: Tristan
Uy Tracy? Gising ka pa ba? Sorry ah kung ngayon ko lang nabasa yung text mo. Nasa bulacan kasi ako ngayon eh.

Kaya pala madaling araw na sya nagtext at nagmissed call sakin.

*********

Pagkatapos ng retreat, pumasok kami sa school para magpractice for graduation at magpasign ng clearance.

Pero ngayong araw na to. May thanksgiving mass kami. Ngayon ko din nalaman na may award ako at honors na nakuha.

After ng mass, eh kinumpleto ko muna yung clearance ko bago umuwi. Babalik din naman kasi ako mamaya sa school kasi manonood pa kami ng play ng Grade 9.

Kasama ko si Elle pauwi. Nagulat ako nung may pumat sa ulo ko. Hindi ko alam kung sino. Muntik ko na ngang sapakin kasi hindi ako sanay na mag nagpapat sa ulo ko eh.

Pero nagulat ako ng nakita ko si Tristan. Kasabay na pala namin syang naglalakad ni Elle. May binigay sya saking papel. Ewan ko kung para saan yun. Pero mukhang mahaba yung nakalagay dun. Printed pa nga eh.

Pagkatapos nyang ibigay, nauna na syang maglakad samin. Sumabay na sya sa mga kaibigan nya na naglalakad sa unahan namin.

Nung makalagpas na sya, biglang tumili si Elle. Na nagcause para tumingin samin yung mga kaibigan ni Tristan. Buti na lang hindi sila nakahalata.

Gahd. Ang sarap talagang sabunutan ng bestfriend ko. Napakaingay talaga.

Pero ano naman kaya tong binigay nyang papel? Tungkol san naman kaya to? Hmm. Nakakacurious.

-------------------------------

I'm Always Here For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon