Chapter 8

378 21 0
                                    

Chapter 8

Yuri's POV

"Oh shit! Ang hapdi!" Reklamo ko habang nagluluto ng agahan. Hindi naman ako nagagalit kay Axel, nagustuhan ko naman iyun. Habang naliligo nga'ko kanina ay 'di ko mapigilang maisip ang nangyari kagabi. At ayun natigasan ako, no choice ako kundi magsarili. Hindi naman ako nilabasan kagabi.

Nahuhulog na talaga ang loob ko kay Axel. Pero baka pinaglalaruan niya lang ako kaya 'di ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko.

I sighed. Narinig kong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Kiro at ikinakunot ng noo ko iyun. Nakangisi ito at mabagal na naglalakad. Gusot ang uniporme nito, magulo ang buhok.

I glared at him. "Sa'n ka galing?" Mabagal akong naglakad para malapitan ko ito.

Yumuko ito. "Sa isang kaibigan ko kuya. Sorry 'di na ako nakapag-text sa'yo." Mahinang sabi nito habang papalapit ako sa kanya.

Amoy alak ito at napailing ako. "So ano?! Lasinggero kana?! Huh! Sinong nagsabi sayo na maglasing huh! At sa ibang bahay pa talaga!" Sigaw ko rito at siya naman ay napa-atras, ngayon ko lang siya nasigawan kase.

Mabilis itong tumakbo, at tiningnan ko itong paakyat sa itaas. Napansin ko itong medyo iika-ika kung tumakbo. Hinayaan ko nalang iyun.

At pababa naman si Axel. Natigilan pa si Axel nang makitang paakyat si Kiro. Lumapit sa'kin si Axel at yinakap sa likod. Gusto kong kumuntra pero 'di ko na ginawa.

"Anong nangyari baby. Narinig kong sinigawan mo si Kiro. Bakit baby..." Malumanay na tanong nito habang yakap yakap parin ako. Bumuntong hininga ako at kinalas ko ang yakap niya.

Hinarap ko ito. "Eh kase naman. 'Di umuwi kagabi tapos dadating dito amoy alak. Normal ba 'yun na gawain ng estudyante, Axel?" Seryuso at nalulungkot na saad nito.

Ngumiti ito. "I know Yuri na nag-aalala ka lang sa kanya. Oo, 'di tama ang ginawa niya. Pero pabayaan mo na matanda na siya Yuri tsaka weekdays na naman eh." Mahinahong wika nito, napatango nalang ako.

"Sege na nga. Kain na tayo— tatawagin ko lang si Kiro. Pwede ikaw na muna maghain ng pagkain?" Nakangisi kong sabi kay Axel at tumango naman ito.

Nang maka-akyat na'ko ay kumatok agad sa pintuan ng kwarto ni Kiro. "Kiro? Kain na tayo." Mahinahong sabi ko, kahit medyo naiinis ako dito ay 'di ko matitiis si Kiro.

Bumukas ang pinto at lumabas si Kiro. Nakapagbihis na ito at nakayukong lumapit sa'kin.

"Sorry Kiro sa mga sinabi ko kanina. Sadyang nagulat lang nang makitang kanina kalang umuwi. Pero 'di na'ko galit sa'yo. Sorry." Sambit ko dito at tumawa ito sa'kin.

"Opo kuya." Nakangiting sabi ni Kiro. Ginulo ko ang buhok nito.

Nang makababa ay naabutan namin si Axel na nakapaghanda na ng pagkain.

Nagsimula kami ng pagkain. Habang kumakain ay nagsalita si Kiro. "Um, kuya Axel? Kayo na ba ni kuya Yuri?" Pagkasabi'y ngumiti ng nakakaloko. At sumubo ulit ito.

Ako ay napalunok sa sinabi ni Kiro. Anong kami na? Panong magiging kami ay— pero posebling maging kami kase may nangyari na sa'min. Oh God!

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Axel sumagot. "'Di pa Kiro eh. Ayaw pa umamin ni Yuri na gusto din niya ako." Namula ako sa sinabi niya, si Kiro naman ay tumawa. Pinandilatan ko si Kiro para tumigil sa pagtawa.

LUMIPAS ANG mga araw, linggo, at buwan. Mas naging close kami ni Axel. Pero 'di parin ako umaamin na gusto ko rin siya. Hinahayaan ko siyang gawin ang mga bagay na dapat ako ang gumawa. Siya narin ang nagluluto hindi na ako.

Figment Of Affection (B×B) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon