Chapter 03

980 35 1
                                    

ANDEE'S POV

Kaso hindi lang section Vinos ang andito sa kabilang entrance naman ay may dumating rin na section, section nila kuya Andrew...

Ewan pero ang weird na same level kami samantalang 19 na silang dalawa nung kakamabal nya na si kuya Adré. Pero mukang repeater rin ang mga mokong na yun.

"Ang panget naman ng mga kaharap natin, nakaka bwiset!" pagpaparinig ng isa sa mga kaklase nila Kuya André.

Magkaharap na kasi yung section Vinos at section royals, in english na lang ang hirap nung latin chuchu nila!

"Wala ata yung tatlong leader nyo?" nakangising usal ng isang lalakeng may itim na kulay ng mata at magandang pagka killer eye nito.

"Guys kain na lang tayo!" singit ni Timothy, kaya ayun masamang tingin lang ang ipinukol ng mga ka section namin.

Para ngang may mga laser ang mata nilang lahat. Lumapit sila saamin pero halatang iba ang ihip ng hangin, mga bad mood sila. Hindi ko na lang sila pinansin kase malay ko ba sa issue nila??? kaya kumain na lang ako ng tahimik.

"Lipat tayo doon sa pwesto namin ate Andee," pagtatawag saakin ni Timothy. Kaya agad kong inayos ang mga pagkain ko sa tray at lumipat nga kami sa pwedto nila.

"Dito kana lang muna sa tabi ko, absent naman si Hiro ih!" nakangiteng ani nito, 16 na sya pero para parin syang bata.

Mas nagtaka ako dahil nag iba nanaman ang mga ugali nila, matalim ang tingin nila sa.... likod ko???? kaya nakakunot noo akong tumitig sakanila pero dahil masama ang mga timpla nila tinignan ko yung likod ko. Andoo sila kuya Adrew at Adré malamig na nakatitig saakin! at walang pakealam sa mga death glares na nanggaling sa mga kaklase ko.

"Kailangan nyo?" walang kagana-ganang ani ko. Ilang araw pa lang ako sa bahay nila pero ramdam kong ayaw naman talaga nila saakin.

"Sumunod ka saamin, masasama ang tingin ng mga kasama mo." Sabi ni kuya Andrew sa lenggwaheng ginagamit namin tuwing nasa bahay kami nila lolo at lola.

Tatayo na dapat ako ng biglang hawakan ni Timothy ang pulsuan ko, nakakunot ang makakapal nyang kilay at nagtatanong naman ang mga mata nya. Pag tingin ko rin sa mga kaklase ko ay nagtatanong rin sila gamit ang mga mata.

"Bitaw, babalik ako mamaya." Ani ko pero mas hinigpitan nya ang pag hawak sa wrist ko.

"Bakit ka sasama sakanila? kaano ano mo ba sila?" kunot noong tanong nito.

"Mga pinsan ko, ngayon bitawan mo na ako."

Naramda ko ang unti unting pag babago sa reaksyon nila. Malalamig ang tingin na ipinukol nila saakin, pero dahil nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang masamang tingin nila Kuya Andrew ay hindi ko na sila pinansin at sumunod na agad ako sakanila.

"Bakit?" maririnig ang pagka walang interest sa boses ko.

"You stay away from trouble, at wag mo kaming pahihiyain." Deretsyong sabi ni kuya Andrew, ikinataas agad ng kilay ko ang sinabi nya. Inistorbo nila ako para dito?!

"Muka bang pinapahiya ko kayo??? edi sana sinabi mo sa mga magulang nyo na hindi ako dinala sa bahay nyo. Dahil guess what? I will fucking do what I want, tutal walang hiya ako sa mga mata nyo. Bakit hindi natin dagdagan?" sarkastikang ani ko.

Nakita ko ang pag igting ng panga ni kuya Andrew at André, pasalamat sila at nirerespeto ko parin sila.

"Wala ka nga talagang kahihiyan! wala karing utang na loob! pasalamat ka nga kinupkop ka at nakakapag aral ka sa mga mamahaling eskwelahan! akala mo may narating kana! what a bitch!" Nanggalaiting ani ni kuya André.

"Bakit hiningi ko ba sa inyong paaralin ako? na patirahin ako sa mga bahay ninyo? mga bobo! if I'm a bitch!" galit na sabi ko habang turo-turo ang sarili ko. "Your a jerk mother fucker!" sigaw ko maikli talaga ang pasensya ko lalo na sa mga taong katulad nila! piste nakakawalang galang sakanila!

Mabilis akong kwinelyohan ni kuya André at nakakuyom naman ang palad ng kapatid nyang si Andrew. Puro galit ang makikita sa mga mata nilang hazel brown ang kulay.

"Tigilan mo na yan, wala kang mapapala sa isang batang galing sa bahay ampunan! at batang walang kinalakihang maayos na pamilya!" sigaw ni kuya Andrew, kahit nakakaramdam ako ng galit pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang naiiyak ako.

Sensitibo ang mga topic na iyon para saakin, sobrang sensitibo...

"Oo nga pala nakalimutan ko na galing ka nga pala sa bahay ampunan, hmm kaya siguro ang sama ng ugali mo kasi wala kang pamilya! at kahit anong gawin mo walang mag mamahal sa iyo!" sigaw ni Kuya André.

"WALANG NAG MAMAHAL SA'YO!"

"KUNG MERON ASAN ANG NANAY MO?!"

"NYE NYE NYE! KAWAWA KA NAMAN WALANG MAGULANG AHAHAHHAH!"

"PUTANGINANG BATA TOH! PALAMUNIN NA NGA PERWISYO PA! HALIKA DITO TATAMAAN KA SAAKIN!"

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko, at bago ko pa iyon mapigilan ay mas lalo itong naging sunod-sunod na pumatak. Naririnig ko ulit ang mga boses na hindi ko alam kung kanino, ilang beses na akong sinasaktan sa pamamagitan ng salita, pero bakit parang bago saakin ito??? Bakit ako umiiyak?!

Naramdaman ko ang pagtanggal ni Kuya André sa paghawak sa kwelyo ko, naluluhang tumitig ako sa mga malalamig na mata nila. Pero wala silang sinabi, hindi sila nag sorry... Ang bobo mo Andee kung iniisip mong mag so-sorry ang dalawang yan! Umalis lang sila sa harap ko bago ako nanlumong naupo sa pinaka gilid nitong canteen.

"Tsk ang tapang mo kanina, tapos ngayon umiiyak ka?"

Mabilis akong napatayo at napatingala sa mga puno, lintek narinig nya yun at nakita nya akong umiyak! piste! piste! piste! Agad na tumalon si Van na nanggaling sa punong malapit sa pwesto ko at maangas na humarap saakin. Tinignan ko sya ng sobrang talim, kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay inuuod na sya.

"Narinig at nakita mo yun ano???" naiinis na sabi ko.

Nababaliw na tinignan ko sya dahil sa biglaang pag tawa nya putek abnormal ata toh ih! "Malamang may mata ako kaya nakita ko yun, at may tenga ako kaya narinig ko rin yun pft AHAHHAHA! ewan ko kung tanga ka lang o bobo, syempre common sense na yun!"

'Animal gyud!'

"Pero hwag kang mag-alala wala akong ipagsasabi sa mga nakita at narinig ko kanina." Seryosong sabi nya ng humupa ang pag tawa nya.

Hindi ko na sya pinansin, pinunasan ko muli ang mga natitirang luha sa mata ako. Ag sinigurado kong hindi mahahalatang umiyak ako. Tinalikuran ko na sya pero nararamdaman ko parin ang titig nya sa likod ko.

"Hwag kang maniwala sa mga bobong yun, may mga mag mamahal sa'yo."

Sabi nya na ikinatigil ko sa paglakad hindi ko parin sya hinarap pero ramdam ko ang presensya nya, presensya nyang ngayon ko lang napagtantong pamilyar. Sobrang pamilyar...

___________________________________________________________________________

Votes and Comments are highly appreciated.

Thank you and stay safe!

<333

Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon