ANDEE'S POV
Nagdaan ang araw na sobra bilis, Tuesday na ngayon. Boring. Ang daming pinapagawa sa school! Halos mapuyat na nga ako, dahil sa daming pinapasa at kailangan pag-aralan. Next week kasi, ay 2nd quarter na namin. Pero ayus lang yun, pagtapos naman ng klase ay may 1 week break kami.
Tahimik ang buhay ko, sa bahay hindi kami masyadong nag papansinan ni Kuya Andrè at Kuya Andrew. Masaya ako dahil tahimik ang buhay ko, walang gulo. Hindi gaya noon halos araw-araw gulo ang pinapasok ko, well choice ko naman yun hehhe!
"Nagawa mo naba yung essay sa English??" Tanong ni Van, nandito kami sa library.
Kasama namin si Timothy, Hiro, Jed, Quest, at Kai. Nag group study kami. Uwian na talaga namin, pero napagusapan naming mag group study. Kahit 30 minutes lang.
"Hindi pa, pero gagawin ko mamaya." Sabi ko, habang inaaral itong Math. May long test kami!
Hindi sumama yung ibang mga demonyo, paano ba naman ang tatamad! Well except kay Eric may practice sya sa skate, nag invite nga sya na manuod kami ng laban nya after exam. At syempre dahil supportive kami. Pumayag kaming manuod sa competition nya.
"Alam nyo ba sagot sa 3?" Tanong ni Timothy, habang pinaglalaruan yung ballpen sa kaliwang kamay nya.
"Ang sagot sa 3 ay letter b." Ani ni Quest, habang may tinatype sa computer nya.
"Yun salamat Quest!" Ani ni Timothy.
Bumalik na ako sa ginagawa kong pag re-review, lahat kami may iba't ibang ginagawa.
--Nakauwi na ako sa bahay, naligo ako. At walang alinlangan kong binuksan ang shower. Sobrang lamig pa ng tubig! Hindi na ako gumamit ng hot water. Para lang mawala stress ko, kahit pa paano.
Pagtapos kong maligo ay pinupunasan ko ang buhok ko, pero naagaw ng cellphone kong tunog nang tunog. May nag message kasi sa messenger.
Pagtingin ko kung sinong nag message, nakita ko ang name ni Crius. Anong kailangan nito?
Crius Lewis
Crius: Good evening :)
Crius: Nag dinner kana?
Crius: Nasa restaurant kaba last week? I think Friday nun, para kasing nakita kita
Crius: Are you busy?
Crius: Can we talk Andee?
Me: Bakit?
Crius is typing...
Crius: Can we talk? Sa personal?
Me: Kailan? At anong pag uusapan natin?
Crius is typing...
Crius: Ngayon sana, susunduin kita sa bahay nyo :))
Me: Tsk, 10PM? Seryoso??
Crius is typing...
Crius: Yes, it's very important. Plus I want to see you :))
Me: Ok.
Pinatay ko na ang wifi ko, kumuha ako ng jacket. Bago ako dahan dahang lumabas, hindi ko gustong may makakita saakin.
Pag labas ko ay nagulat pa ako, dahil nasa harapan na ng bahay ni Tita Aliyah si Crius. Naka sandal sa kotse nya, habang ang dalawang kamay nya ay nasa bulsa nya.
'Paano nya nalaman na bahay namin ito? Wala akong sinabi kung saan ako nakatira? Tama kaya ang hinala ko?'
Hindi na ako nag tanong sakanya, bagkus ay sumunod lang ako. Binuksan nya ang front seat nitong kotse nya. Tahimik lang ako, hindi ako umimik o nag tanong kung saan nya ako dadalhin, basta hindi ko pinapansin ang presensya nya.
BINABASA MO ANG
Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)
Fiksi PenggemarPART 1 Sya si Andee Zaimin Vasquez ang babaeng palaban, matapang, at hambog na makikilala mo sa tanang buhay mo. Simpleng babaeng na mahilig sa basag ulo, ano na lang ang mangyayare kung napunta sya sa mga kaugali nya rin? Magkakasundo ba sila? O hi...