WANG CHURAN AS YASMIN YEAN ^
Guys first of all thank you so much sa 3k readers, hindi ko yun enexpect. Pero salamat sa inyo sa pag aabang ng updates ko sa pag support sa lahat. Kahit na fini-figure out ko pa lang kung paano pa aayusin ang aking writing skills. Pero binasa nyo pa rin ang aking libro na sinulat. Maraming maraming salamat!
Sorry din at ngayon lang naka update AHAHAH! ang dami naming pt at mas lalo lang syang nadadagdagan guys! so ayun minsan na lang maka update.
God bless y'all!
FLASH BACK'S POV
--
ANDEE'S POV
"Oh!" may binato saaking flash drive si Yasmin, tinawag nya kasi ako. Sabi nya gusto nya daw akong makausap.
"Para saan naman toh?" taas kilay na sabi ko sakanya, at dahil magkatapat lang kami ng upuan sa table. Ay talagang kulang na lang iuntog namin ang isa't isa sa lamesa.
"To save your ass..." ani nito, bago ininom ang black coffee nya.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko dito, ngumisi lang ito saakin bago nilapag ang black coffee nya.
"I'm sure na alam mong si Xio ang sumusunod sa'yo right?"
Gulat akong napatingin sakanya, bago ko sya hinila sa kwelyo ng damit nya at nilapit ang muka nya sa muka ko.
'Nakakaubos ng pasensya ang piste na 'to!'
"Chill Andee... chill..." natatawang sabi nito.
"Hwag mo akong pinaglalaruan Yasmin! baka gusto mong itapon ko yang kape mo dyan sa muka mong puro kolorete?!" pananakot ko sakanya, pero tumawa lang sya. Walang taong nakapaligid saamin. Naka private room kami dito sa mamahaling cafe na pinili nya.
"Andee you need to chill... umayos ka ng upo." Ani nito, pabato kong binitawan ang kwelyo nya at maangas nya iyong inayos.
"Paano mo nalaman yun?!" inis na sabi ko sakanya.
"Hmm... na obserba ko na palagi ka nyang pinagmamasdan, at minsan kung nasaan ka nandoon naman sya."
"Edi bakit mo pa ako pinapakealaman? anong connect nitong flash drive dyan sa issue ko kay Xio?!" inis na sabi ko sakanya.
"Tignan mo yung laman nyan pag uwi mo sa bahay. And... I want to have a deal with you, kaya kita pinatawag dito..."
Naging interesado ang pandinig ko dahil sa sinabi nyang DEAL. Sa dami kong isipin sumabay pa yung lintek na deal nya?
"Anong deal?" taas kilay na sabi ko.
"Ikaw na ang bahala kay Xio kapalit ng kasiguraduhang ligtas ang pamilya mo..."
"Nagpapatawa kaba Yasmin? kasi kung oo dapat mo sigurong marinig yang mga sinasabi mo. You sound desperate."
"I'm not desperate Andee! anong akala mo sa sarili mo? superhero?! you know them! hindi sila titigil hanggat hindi ka nagagantihan!"
"Teka nga!" sigaw ko sakanya habang mahigpit ang paghawak sa bread knife na tinusok ko sa lamesa. "Ano bang alam mo ha?! bakit ba parang alam na alam mo lahat?!"
She fixed her composure, bago nya nilahad ang kamay nya sa harap ko na para kaming bagong kilala. "Yasmin Yean... one of the highest leader of juzkez frat." Nanlake ang mata kong napatingin sakanya, what the pak!
"What?!"
Kapag isa ka sa pinaka highest leader ng Frat ni Tanda. Ang ibig sabihin ay sobrang pinagkakatiwalaan ka nya, oo si Jeremy ang pinaka namumuno. Pero pati ang mga nagugustuhan nya sa frat ay ginagawa nyang makapangyarihan sa gropo. Naranasan ko yun dahil isa ako sa naging highest leader.
"Nice to finally meet you Andee... the former highest and the most respected leader of all." Ani pa nito sa pormal na paraan.
Sinimaan ko lamang sya ng tingin, at matamis na ngiti lamang ang ibinigay nya sa akin. Hindi ko malaman kung nang aasar o kung ano ang babaeng toh ehh!
"Kung isa ka sakanila, bakit mo pa ako pinatawag dito?!" nanggigil kong ani, sumubo muna sya ng kanyang pagkain bago ako tinignan at sumagot.
"Do you even think, na mabilis akong mauto Andee? ganun ba ako kababaw sa'yo?" tugon nya habang patuloy sa paghiwa ng kanyang chocolate pancake. Tinignan ko lamang ang kanyang ginagawa, kung paano nyaa isubo ang pagkain nya. Napaka arte pa psh!
"Go straight to the point Yasmin, nag aaksaya tayo ng oras dito."
"Kung hindi mo alam, Jeremy is planning something na alam kong ikakapahamak ng pamilya mo..."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
"Bakit mo ba ako tinutulungan?!" nauubusang pasensyang sigaw ko dito. Hindi nya sinagot ang tanong ko pero titig na titig sya saakin.
"Ano na?!" inis na sabi ko, paano ba naman kasi kung makatitig parang kakainin ako ng buhay eh... -_-
"Alam mo kung nagagandahan ka saakin, at nagiging tomboy kana dyan Yasmin. Mag sabi ka masamang naka--"
"Sorry..."
"Ha?"
"Wala. Pwede kanang umalis tapos na ang deal natin."
Kumunot ang noo ko dahil sa pagiging weirdo nya bigla. "Eh pero bakit nga tinutulungan mo 'ko?!" inis na sabi ko.
"Tsk! ang kulit mo sige na umuwi kana."
"Baka hindi mo pa nasasabi kung anong plano ni Jeremy sa pamilya ko?" sarkastikang sabi ko sakanya.
"Hayst!" inis na sabi nya, pero tinaasan ko sya ng kilay kaya naman inikutan nya ako ng mata. "Masama ang mga plano nila Andee, maari pang mamatay ang pamilya mo."
Sumeryoso ang muka ko dahil sa sinabi nya, kahit gustuhin ko mang 'wag maniwala sakanya. Iba naman ang nararamdaman ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko, ramdam ko ang tingin nya saakin. Hindi ako nag dalawang isip na umalis sa lugar na yun, ngunit diko pa nga nahahawakan ang door knob ay hinawakan nya na ang braso ko paharap sakanya.
"Don't do any stupid thing Andee, ako ng bahala kaya please ingatan mo yung sarili mo." Ani nya, habang ang mga mata nya ay may bahid ng pag-aalala.
"Hindi kita maintindihan Yasmin, dati lang halos patayin mo 'ko! tapos ngayon nandito ka tinutulungan ako?!" kunot noong tanong ko, hindi naman sya makatingin sa mata ko. Ano bang meron sa babaeng toh?! may tinatago sya eh!
"Anong tinatago mo?" pabulong na ani ko, at dahil magkalapit lang kami alam kong dinig nya ang sinabi ko.
Binitawan nya na ang braso ko, bago nya inayos ang sarili at pustura nya. "W-wala... makakaalis kana." Tumalikod na sya saakin bago bumalik sa table namin kanina.
Ang bilis nag bago ng reaction nya malamig na ang mga tingin nya saakin ngayon, hindi katulad kanina mababasa mo ang mga reaction nya. Inikutan ko lang sya ng mata bago ako tumalikod at umalis sa lugar na yun.
Sa ngayon ay wala muna akong pakealam sa tinatago nya o ano man, basta kailangan kong makauwi agad. Kailangan ligtas ang pamilya ko... kailangan hindi na sila madamay, kailangan ligtas sila. Kahit na kumukulo ang dugo ko kay Yasmin, alam kong hindi din possible ang mga sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)
FanficPART 1 Sya si Andee Zaimin Vasquez ang babaeng palaban, matapang, at hambog na makikilala mo sa tanang buhay mo. Simpleng babaeng na mahilig sa basag ulo, ano na lang ang mangyayare kung napunta sya sa mga kaugali nya rin? Magkakasundo ba sila? O hi...