Chapter 26

728 21 2
                                    

JEDRIC'S POV

"Jedric! ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tigilan mo na ang pangarap mo na iyan! Bakit ba ang tigas nyang ulo mo?!"

'Is he serious?!'

"Dad! why can't you even understand that I want to be a singer not a doctor! for fudge sake!" galit na sabi ko, paulit ulit na kasi ang ganitong senaryo sa bahay.

My dad wants me to become a doctor, pero hindi ko gusto ang pag dodoktor. I want to be a singer. I love to write my own songs, and to play some instruments. Sadyang hindi lang sya suportado dun, ang mom ko naman ay suportado pero wala syang magawa dahil sa papa ko.

"What is going on here?"

Naririnig ko na ang takong ng sapatos ng aking ina na palapit saamin, nag aalalang tumingin sya saakin bago bumaling sa aking amang kunot na kunot ang noo.

"You will listen to me! I am your dad Jedric! and if I say na mag do-doktor ka! mag do-doktor ka!"  sigaw nito, napatayo ako sa pagkakaupo ko at sinamaan ko sya ng tingin.

"NO! YOU WILL NOT DIFINE MY FUTURE DAD! I'M GOING TO BE A SINGER! AT WALA KANG MAGAGAWA DON! DISESYON KO YUN AT PANININDIGAN KO YUN!"

"HOW DARE YOU!"

"JUST WAIT AND SEE DAD! MY FUTURE WILL BE THE BEST THAN WHAT YOU IMAGINE! YOU ALREADY RUIN HIS FUTURE! PATI BA NAMAN YUNG AKIN?!"

Tinalikuran ko na sila bago pa ako maubusan ng pasensya, naririnig ko naman ang mga pagtatalo nila ng nanay ko sa lenggwahe nya. Tsk kung iniisip nyang mag do-doktor ako! managinip sya ng nakamulat ang dalawang mata nya! piste!

Kinuha ko ang drum stick ko. Don't worry I've requested my mom na gawing sound proof ang kwarto ko. Kaya kahit anong ingay ang gawin ko, wala kang maririnig sa labas.

Nanggigil akong nagpatugtog sa drum, ganito ang ginagawa ko kapag may mga bagay na kinakagalit at kinakagulo ng utak ko.

Nang huminahon ako ay binato ko ang drum stick sa sahig, Nabalik lang ako sa reyalidad ng may kumatok sa kwarto ko. Hindi ko ito pinansin at pinabayaan ko lang syang kumatok ng kumatok sa pintuan. Kalaunan ay sya na rin ang nag bukas ng pinto.

"Jed..."

Tawag nito sa pangalan ko, hindi ko pa rin sya nilingon. Nandito lang ako sa veranda nakatingin sa akawalan.

"Anak... please don't hate your father, dahil lang sa tutol sya sa pangarap mo. He just wants the best for you..."

Galit akong lumingon at tumitig sa aking ina, hindi ako tutulad kay kuya! yung kuya ko kasi sinusunod ang tatay ko sa kahit anong gusto nito! ayan doctor na sya ngayon pero hindi nya naman ma enjoy dahil hindi naman yun ang pangarap nya!

"The best for me?! sounds Pathetic mom! gusto mo akong matulad kay Kuya Jerick?! na sinusunod lahat ng gusto nya?! No ma! I will never give up my dreams for someone! I'd rather die than do that!"

"No h-hindi naman sa ganun..."

"Ganun yun ma! Bakit may nagawa kaba?! wala diba?! Pinapanood mo lang naman kaming mga anak mo na maging sunod sunuran sakanya!"

"Jedric!" she said with a warning tone.

"Tignan mo si kuya Jerick! nag eenjoy ba talaga sya bilang doktor?! o napilitan lang syang mahalin ang trabaho nya?! dahil alam nyang pagtumutol sya sa pamamahay na toh! talo sya! at hindi nya papakinggan kung ano ang opinyo at gusto nya! You never understand us! dahil magulang kayo!"

"Jed hindi ganun yun ok??? sinusubukan ko namang supurtahan kayo ng kuya mo sa gusto nyo! pero ang daddy mo ang peoblema!"

"No! kayong dalawa ang problema! Oo suportado ka nga ma saamin! pero hindi mo naman kami kayang ipagtanggol! hindi mo naman kami kayang ipaglaban! karapatan namin ma na mamili kung anong gusto namin sa buhay! hindi nyo na hawak yun! gabay lang kayo! pero hindi ibig sabihin nun pati buhay namin e-co-control nyo!"

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, bago ko kinuha ang susi ng kotse ko. Kailangan konb umalis dito, dahil nawawalan na ako ng respeto sa kanilang dalawa!

Kung iisipin nilang susunod ako sa mga gusto nila na parang robot! nag kakamali sila ng iniisip! ako ang mag didesesyon ng kung ano ang gusto at ayaw ko! hindi sila! at walang kahit na sino ang makakapag disesyon nun para sa inyo!

Pag punta ko sa garahe ay pinaandar ko na agad ang kotse ko, may lugar kasi akong pinupuntahan kapag wala ako sa wisyo o hindi kaya na bo-bottle up ang emotions ko. Bukod sa musika ay mahilig rin ako sa mga payapang tanawin, pakiramdam ko ay nakakawala iyon ng stress.

Ang lugar na iyon ay mapayapa at makikita mo ang buong city dahil sa tuktok ito ng bundok, isang magandang tanawin para saakin. Dala ko ang gitara ko, dahil kanina nung pag-uwi ko ay galing ako sa band practice. Pero ang problema pati yun tutol ang tatay ko. Nalaman nya na sumali ako sa banda ng wala ang pahintulot nya.

Madalang syang umuwi sa Pilipinas, madalas kasi ay nasa France sya inaasikaso ang mga business nya. Hindi ko naman alam na may pa surprise visit sya ngayon. Nasira tuloy ang magandang araw ko.

Noong bata pa ako sumusunod ako sa gusto nya, pag sinabi nyang ganito dapat ang ugali ko. Susundin ko dahil nga sya ang papa ko at dapat sinusunod ang mga magulang. Yun ang tinuturo sa paaralan...

Pero nung nakita ko kung paano nya kontrolin si kuya doon ako nahimasmasan, hindi pla dapat ganun... isang toxic parenting ang pinapakita nya, palagi ko kasing napapansin na malungkot at parang lantang gulat si kuya. Yun pala ay dahil sa pressure at hindi sya iniintindi sa mga bagay.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko, na kapag tumanda ako at dumating kami sa ganitong punto. Hindi ko hahayaan na kontrolin nya ang buhay ko. I will never give up my OWN dream! para lang papurihan nya!

Listen to your own heart... ika nga nila, kahit magulang nyo pa yan. Hindi nila pwedeng diktahan ang pangarap at buhay ng anak nila. 

_________________________________
_________________________________

votes and comments are highly appreciated.

Please kung gusto nyo ng kausap I'm always free, just message me ng kahit anong oras. I'll try my best to message back.

*pero kung hindi ako nakapag message back as soon as possible, always remember na titignan ko pa rin yung message mo at e-me-message kita once nabasa ko na ang message mo.*

And always remember you're enough!

fighting lang! makakaya mo yan! trust yourself, and trust God.

ily! <333

Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon