votes and comments are highly appreciated!
:))
--
ANDEE'S POV
This is the final day para sa mga laro at sa events ngayon, todo practice ang Vinos. At dahil PINIPILIT ako ni Z, ayun pumupunta ako. Ikaw ba naman sabihan na "If you don't want to come, then we will just let the team lose.'" Aba mga teh! Kilala ko ang ugali nun! Kapag sinabi nya! Gagawin nya talaga!
Nandito kami ngayon sa mga booths, mamaya pang hapon ang final game sa bball. Kaya madaming time, hindi kami ang nag champion sa lahat. But atleast nanalo kami sa ibang activities, sobrang nakaka proud. Dahil na re-recognizes ang section namin.
Kasama ko si Hiro at si Timothy, kumakain kaming tatlo ng fishball. Ako pa nga nanlibre ehh, nahiya ako sa dalawa kong kasama. Mga kuripot! Bumili kami sa labas, sa sobrang yaman ng mga students dito sa WIS. Walang street foods!
"Hoy anak ka naman talaga ng nanay mo! Pahingi!"
Ayan kanina pa sila nag babangayan ni Timothy, paano ito si Timothy buraot!
"Buraot ang putek! Bahala ka dyan! Inubos mo yun sa'yo?! Tapos saakin ka manghihingi?!" Reklamo naman ni Hiro, dala nya nga camera nya ehh. Nakasabit sa leeg nya.
"Oyy ate Andee, stay ka lang dyan."
Nagulat ako nung nagsalita ito, at sinabing mag stay lang daw ako sa kinatatayuan ko. Kaya naman nakinig ako, binuksan nya ang camera nya. Before taking some shots, hindi tuloy ako nakapag pose! Bilis nung pag pindot nya eh!
"Oyy! Baka panget ako dyan!" Sigaw ko sakanya, pilit ko pang inaagaw yung camera. Pero ayaw nyang ibigay!
"Maganda yan! Para ka ngang model ehh! Mag model kana lang ate!" Panguuto nya pa.
"Utot mo! Dika na nya ililibre!" Binatukan sya ni Timothy, kaya sinamaan nya 'to nang tingin. "Wag ka maniwala sa ganyan ni Hiro ate! Gusto lang nyan ilibre mo sya ulit!" Sabi nya pa saakin, natawa na lang ako sa kakulitan nila.
ANDITO ako sa rooftop, dinadamdam ang hangin. Masyadong mahaba ang time ngayon, dito ako tumambay. Ayaw ko mapag tripan sa mga marriage booth na yan. Lalo na yung mapupunta kapa sa jail booth! Nako! Mag babayad pa ako, para makalabas!
I was looking at the sky, natatakpan ng ulap ang araw. Kaya talagang makikita mo ang kagandahan nito, kulay asul. Tapos malakas pa hangin dito.
"Ate Andee?"
Napalingon ako sa likuran ko, nakita ko ang nakangiting muka ni Hiro. He looks genuinely happy... you know sometimes I just could see through his eyes... na he just want to give up. It was full of emptiness, sadness, pain, anger, desperation. I could read him like an open book, I just don't know kung... mag o-open up sya saakin. Lumapit sya sa pwesto ko, kaya ngayon pareho na kaming nakatingala sa langit.
"Do you want to talk about it?"
Woho! Finally! Nasabi ko rin!
The silence was so loud, he did not even react. So hindi ko alam kung right time ba ito? To ask?
"Do you think ate, that someday... Magiging malaya ako?"
Napalingon ako agad sakanya, it did not process my brain at first. Pero nung naintindihan ko na ang sinabi nya, I slowly nod my head.
"Of course Hiro... be free. Choose to be free, I don't know what exactly pain you have been through... but always choose to be free. Like those birds." Ani ko, habang tinuturo ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan.
"My mom is a psychiatrist."
Muli ulit akong napalingon sakanya, then I realize. He's slowly, opening up.
"While my dad he owns a lot of land here, as well sa Japan. I always have luxurious life, I get what I want. If I want a new toy, then tomorrow meron na ako nun. If I want to have new phone, later nasa akin na yun. I'm an only child. Kaya siguro madali na ibigay saakin lahat ng gusto ko. But you know what? They could not give me a real parenting love. When I was 10, I realize. How sad my life was."
Hindi ako nagsalita, pinabayaan ko syang maglabas ng hinanakit nya sa buhay. I can almost hear his broken voice, probably pinipigilan umiyak.
"Akala ko sapat na ang buhay ko, may yaya naman para tignan ako. Nasa malaking bahay ako nakatira... malake ang kwarto ko... marami akong laruan... marami ako neto... marami ako nyan... pero. I still feel na hindi enough. Tuwing Christmas, we can't celebrate like the others. My dad was always busy, as well as my mom. They are both workaholic. I was 10, when I saw a happy family at the park. That's when I wonder... bakit hindi kami ganun? B-bakit... kahit hindi matagal... hindi kami magkaroon ng bonding. That's when I realize, my life. Was so downhearted... Having those money?!"
He laugh, pero kasabay din nun ang pagiyak nya.
"H-having t-those money! Fvck those! H-hindi nun... mabibili ang pagkukulang na namumutawi, sa puso ko..."
He began to cry harder, lumapit ako sa kanya. I told him, kung pwede ko ba syang yakapin. Or if he would be comfortable, pag hinug ko sya. We all know, not all people love physical touch. Nung tumango sya. I hug him, like he was my own real brother.
I was hugging him tightly, he cried so much. It was so depressing to see him like this, siguro sobrang bigat nang pakiramdam nya. Siguro sobrang bigat...
"Magiging malaya ako... pero hindi muna ngayon, wag muna ngayon."
Hindi ko na narinig ang dulong parteng sinabi nya, pabulong na ang pagsabi nya dun. I'm happy, na gusto nyang maging malaya.
BASKETBALL. Nasa court na kami ngayon, ang mag lalaban ay ang Vinos at ang Regiorum. Mas grabe ang tensyon, kumapara sa mga nakaran na kalaban nila. Nagsasamaan sila nang tingin dito sa court, ang captain ng Vinos ay si Z at ang captain ng Regiorum ay si Kuya Andrew.
Napalingon ako sa kaliwa ko, nung may kumalabit saakin. Pagtingin ko, si Yasmin lang pala. May dala pang pagkain.
"Oh sa'yo yung isa, muka kasing magandang game 'to ngayon." Ani nito, habang pinpasa saakin ang isang bucket ng popcorn.
"Oyy pahingi!"
At ayun nga, ang mga demonyo kong mga kaklase! Nagsihingian saakin!
Nagsimula na ang game, pag bato ng referee yung bola kasabay ng pag pito. Ang bola ay na kila Kuya Andrew. Todo cheer ang mag kaibilang group, ako dito chill lang kumakain akong popcorn.
3 points para sa Regiorum, na shoot ni 05 yung bola. Sumunod ay napunta kay Leo ang bola, pero napatayo agad ako sa kinauupuan ko. Nung mag slam dunk na si Leo sa ring, may parang tumulak sakanya.
Hindi man lang pumito yung referee, kaya nilapitan ito ni Van. Halatang nagagalit na ito, dahil ang noo nya ay nakakunot. Tinulungan ni Xander si Leo, namimilipit ito sa sakit. Mukang malakas ang pagbagsak nya, nilapitan ni Z si Van. Bago may binulong dito.
Nagaalala ako kay Leo, dinala na sya sa infirmary. Nagsimula ulit ang game, at mas lalong tumindi ang laban. 59 na Regiorum 58 kami, ang bola ay nasa amin. Nag 3 points si Xander, sigawan kami dahil pumasok. Period 4 na, at kanina pa namin nakikita ang panggalaiti nila.
Pinasa ni 05 yung bola kay kuya Andrew, hinarang ni Z si Kuya. Ewan pero parang nag uusap sila, nag sasamaan sila nang tingin eh. Hanggang sa nakuha ni Z yung bola, kitang kita ko ang inis sa muka ni kuya. Pagtingin namin sa timer 15 seconds na lang.
"GO Z! E-SHOOT MO YUNG BOLA! KUNG HINDI ITATAPON KITA!" Malakas na sigaw ko, nakita ko na napangisi sya. Narinig nya ata. Kahiya!
"VINOS ANG PANALO!"
At ayun, naging champion kami sa bball.
![](https://img.wattpad.com/cover/282505972-288-k252477.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)
FanficPART 1 Sya si Andee Zaimin Vasquez ang babaeng palaban, matapang, at hambog na makikilala mo sa tanang buhay mo. Simpleng babaeng na mahilig sa basag ulo, ano na lang ang mangyayare kung napunta sya sa mga kaugali nya rin? Magkakasundo ba sila? O hi...