❗️TRIGGERS WARNING❗️
DAZE'S POV
"Manag si Uziel po?" tanong ko sa matandang katulong namin na nagluluto, sya si Manang Lurdes. Pinaka paborito namin sa lahat, dahil simula noon hanggang ngayon ay sya pa rin ang nagalalaga saamin.
"Nasa kwarto nya ijo, maya-maya ay bumaba na kayong dalawa para sa hapunan."
"Sige po."
Umakyat na ako sa taas bago nagtungo sa kwarto ng kapatid ko, siguradong magagalit na naman toh kapag basta-basta na lang akong pumasok ng walang paalam.
"SURPR—"
Agad kong natikom ang bunganga ko dahil sa na kita ko. Ang kalat ng kwarto nya... hindi ganyan ang ugali ni Uziel, ayaw nun ng makalat at parang babae yun dahil sa kaartihan nya. Para syang si Levi Ackerman ng aot sa totoo lang. Wala rin sya sa kwarto nya... pero sabi ni manang andito daw sya???
"Uziel! nasa cr kaba?!" sigaw ko mula sa tapat ng pinto ng banyo nya, pero nag li-limang minuto na walang sumagot sa tanong ko.
Patakbo akong bumaba at nagtungo muli sa kusina, nag hahanda na si manang para sa hapunan.
"Manang w-wala ho si Uziel sa kwarto nya?" naging patanong ang sinabi ko sakanya.
"Ayy! nakalimutan ko ijo pasensya kana, nag sabi sya saakin na may pupuntahan sya."
"Saan naman po manang? eh kilala mo naman yun wala masyadong kaibigan dahil masungit!"
"Hmm... saan nga ba yun???" bulong nya sa sarili nya, habang nag iisip ng mabuti. "Ay ijo pumunta sya sa ilog, basta may ilog. Ang sabi nya kasi saakin ay—"
Hindi ko na pinatapos ang sinabi nya agad akong umakyat sa taas at kinuha ang susi ng motor ko, halos talunin ko ang hagdan pag baba ko.
"Manang! may pupuntahan lang ako mauna kana pong kumain." Hinihingal na sabi ko, kumunot naman ang ulo ng matanda. Pero tumango lang ito.
Mabilis akong nag tungo sa garahe at pinaandar ang motor ko kaagad. Alam ko na kung saan sya nag punta at kailangan kong makapunta dun sa lalong madaling panahon. Pinaharurot ko ang motor ko na parang wala ng bukas, kung tutuusin wala na nga ako sa speed limit. At pwede na akong makasuhan, pero wala akong pake. Kailangan kong makita si Uziel.
'Kung tama ang nasa isip ko Uziel, fuck you ng malutong bro!'
Pagdating ko dun, ay nag simulang bumuhos ang ulan. Naging maputik tuloy ang daan papunta sa tulay, madilim at creepy ang mga punong sumasayaw dahil sa lakas ng hangin. Takbo lang ako ng tumakbo hanggang marating ko ang lugar na iyon. Hindi na alintana ang basa kong katawan at putek sa aking mga sapatos.
"UZIEL! UZIEL!" tawag ko sa pangalan nya, pero walang sumasagot. Andito dapat sya! dahil ito lang naman ang lugar na pupuntahan nya!
Malakas na ulan na may kasamang kulog ang maririnig mo sa paligid, tila nagagalit rin ang ilog dahil sa mabilis nitong ragasa. Asan naba ang boploks na yun?!
"UZIEL! U—"
Natigil ako dahil nahagip na ng mata ko ang isang bulto ng tao na nasa dulo ng tulay, delikado at nag stay pa rin sya dyan?! puta! magpapakamatay ata ang isang toh!
--
UZIEL'S POVNakapikit ako habang hinahayaang damhin ang pagdaplis ng ulan sa aking balat, ganun rin ang malakas na simoy ng hangin. Isang perpektong oras para saakin...
Gusto kong tumalon... at hayaan ang ilog na kunin ang buhay ko... pero nag dadalawang isip ako sa disesyon ko. Dalawang oras na akong nandito pero hindi pa rin ako umaalis. Dito... dito ang lugar kung saan namatay si Rika... ang babaeng mahal at mamahalin ko habang buhay.
Namatay sya dahil hindi ko sya na iligtas at hindi ako nakaabot kaagad para pigilan sya. She killed herself, at hindi ko kagad sya naahon sa ilog na ito noong araw na tumalon sya. Naialis ko man sya sa tubig pero wala ng kahit na anong buhay ang katawan nya. Ako naman kasi ang may kasalanan...
I didn't listen to her... kapag may problema sya, ilang beses syang nag sasabi saakin pero hindi ko binigyan ng pansin. Dahil akala ko ay wala naman talaga syang problema, hanggang sa dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko....
"UZIEL!" nabalik ako sa reyalidad dahil sa may tumawag sa pangalan ko, pag tingin ko ay nakita ko ang aking kapatid na halos lakihan na ang hakbang para makaabot saakin.
Nang makalapit sya ay hingal na hingal syang humawak sa kanyang mga tuhod, samantalang tinignan ko lamanv sya ng may pag tataka.
"Nababaliw kana ba?!" inis na sigaw nito ng maka recover sya sa pagkahingal.
"Tsk, edi sana matagal na akong nasa mental kung baliw ako?" pagtataray ko dito, pero sinamaan nya lang ako ng tingin.
"Uziel naman! tigilan mo nga yang pagiging pilosopo mo! akala mo nakakatuwa ka eh!" galit na galit na sabi nya.
"Bakit ka naman matutuwa? nag joke ba ako?" inosenteng tanong ko dito, nakita ko ang pagngiwi nya at ang pagsabunot nya sa kanyang buhok dahil sa inis.
"It's her death anniversary... she's 3 years dead now..." wala sa wisyong sabi ko, habang nakatingin sa kawalan.
"Uziel..."
"Daze kung iniisip mong mag papakamatay ako, tama ang iniisip mo bro. Pero ngayon nag didesesyon pa lang ako, kaya pwede ka ng umalis."
"Bobo ka talaga Uziel! sa tingin mo matutuwa sya sa ginagawa mo dyan sa buhay mo?! bakit mo ba sinisisi ang sarili mo?! eh hindi ka naman Dyos para maibalik ang buhay ni Rika! kahit mag pakamatay ka! hindi maibabalik nun ang buhay nya!" inis na sigaw nito saakin, kung nasa wisyo lang ako ay binatukan ko na sya dahil sya ang bobo saaming dalawa.
"Ako naman kasi ang may kasalanan Daze..."
"That's bullshit Uziel! Paano kaming pamilya mo kapag nawala ka?! hindi mo ba iniisip kung anong mararamdaman namin?! akala ko ba ikaw yung matalinong kambal! matalinong anak! asan na yang utak mo ngayon?! bakit bigla kang nabobo!" Sigaw nito.
"Mas mabuting mamatay, kesa magising ako araw-araw na may guiltiness sa buong pagkatao ko!"
Galit akong tumitig sakanya, pero nagulat lang ako ng sapakin nya ako.
"Ayan! para mahimasmasan ka! Gusto mong magpakamatay! sige gawin mo! sarili mo langa lagi ang iniisip mo Uziel! kapag ginawa mo yan! sarili mo naiintindihan mo ako?!"
Umalis ito ng walang paalam at pasabi, tinignan ko lang likod nya habang umaalis sya, bigla tuloy akong napaisip.
'Tama nga ba ang disesyon ko Rika? may say-say paba ang buhay ko?'
_________________________________
_________________________________votes and comments are highly appreciated.
Please kung gusto nyo ng kausap I'm always free, just message me ng kahit anong oras. I'll try my best to message back.
*pero kung hindi ako nakapag message back as soon as possible, always remember na titignan ko pa rin yung message mo at e-me-message kita once nabasa ko na ang message mo.*
And always remember you're enough!
fighting lang! makakaya mo yan! trust yourself, and trust God.
ily! <333
BINABASA MO ANG
Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)
FanficPART 1 Sya si Andee Zaimin Vasquez ang babaeng palaban, matapang, at hambog na makikilala mo sa tanang buhay mo. Simpleng babaeng na mahilig sa basag ulo, ano na lang ang mangyayare kung napunta sya sa mga kaugali nya rin? Magkakasundo ba sila? O hi...