ANDEE'S POV
Gabi na, kaya kumakain na kaming lahat ng dinner dito sa hotel. Ang sarap nung mga pagkain, puro seafood. Ang sarap ng mga pagkain, mapapalamon ako dito nang madami!
"Oyy Andee! Parang kumikinang na yang mata mo dyan sa lobster! Matakaw talaga!" Asar ni Eric, sinamaan ko tuloy sya nang tingin.
"Manahimik ka, baka ibato ko tong dinner knife sa'yo!"
Hindi nya naman ako pinansin, pero tinawanan nya lang ang sinabi ko. Kahit yung mga kasamahan namin ay natawa, Natahimik lang kaming muli sa lamesa, dahil kumakain na yung iba. Galit-galit muna, dahil masarap lumamon.
Habang kumakain, hindi ko pinapansin ang paligid ko. Hindi ko napapansin, nakatitig na pala silang lahat saakin. Nag kakamay lang ako habang kumakain, mas masarap yung ganung paraan nang pagkain.
"Ang kalat mong kumain."
Nagulat ako dahil may biglang kamay na nag extend sa muka ko, may hawak itong tissue. Bago nito pinunasan ang gilid ng labi ko, napatingin ako sa muka ni Z. Grabe! Ngayon ko lang nahalata, maugat ang kamay ni papsi Z nyo! Ang ganda pa ng kuko, at mahabang daliri. Ulala!
"Ah hahah! Salamat." Na conscious tuloy ako.
"Yieee sana all!"
"Mga hayuf kayo! Ang landi nyo!"
"Kumain din naman ako guys! Bat walang nag pupunas sa gilid ng labi ko?! Makalat din akong kumain ehem!! Baka naman!"
PAGTAPOS kumain, ay bumalik na ang ibang mga kasamahan namin sa hotel rooms nila. Pabalik na sana ako sa hotel room ko, pero nakita ko na nakaupo si Z sa buhangin. Alam na alam ko yung likod nya ehh. Maganda ang buwan ngayon, bilog na bilog. Ang dagat ay mahinahon, ang hangin ay malamig, at ang paligid ay tahimik.
Lumapit ako sakanya, umupo din ako sa tabi nya. Niyakap ko din ang tuhod ko sa aking dibdib, ganun ang pagupo nya. Hindi nya naman ako tinignan, siguro alam nyang kanina pa ako nandito.
Tinitigan ko ang side profile nya, sobrang gwapo pa din. Kahit anong anggulo.
"Pogi naba ako?" Biglang tanong nya.
Napaderetsyo tuloy ako nang upo, out of nowhere ang tanong nya eh!
"Ha?" Yun na lang lumabas sa bibig ko, hindi ko alam sasabihin.
Hindi na sya nag salita, naktitig lang sya sa buwan. Tumitig na din ako sa buwan.
"Hindi kapa ba matutulog?" Tanong ko.
"Hindi pa, siguro mamaya. ikaw bakit andito ka?"
Naramdaman ko na tumingin sya saakin, kaya tumingin din ako sakanya. Nakakatunaw ang titig nya.
"Wala, para may kasama ka..."
Parang Pabulong na lang ang sinabi ko, bakit ba ganito ang tama nya saakin?! Hindi naman ako ganito? Napatingin ulit ako sakanya, walang emosyon syang nakatitig saakin. Hindi ko tuloy mabasa ang nasa isip nya. Nag iwas ako nang tingin, dumako na lang ang tingin ko sa buwan.
"Ang ganda nung buwan noh?" Biglang sabi ni Z, hindi ko na sya pinansin. Pero totoo naman ang sinabi nya.
"Oo... ang ganda ng buwan. Sa tingin mo, Z." Ani ko, habang tinataas ang kamay ko na parang inaabot ang bituwin na nasa tabi ng buwan.
"Am I going to shine? Like those stars?" Ani ko habang nakaturo sa itaas ng langit.
Akala ko hindi nya ako sasagutin, sampong minuto kasi syang tahimik. Nadismaya ako, oo. Pero bumilis ang tibok ng puso ko, dahil sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)
FanficPART 1 Sya si Andee Zaimin Vasquez ang babaeng palaban, matapang, at hambog na makikilala mo sa tanang buhay mo. Simpleng babaeng na mahilig sa basag ulo, ano na lang ang mangyayare kung napunta sya sa mga kaugali nya rin? Magkakasundo ba sila? O hi...