Chapter 49

755 22 5
                                    

VAN'S POV

Nakatitig ako sakanya habang patuloy pa rin sya sa pagkwekwento, nandito ulit kami sa park noong araw na nagsimula kong makilala sya.

"Tapos ayun! Ang lake nung Elephant, eh syempre bata pa ako. Kaya Talagang natakot ako nun pe— Hoy! Ok ka lang?"

Nabalik lang ako sa ulirat, dahil si ginawa nyang pag kaway sa harapan ng mismong muka ko.

"Ahh! O-oo!" Kinamot ko ang batok ko, ramdam ko rin ang init ng paingi ko.

"Hindi mo pa ginagalaw yang, fishball mo. Lalangawin talaga yang pagkain mo."

I awkwardly laugh, bago ko sinubo ang fishball na nabili namin. Doon sa manong na nagtitinda malapit dito, sa park.

Hindi maaraw ngayon, dumilim nga bigla ang langit.

"Uulan ba ngayon? Ang araw kaya kanina..."

Muli ulit akong napatingin sakanya, I found it cute. Everything she does is just naturally cute the way she laugh, smile, pati sa pakikipagusap sa sarili nya. I found my self smiling while looking at her, this girl really caught me off guard. I never thought I would fall for her, after so many years I've only have my eyes on someone that I love dearly. But I could give an exception, just give me a chance to love you Andee... I'll love you until my last breath.

"Tara na Van, baka umulan eh."

Pagsabi nya nun ay tumayo na sya sa swing, kaya naman sumunod na ako sakanya. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad namin, ay biglang may tumulong patak ng tubig sa pisngi ko. Hanggang sa dumarami na ito.

"Hala! Wala tayong payong!" Hysterical na sigaw nito, nagulat ako dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Bago nya ako hinila at tumakbo kami, upang maghanap ng masisilungan.

Bumagal bigla ang oras at mundo ko, nakatitig lang ako sakanya. Habang hila-hila nya ako, hindi ko alam pero mas lalo kong napagaralan ang muka nya. Ang ganda nya... shit!

"Hoy Van! Bilisan mo kayang tumakbo!" Sigaw nito.

"Bakit pa kasi tayo tumatakbo, e malakas na yung ulan oh! Tsaka basa na din ang uniforms natin."

Totoo naabutan na kami ng ulan, tumigil kami sa pagtakbo. At hingal na hingal naman sya, napatingin ako sa basang uniporme nya. Pero napapikit din ako agad, dahil bumabakat na ngayon ang kanyang bra. Tinanggal ko ang uniform coat ko, bago ko binigay sakanya. Ngunit nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Ilagay mo toh, nakikita yung hindi dapat makita."

Naramdaman ko ang marahas na paghila nito sa coat ko, bago ito sinuot.

"P-pwede kanang tumingin," minulat ko ang mga mata ko. At nakita ko na ngayon ang mamulamulang muka nya at ang labi nyang kinakagatkagat nya.

'Don't do that! Damn! I can't kiss you, without your permission Andee!'

"Bakit kasi hindi mo dinala yung uniform coat mo? Iniwan mo pa talaga sa room! Tsk!" Inis na sabi ko, naiinis ako dahil baka kung hindi ako ang kasama nya. Ay bastusin na lang sya ng kung sino.

"Eh! Bigla kang nangyaya! Psh! Ikaw rin naman may kasalanan sinisi mo pa ako!"

"Can you stop doing that?"

"Yung alin na naman! Ikaw ah! May problema kananaman ba Van! Kanina kapa naninigaw!"

Magsasalita sana sya ulit, pero agad kong nilapit ang muka ko sa muka nya.

"Kaya kita pinapatigil sa pagnguso mo dyan, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at halikan na lang kita nang wala sa oras."

Agad nya akong tinulak, kaya hindi ko na talaga na pigilan ang pagtawa ko. Grabe muka na syang angry bird sa pula ng muka nya!

Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon