❗️TRIGGERS WARNING❗️
KAI'S POV
"Ma!" sigaw ko sa aming legwahe, hindi ko makita ang aking ina sa mga kumpulan na tao dito sa market.
"Ma!" sigaw ko muli, tumitingin rin ako sa paligid ko. Tinitignan kung nandyan ba sya sa tabi-tabi.
Habang ginagala ko ang paningin ko ay bigla na lamang nag kagulo ang lahat dahil sa mga putok ng baril.
"AHHH!"
"TAKBO!"
"AHH!"
Sigawan ng lahat ang limang taong gulang batang ako ay walang maintindihan sa nangyare, magulo ang paligid ko at halos mahiga na ako sa pwesto ko dahil sa mga taong binabangga ako para tumakbo sa mga buhay nila.
"IJO ANONG GINAGAWA MO DYAN! HALIKA NA!"
Hinila ako ng isang ali na hindi ko naman kilala palayo sa lugar na iyon, pero saktong paglingon ko sakanya ay syang pagsabog ng ulo nya. Ang dugo nito ay tumalsik sa muka at katawan ko, biglang naging tahimik ang paligid ko. At wala akong marinig, lahat ng taong nandito sa paligid ko ay puro dugo, nakahandusay, at wala ng mga buhay.
May nakita akong pamilyar na damit, sa hindi kalayuan. Nanginginig ang kalamnan ko habang lumalapit ako sakanya, ang buhok nya tinatakpan ang muka nya kaya hindi ako sigurado kung sya si mama... tadtad ng bala ang katawan nya, nakita ko rin ang kwintas na lagi nyang sinusuot.
'Hindi maari! hindi... hindi... hindi...'
Paulit ulit ko iyong sinasabi sa utak ko, na hindi ito ang nanay ko. Limang taong gulang pa lang ako pero iba na ang pag mature ng isip ko. Alam ko na kung ano ang mga nangyayare... hinawi ko ang buhok nya at napaluhod na lang ako ng makita ko ang muka ng aking ina. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak at pilit na gisingin ito, kahit sa totoo lang bangkay na ang nasa harapan ko.
May narinig akong kasa ng baril sa likuran ko at pagharap ko ay isa itong taong naka maskara na itim. May babae syang hila-hila sa buhok umiiyak ang babae at nagmamakaawa. Nagkatitigan kami nung taong naka maskara, at napansin ko ang pagngisi nito.
Kinalibutan ako at hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kung gawin, tulungan yung babae? o tumakbo para maisalba ang buhay ko?
"H-hwag p-po!" pagmamakaawa ng babae, pero napatalon na lang ako sa gulat ng barilin nya ito sa bungo. Bago pugutan ng ulo sa mismong harap ko.
"KAI!"
"KAI!"
"KAI!"
"KAI!"
Napanalingkwas ako ng bangon dahil sa biglang paggising saakin, nangyare yun ilang taon na ang nakakalipas... sa Korea pa ako na katira.
"Anak ayus ka lang?" nag-aalalang sabi ni mommy, pero hindi ko na sya pinansin at tumitig lang ako sa kawalan.
"Kai... are you ok?"
Hinarap nya ang muka ko sa muka nya bago ako hinawakan sa pisngi, ang totoong nanay ko ay hindi talaga sya kung nag tataka kayo. Matagal na syang patay... Ampon lang ako ng pamilyang ito, pero ang apelyedo ko ay dala-dala ko parin. Apelyedo yun ng tatay ko, bago sya namatay sa Cancer. Hindi ako pumayag na ibahin nila ang apelyedo ko.
"I-I'm o-ok..." wala sa sariling na sabi ko na lang.
"Kai... ok lang kung mag sabi ka ng totoo saakin, I will understand you." Malumanay na sabi nya.
"Mom... nakita ko ulit yung senaryo na yun... m-maraming d-dugo..." mahina man ang boses ko, pero sapat na para marinig at bigla nya akong yakapin ng mahigpit.
"Shh... Ligtas ka dito ok? hindi kana babalikan ng mga taong yun... andito na kaming pamilya mo..."
"M-matutulog na lang ho u-ulit ako..."
"Are you sure?" nag alalang tanong nya, nagpilit lang ako ng ngite bago tumango dito.
"O-ok, good night Kai..."
Paglabas nito ay muli ko ulit pinilit marulog, uminom ako ng sleeping pills. To prevent nightmares. Pero hindi naman nakakatulong ang sleeping pills para maging ok ang pagtulog ko, minsan kasi ay parang hindi ako natulog buong gabi kapag umiinom ako nito. At kadalasan naman may mga panaginip parin ako kahit umiinom ako nitong sleeping pills.
I was diagnosed by a psychiatrist that I have PTSD (post traumatic stress disorder) and insomnia. It's really hard for me to adjust lalo na nung inampon ako ng dalawang mababait na Pilipino, na ngayon ay mga magulang ko na. Inampon nila ako I was 10. Mababa kasi ang tyansang manganak si mom dahil sa may problema sya sa panganganak. Kaya nag ampon na lang sila.
Mayaman ang pamilyang kinabibilangan ko ngayon... pero kung hindi siguro nangyare ang mga pangyayare noon. Ay siguradong masayang bata parin ako... kasama ang nanay ko.
Nalaman ng mga pulis na dahil sa drugs ang pangyayareng kaguluhan na iyon, at maraming nadamay na mga inosenteng tao... Pero hindi nahuli ang mga taong nakamaskara na iyon, ang galing nila dahil walang bakas ang mga kremen nila, yung cctv ay magaling nilang na hack at nagawan ng paraan.
Pero hindi ko makakalimutan ang taong yun! ang pagpatay nya dun sa babae na parang isa lang itong madaling gawin! ang kanyang nakakakilabot na ngisi! at ang mga mata nya... Ang kanyang mata ay singkit na nakakadagdag ng kilabot dahil pag tinitignan ka nya ay animong pati kalukuwa mo ay nakikita nya. Malas lang dahil iniwan nya akong buhay, plano kong patayin sya sa sarili kong paraan.
_________________________________
_________________________________Post traumatic stress disorder (PTSD)
is a psychiatric disorder that may occur in people who have experienced or witnessed a traumatic event such as a natural disaster, a serious accident, a terrorist act, war/combat, or rape or who have been threatened with death, sexual violence or serious injury.
INSOMNIA
Insomnia is a common sleep disorder that can make it hard to fall asleep, hard to stay asleep, or cause you to wake up too early and not be able to get back to sleep. You may still feel tired when you wake up. Insomnia can sap not only your energy level and mood but also your health, work performance and quality of life.
votes and comments are highly appreciated.
Please kung gusto nyo ng kausap I'm always free, just message me ng kahit anong oras. I'll try my best to message back.
*pero kung hindi ako nakapag message back as soon as possible, always remember na titignan ko pa rin yung message mo at e-me-message kita once nabasa ko na ang message mo.*
And always remember you're enough!
fighting lang! makakaya mo yan! trust yourself, and trust God.
ily! <333
BINABASA MO ANG
Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)
FanfictionPART 1 Sya si Andee Zaimin Vasquez ang babaeng palaban, matapang, at hambog na makikilala mo sa tanang buhay mo. Simpleng babaeng na mahilig sa basag ulo, ano na lang ang mangyayare kung napunta sya sa mga kaugali nya rin? Magkakasundo ba sila? O hi...