Chapter 40

793 22 1
                                    

ANDEE'S POV

"Paano sya nakapag pasok ng inumin dito???" tanong ni Quest, habang nakatingin sa tulog na tulog na si Hiro. Kami na lang ata ang natira dito sa school, dahil hindi namin sya pwedeng ilabas. Magiging agaw atensyon, at mas lalo lamang madadagdagan ang problema.

"Matalino si Hiro, sa tingin ko nilagay nya dito ang inumin." Inilapag ni Leo ang isang tubigan na hindi transparent.

"Let's just wait for him to sober up." Ani pa ni Z na nakasandal sa pader habang ang dalawang kamay nya ay nasa kanyang bulsa.

"Wala bang guard na mag che-check ng school? siguradong patay tayo kapag nakita nila tayo dito." Sabi ko habang nakatingin sa orasan na nasa taas ng blackboard.

"Oo nga noh! tama si Andee, anong gagawin natin? alangan namang buhatin natin si Hiro pababa. Lagot tayo pag may nakikita na techer, lalo na pag si dean o yung secretary nya na masungit." Sabi naman ni Leo.

"Alam ko na, dumaan na lang tayo sa likod nitong school?" Suhestyon naman ni Quest.

"Ayy oo nga! yun lang paraan natin, may isang oras pa tayo. Bago tuluyang tignan ng mga guards ang bawat buildings." Tango tangong ani ni Kai.

Kinuha ko ang bag ko at ni Kai, ganun rin ang kanyang camera bago humarap sa kanila. Tinaasan ko sila ng kilay dahil lahat sila ay nakatitig saakin, nang samaan ko sila ng tingin ay doon lang sila nag si kilos. Binuhat ni Van ang lasing na si Hiro, mabuti na lamang at hindi mabigat si Hiro dahil nga sa payat ito.
--

Nandito na kami sa likod nitong building namin, ngayon ko lang nalaman na pwede ka palang mag over the bakod dito. Tapos sa isang eskinita ito at pag labas mo ay iikot ka lang para makapunta sa harap nitong WIS.

Nagtulong tulungan silang maayos na maiakyat si Hiro, mahimbing parin ang tulog nito at parang pagod na pagod. Nagsimula ko ng buhatin ang sarili ko, pero napatigil ako ng may nag lagay ng coat sa bewang ko. Pagtingin ko dito ay nakota ko si Z na kunot na kunot ang noo habang tinatali ang coat nya sa bewang ko.

"Alam mong babae ka at puro lalake ang nandito, mag isip ka minsan."

'At bumalik na sya sa dati nyang ugali...'

Hindi ko na sya pinansin, at nagpatuloy na lang ako sa pag akyat dito sa bakod. Pinahihirapan ako ng dalawang bag na nakasabit sa likuran ko.
--

("O sige Andee mag iingat ka pauwi, at good luck sa project nyo.")

Binaba ko na ang tawag pagkatapos kong ma-kausap si tita Aliyah, nag paalam kasi akong matatagalan akong makauwi. Dahil sa SCHOOL PROJECT, at nandito kami sa bahay ng kaklase ko.

"Pwede ka namang unuwi kung gusto mo... hindi naman namin pababayaan si Hiro." Napalingon ako sa likod ko nang mag salita bigla si Xander.

Naalala nyo nung nahimatay ako??? dinala nila ako sa tambayan nila, na pagmamayari ng tatlo nilang leader.

"H-hindi na, gusto ko rin kasing bantayan si Hiro..." ani ko bago ko nilagay sa bulsa ng palda ko ang aking selpon.

"Alam mo ba kung may problema sya?"

Lumapit sya sa pwesto ko bago nilagay ang kanyang dalawang kamay, sa bulsa ng kanyang pants. Tinignan ko lang ang bawat galaw nya, bago ako bumuga ng hangin.

"I'm not sure... pero siguro dahil sa mga magulang nya..." sabi ko dito habang tinitignan ang tinitignan nya.

"Why are you not sure then?"

"Hmm... h-hindi naman pala kwento si Hiro, lalo na kung problema ang usapan..."

"May point ka," tumingin sya saakin bago ngumiti. Napakurap pa ako dahil minsan lang ang ganyang ugali ni Xander, hindi naman kasi kami close.

"Thank you..." ani nito, napa 'huh?' pa ako dahil hindi ko sya ma intindihan.

"Kasi nag aalala ka sakanya... kahit na buwan pa lang kayo nag kakilala." Dagdag nya pa, nagulat pa ako sa inakto nya dahil bigla na lamang nyang nilagay ang buhok ko sa likod ng akong tenga.

"P-pasensya na rin dahil sa mga kagaguhan namin sa'yo dati..."

Muli ulit akong napakurap sa kinatatayuan ko, hindi ko en-expect na yun ang sasabihin nya.

"Okay lang yun, past is past na rin naman..." sabi ko sakanya habang may ngiti sa aking mga labi.

Muli ulit tumahimik ang paligid namin, kaya medyo uncomfy yung atmosphere naming dalawa...

"W-would you like a cup of coffee?"

Muli ulit akong napalingon sakanya dahil sa pagyaya nya saakin, tumitig sya muli saakin. Habang nakangiti.

"Y-yeah sure..."

"You kinda remind me of someone..."

"Ha? sino?" takang tanong ko.

Pero imbis na sagutin ako ay ngumiti lang sya saakin, bago tumingin sa mga bituwin. Nandito kasi kami sa terrace. "Kasi nararamdaman ko yung presensya nya sa'yo... pati parehas pa kayo ng ngiti kapag ngumingiti... kaya hindi ko maiwasang ipagkumpara kayo." Hindi ako sumagot sa mga sinabi nya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh... o kung may dapat ba akong sabihin.

"Matanong ko lang... nasan ba yang tinutukoy mo?" tanong ko muli dito, narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"H-hindi ko alam... baka nasa maganda at masayang lugar na sya ngayon..."

'Patay naba yung tinutukoy nya???'

"Ha? patay naba sya???" tanong ko ulit, doon na sya tumawa ng malakas. Nagatatanong lang naman ako...

"Hindi pa... siguro?"

'Oh diba nag tanong rin sya?!'

"Bakit naman siguro?"

"It's been 12 years or 11 years? since nung nagkita kami... and then bigla nalang syang nawala." Mapait na sabi nito, sa itsura nya parang inaalala nya yung nangyare noong nakaraan.

"Malay mo buhay pa sya?" pangungumbinsi ko dito.

"Hmm... sana nga."

"Hindi ba kayo nakapag paalam sakanya?"

'Ok maybe I should shut up...'

Bigla kasi itong nalungkot. "Hindi eh... huli na namin nalaman," sabi nito bago huminga ng malalim. "Nung nalaman namin wala na sya... sinubukan naming humabol sakanya, pero masyado na syang malayo... at dahil mga bata lang kami, wala na kaming nagawa... hanggang ngayon hinahanap namin sya, pero wala kaming makita impormasyon nya."

"Pasensya na..."

"Ha bakit?"

"Kasi... muka akong nangengealam sa buhay nyo?" naging patanong ang pag sabi ko.

"Hindi naman... teka kukuha lang ako ng kape."

Umalis na sya para nga magtimpla ng kape, naiwan naman ako dito. Nagtataka... sino naman kaya yun? curious ako, kasi ngayon lang kami nag usap ng ganun ni Xander... at sa sobrang lamig din ng isang yun, ay hindi mo akalain may pake rin sya sa isang tao.

__________________________________________________________________

Good eve! have a wonderful Sunday everyone!

votes & comments are highly appreciated.

<333

Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon