Chapter 01

1.2K 38 1
                                    

ANDEE'S POV

Ngayon ang unang araw ko sa Western International School. Isang mamahaling eskwelahan nanaman, panibagong eskwelahan panibagong rambulan. Half joke!

Puro international ang school ko, paano ba naman maarte si tita Aliyah. Sabi nya dapat daw talagang na mamili ako ng magandang school for my future daw kuno. Kaya ito dito ako sa school ng mga anak nya napunta, napasa ko rin kasi ang entrance exam nila na nakakahilo ag nakakabuang! pero sabi nya hindi daw doon ang base ko ng mga section, ebabase daw ang magiging section ko sa mga school records ko sa previous schools ko.

'Hakdog na lang sakanila kung may makita silang magandang records.'

Agad kong tinanggal ang helmet ko na itim na itim, dito ako nag park sa pinaka gilid. Para bawas atensyon, ayaw ko sa mga panget nilang mata na mapanghusgang titig saakin. Sinigurado kong lock na lock ang motor ko at ok bago ko ito iwan sa parking, pagpasok sa loob ay wala namang pumansin saakin. Sanay na ako sa mga malalawak na tanawin dahil halos lahat ng school na napasukan ko ay malalake at yayamanin.

Binigyan narin ako ng uniform kaya ito naka uniform ako, pero sa ilalim ng mini skirt ko ay naka pants ako. Kaya ayun may ibang weirdong nakatingin saakin, pake ba nila? kesa naman masilipan ako habang nag mo-motor.

Alam ko na ang section ko, section Vinos ako hmm binigyan narin nga ako ng map. At ito lang ang masasabi ko, mas malake ang school na ito kumopara sa mga dati kong school.

'Tsk dapat observant ka kase Andee!'

Sa wakas ay andito na ako sa building D-1 agad kong tinignan ang mga nakapskil sa gilid ng pintuan.

'501... 502... 503... 504.... 505... 506... 507... 508... 509... 510-Vinos!'

Ayun lintek! sa 4th floor pa talaga piste! hingal na hingal na ako tapos itong building pa namin ang pinaka malayo kesa sa ibang section. Yung mga nandito ay hindi classroom kung hindi mga lumang rooms, yung iba naman ay yungparang mga science lab at mga computer lab.

Ang naobserba ko rin, hindi malinis ang building na ito. As in! hindi malinis kahit sa 1st floor hanggang 4th floor, madumi dito at ang daming alikabok creepy rin at parang horror building. Yung pader sa labas ng classroom namin alam nyo ba na angdaming vandalism!

Panget si Keyo!

Ha?! hakdog!

Pakyu ka Jed!

M@T1n0 aNg 1sIp ko, pEr0 aK0yyy s@b0g n4!

Section Vinos 4 liferrrr

Yeah yow it's me Kai

nag dru-drugs po si Hiro!

FU Timothy! hindi ako nag dru-drugs!!!

Yan ang mga example ng mga naka sulat sa pader, ayus yan ginawa nilang blackboard yung wall. Rinig ko rin ang ingay nila, pero nakita ko sa may glass nitong nasa labas ng room may teacher na stress na stress ang muka. Pati yung bintana nila sa labas ang dumi! ano ba toh?! mga burara tsk!

At dahil bagong buhay tayo ay kakatok ako, ang kaso naka sampung katok na ako mukang hindi naman naririnig dahil nga maingay at magulo sila. So no choice pumasok ako ng bastusan pero guess what? teacher lang nakapansin, at halatang gulat na gulat pa. Yung mga estudyante nya mag sariling mundo, hindi na ako nag salita sa teacher na nakatunganga lang ibinigay ko lang yung papel. At mukang gets nya na yun.

"Class! class quite!!!" sigaw nito pero wala talaga pumapansin, ano ba toh bastusan?!

"CLASS I SAID QUITE!!!!" walang epek parin.

Kaya ako na ang gumawa nang paraan, kinuha ko yung isang can bottle na nakakalat lang sa sahig bago ako pumusisyon na parang titira sa baseball. And.......... SHOOT!

Ayun ang lakas nang pagtama sa may dulong pader nitong maduming classroom nila!

"At dahil nakuha ko na ang atensyon nyo Andee Zaimin, Vasquez." Walang ganang sabi ko, lahat ng mata nila ay nasa akin. Kahit nga yung teacher ih.

"Pangalan mo ba miss?" sabi ko bago tumingin sa teacher namin, syempre sya lang kailangan kong malaman yung name. Wala naman akong pake sa mga kaklase ko.

"Ahh ha? ano I'm Teacher Reyn Poryolo, I'm your advicer and science teacher."

Mahinhin sya mag salita, kaya siguro toh hindi pinapansin ng mga estudyante nya kase masyadong mabait at mahinhin. Kaninang sumigaw sya parang walang nakamute na video sa sobrang hina.

Tumango lang ako bago humarap ulit sa mga mokong na nakatulala, nakahanap agad ako ng bakanteng upuan sa dulo. Kaya mabilis akong naglakad sa maduming floor nila. Rubber shoes ko lang ang maririnig mo at sobrang tahimik talaga nila, as in sobrang sobra! Nang makaupo ako ay doon lang sila nag react.

"Hala bakit may babae?!"

"Teka binago ng dean ang rules?! sabi bawal babae sa Vinos?! anyare?!"

"Takte dapat nasa Section Polostre ang babaeng yan!"

"Ilipat nyo nga yan! putek nakakaasiwa!"

At marami pa silang sinabi, so hindi na lang ako nakinig. Mag sawa sila kakadaldal dyan, yung teacher naman ay nag start narin mag turo.

"Okay class can you give me a element name and what's the meaning of this element. Anyone?"

Agad kong itinaas ang kamay ko kawawa naman walang gustongmag participate sakanya ih.

"Yes miss Vasquez!" masayang sabi nya, palihim naman akong napangite.

"Actinium miss, it's a silvery radioactive metallic element. Glows in the dark due to its intense radioactivity with a blue light. It was discovered in 1899 by André-Louis Debierne."

A/N: SALAMAT SA GOOGLE AHAHAHHA!

"Very good Miss Vasquez!" masayang sabi nya, hmm ito ba ang first time na may nag participate sakanya?

"Bukod kay Miss Vasquez sino pang gustong sumagot? Anyone???"

At gaya kanina wala ulit pumansin sakanya, kaya ayun sinipa ko yung vacant chair sa harapan ko. Ayan mas ok tahimik na sila ulit.

"Makinig kayo kay Miss! hwag kayong bastos!" sigaw ko habang deretsyong nakaharap sa blackboard, at sila nakatitig saakin. Hindi ako alien piste!

"Miss ako po!" ayan may nag taas na rin ng kamay.

"Ahh yes Mr. Zalasar!"

"Hydrogen po miss, it's the lightest element at standard conditions hydrogen is a gas diatomic molecules having the formula H2." Proud na proud na sabi nito.

"Very good Zalasar! sino pang gustong sumagot?"

hanggang sa halos lahat sila ay nakasagot na naguunahan pa nga yung iba sa pag sagot ih. Maganda rin ang ngite ni Miss, siguro ay hindi nya inaasahang makikinig ang mga estudyante nya.

Nakita ko pa syang tumitig saakin bago matamis na ngumite, at lumabas ng room dahil tapos na ang klase nya.


______________________________________________________________________________

Votes and comments are highly appreciated my silly weirdos!

Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon