Chapter 45

805 32 3
                                    

Lee Joong-suk as Andres, Vasquez^

Yes ang pogi po ni kuya Andres HAHAHA!

ANDRES POV

Maraming papeles ang tamabak sa table ko ngayon, ang dami ring naka schedule na mga meeting.

"Sir..." pagtawag sa akin ng aking secretary, hindi ko inangat ang tingin ko at kinumpas ko lang ang aking kamay upang mag patuloy sya sa pagsasalita. "Pinapatawag po kayo ni Mr. Karlson sa school... nasa office po ngayon si Miss Andee..." pahina nang pahina ang boses nya.

"Paki ulit." Nagpipigil na galit na ani ko, tama ba ang narinig ko? o sadyang marami lang akong iniisip at kung ano-ano na ang naririnig ko?

"S-si Miss Andee po... n-nasa dean's office po n-ngayon... p-pinapatawag po kayo ni Mr. Karlson..." halata ang takot sa boses nya, naitanggal ko na lamang ang salamin ko bago ako napahilot sa sintido.

"What the fuck now Andee!" bulong ko sa sarili ko.

"Clear all my schedule now!" Sigaw ko, agaran namang umalis ang secretary ko. At ako naman ay nabato ko na lang ang shot glass ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

'Ano nanaman bang ginawa nya ngayon?! hayst!!!'

--

"This is unacceptable dean! I want this kid to be kick out! nasa ospital ang anak ko! at brutal pa ang ginawa nya! kick this girl out! dahil kung hindi I will sue your school!" inis na sigaw ni Mrs. Han

"Of course you can sue this school... syempre marami kang pera kaya magagawa mo yan..." sarkastikang ani ni Andee, agad ko naman syang sinumaan ng tingin pero ngumiti lang sya sa akin.

"Bastos pa ang batang ito! Hindi talaga ako makakapayay na hindi nyo sya paalisin sa eskwelahan na i—"

"Alam nyo ba kung bakit ko ginawa yun sa anak nyo?" Pagpuputol ni Andee dito.

"Andee!" Sigaw ko sakanya, mas lalo nyang pinapadagdag ang parusa nya.

"ABA BASTOS KA HA!"

She starts to raise her right hand to slap her, pero sinamaan ko sya ng tingin kaya binaba nya kaagad ang kamay nya.

"Slapping my cousin will give me an idea to file a case for you madam, lalo pa at wala pa sa 18 ang pinsan ko. Your overreacting ma'am, alam nyo ba talaga ang nangyare? o baka naman ayaw mo lang malaman ng lahat ang nangyare kaya mo gustong patalsikin ang pinsan ko sa school?"

Ito ang dahilan kung bakit tahimik ako, inoobserbahan ko ang kilos ni Andee may nakita akong flash drive na iniikot nya sa kamay nya. Ito namang nanay nung binugbog nya ay kanina pa nag mamadali na pumayag si dean sa gusto nyang mangyare. Halata rin sa itsura nya na alam nyang may ginawang malakeng kasalanan ang anak nya.

Kanina ay nandito ang Section Vinos, pero pinabalik na sila sa mga classroom nila dahil kailangan namin ng privacy. Nakakatawang isipin na pinagpapawisan si Dean sa pagdedesesyon. Ang pamilyang Han ay isa sa pinaka mayamang pamilya dito sa WIS... paano na lang kung hindi isang Vasquez si Andee? o iba ang nakabangga nung anak ng mga Han? edi dayaan lang ang mangyayare.

Nabaling ang atensyon naming lahat nang magsimulang tumayo si Andee sa kinauupuan nya, nakangisi sya lumapit kay Mrs. Han bago may ibinulong dito na, ikinalake ng mata ni Mrs. Han...

"H-how dare you!" sigaw nito bago nag mamadaling lumabas, halos madapa pa ito dahil sa suot nitong heels.

"And by the way Dean, I can assure you hindi sila mag fa-file ng kaso. Dahil ako... ako mismo ang gagawa nun." Ani ni Andee kaya naman kununot ang noo naming tatlo.

"W-what do you mean?" kinakabahang ani ni Dean, tinaas ni Andee ang kanina pa nyang hawak na flash drive.

"I will file a case about rape and murder! and this will be the evidence. Sa estudyanteng hindi nyo binigyan ng hustisya dahil lang sa estado ng buhay nya!" Galit na sigaw nito, nanlilisik na ang mata nya ngayon.

"Alam mo yun diba?"

Dahang-dahang lumapit si Andee kay Dean, at paatras naman ito ng paatras. Ganun rin ang secretary nya na pinagpapawisan sa gilid.

"Mr. Vasquez! ilayo mo ang pinsan mo saakin!" sigaw nito pero ngumisi lang ako sakanya bago dahan dahang nag lakad sa pinto.

"Nahh sa tingin ko kailangan mo nang patalsikin sa school na toh Dean, maraming maduduming gawain ang ginagawa mo sa likod nyang mamahaling tuxedo mo." Nakangising ani ko, bago ko ni lock ang pinto.

"Huli na toh Dean, alam mo toh diba?"

Hindi sumagot ang matanda, ang secretary naman ay nag sisimula ng umiyak.

"ALAM MO TOH HINDI BA! SUMAGOT KA!"

I saw them flinch, kakaiba ang Andee na nakita ko ngayon...

"Andee I think that's enough, we should go." Lalapit na sana ako sakanya, pero bigla na lamang nyang kwenelyohan si Dean.

"Erica Reyes! 10 Months dead now! a scholar! at ang taong pinatay at ginahasa ni Xio! nung panahon na nalaman nyo na si Xio ang suspect sa pagpatay! at nakuperma nyo na sya ang pumatay at gumahasa kay Erica sa Building D-2 room 501 ang pinaka lumang building na katabi ng Building ng Section Vinos. Ay agad nyong nilinis ang kalat hindi ba? BAKIT WALA NA SA MEDIA ANG PATUNGKOL SA KASO NYA?! AT BAKIT HINDI MAN LANG NALAMAN NG MGA ESTUDYANTE KUNG ANO ANG TOTOONG NANGYARE KAY ERICA?! HINDI BA TAMA AKO?! DEAN! NA IKAW ANG NAGLINIS NG LAHAT! KAPALIT LANG NG 5 MILLION USD! PUTANGINANG PERA YAN!"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ginawa talaga yun ni Dean??? 8 years na syang nakaupo sa pwesto nya... pero walang kahit na anong baho ang lumalabas... ibig sabihin ganun sya kagaling mag manipula...

"Aaminin mo o ilalabas ko sa lahat yang baho mo?! anong sasabihin ng lahat na ang Dean ng isnag prestigious school ay isa palang criminal! hindi lang criminal pinagtatakpan pa ang kapwa kriminal!"

"OO NA! K-kasalanan ko ang pananahimik at pagkimkim ng kaso ni Erica... ako din ang gumawa ng paraan para walang mahanap ang pulis na ebedensya! pinalitan ko din ang autopsy result nya para lang malinlang ang pamilya nila a-at maging isang suicide ang nangyare..."

Tinulak sya ni Andee kaya ito napaupo sa sahig, agad namang tumakbo ang secretary nya na kabit nya naman... halata na may relasyon sila, walang cctv camera sa loob ng opisina nya, at ang table nila ay nasa iisang kwarto lang. Hindi ba't dapat si Dean ay nasa kabilang kwarto na nasa loob din ng opisina nya. Pero hu-hulaan kong ginawa nila iyong kwarto.

"Pwede kanang lumabas."

Pagsabi nun ni Andee, ay agad na lumabas ang isang babaeng mahaba ang buhok at may hawak na cellphone.

"M-miss Yasmin?" ani nung Secretary ni Dean.

"You know Dean, Erica is one of my close friends. Akala mo ba talaga walang makakaalam ng ginawa mo? I start to investigate again, at humanap ako ng impormasyon na hindi nagpakamatay si Erica. Sadyang tanga ang mga pulis, dahil hindi nila napansin na halatang gusot ang damit ni Erica! madumi rin ito na parang naglaban sya, at yung tatlong botones nya ay nawawala! It means may humila sa damit nya kaya natanggal ang botones nya. Ngayon mabubuksan ulit ang kaso nya! at sisiguraduhin kong may hustisya na sya!"

Lumabas na agad yung Yasmin sa Deans office, walang ibang nagawa ang Dean kung hindi ang mapaluha sa sahig.

"And by the way Dean, naka on ang mic nyo..." ngumisi si Andee dito, at ngayon mahahalata na. Na parang aatakihin na si Dean sa puso. "Ibig sabihin... narinig ng lahat ang kababuyan ni Xio at ang kasalanan mo. Adiós."

'Bye.'



Yung binulong ni Andee dun sa mommy ni Xio ay. "Alam ko ang ginawa ng anak nyo, at sisiguraduhin kong sa kulungan ang bagsak nya."
__________________________________________________________________

This was not supposed to be like this, pero mas gusto ko ang more intense scene. And I also want y'all to know na maraming tao ang na r*pe, pinatay, at na abuse. Pero walang hustisya dahil sa pera. But anyways thank you for reading.

Votes and Comments are highly appreciated.

Adiós

Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon