XANDER'S POV
"Ayaw mo ba talagang mag padala sa ospital?" muling tanong ko, nandito kami sa loob ng kotse ko at tumutulo naman ang dugo sa braso nya.
"Ang kulit mo, malayo sa bituka toh at daplis lang naman ang nakuha ko. Meron ka bang first aid kit?" pagiba nito sa usapan. Kahit nag tataka ay bumaba ako at binukasan ang trunk ng kotse ko, buti na lang may dala ako nito lagi.
Nang makuha ko na ang kailangan ko ay agad ko itonv binigay sakanya, tinanggal nya ang school coat. Kaya naman kitang kita na mgayon sa puting sleeve nya ang dugo na nag mula sa braso nya.
"Pumasok ba yung bala?"
Pag tatanong ko dito, hindi ako nito sinagot bagkos ay binuksan nya lamang ang first aid. Bago kinuha ang isang buong alcohol.
"May panyo kaba?" tanong nito, kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko. Bago ito binigay sakanya.
Tiniklop nya ito gamit ang kabilang kamay nyang walang bala, bago kinagat ang panyo at walang atubaling binuhos ang alcohol sa sugat nya.
"ARGH! shoot!!!" sigaw nito habang dinadamdam ang sakit.
Kinuha nito ang panyo sa bunganga nya bago nilinis ang mga dugong nagkalat sa braso nya.
"D-do you need help?" nag-alalang tanong ko, hindi ko alam kung bakit ayaw nyang pumunta sa ospital. Eh paano kung maubusan sya ng dugo?! at mamatay sya?! ako pa masisisi!
Paano kasi kanina susubukan ko sana syang dalhin sa ospital, pero ang lintik tinutukan ako ng dagger sa leeg. At sinabing hindi sya mag dadalawang isip na gilitan ako ng buhay. Pag ginawa ko ang kinginang plano ko!
"Hmm may malinis kabang pamunas o tuwalya dyan? tsaka tubig na mineral para naman malinis ko yung dugo."
Tinignan ko naman ngayon ang bag ko, may dala akong mineral water. At yung tuwalyang dala ko, malinis naman ito. Plano ko kasi sanang pumunta sa ospital para sa lola ko, at doon muna ako matutulog sa ospital para sakanya. Kaya may dala akong gamit ko.
Nang maibigay ko sakanya ay binuksan nya ang bintana bago binuhusan ang tuwalya ng tubig. Pinunasan nya ang ibang dugo, ganun din ang sugat nya. Hanggang sa wala ng dugong lumalabas.
"Sure kabang hindi pumasok yung bala sa braso mo?"
"Tsk! ang kulit mo, hindi pumasok yung bala ok? maliit na daplis lang ito. Hindi marunong umasinta ng baril si Maxine, kaya impossibleng maayos nya akong mababaril." Sabi nito, habang patuloy na nililinis ang sugat nya.
Tinitigan ko lamang sya sa ginagawa nya at hinintay ko syang matapos, hangang ipulupot nya ang gauze roll sakanya pagkatapos nyang linisan. Nagulat pa ako nung tumitig sya saakin, bago nya ako tinaasan ng kilay.
"Tsk! kung may tanong ka, mag tanong kana lang. Hindi mo na ako kailangan titigan na para akong alien," sabi nito na nagpabalik saakin sa reyalidad.
Umayos ako ng upo bago ako tumingin sa labas, makikita ang madilim na lugar na may kaunting poste ng ilaw, pero ang ibang poste ay sira at papatay sindi na. Kaya naging creepy ang lugar.
"Bakit ayaw mong mag padala sa ospital?" yan pa ang kanina ko pa gustong malaman.
"Dahil maliit lang naman ang sugat ko, at malayo sa bituka ito." Ani nito, na para bang hindi BIG DEAL ang nangyare kanina.
"Tss! hambog! eh paano kung naghihinalo kana?! ano ayaw mo parin pumuntang ospital?" inis na sabi ko, bago masamang tumingin sakanya.
Nakatingin lang sya sa labas habang nakangisi, kaya mas lalo tuloy akong naiinis.
"Iba naman ang naghihinalo Xander, alin ba ang magkapareha sa sinabi ko at sinabi mo?" sarkastikang sabi nito bago tumingin saakin. "Mag kaiba ang sinabi mo sa sinabi ko sa iyo. At kung naghihinalo na ako, hindi ngayon yun. Baka pati yung kamatayan umatras saakin."
'Ang yabang talaga!'
"Tsk eh bakit kilala mo ang dalawang yun??? alam mo ang gulo ng pagkatao mo!" Mahinang natawa ito dahil sa reaksyon ko bago mulin tumingin sa bintana.
"Dating kaibigan ang dalawang yun..." panimula nya sa estorya nya. "Si Maxine Feziano at Jace Benedicto, nakilala ko sila sa mga street fights dati. Sila ang mga taong naging unang kaibigan ko, mabait naman sila... or maybe hindi? Palagi kaming mag kakasama noon, dalawang taon ang tanda nila saakin... kaya ako ang pinakabata sa kanilang dalawa. Si Maxine magaling sya sa iba't ibang uri ng kotsilyo, ngunit kahinaan nya naman ang paggamit ng baril. Si Jace ang magaling sa baril, ngunit hindi masyadong marunong sa mga kotsilyo."
"Eh ikaw saan ka magaling?"
"Sa lahat..."
"Paano sa lahat?" tanong ko.
"Marunong ako sa baril, kotsilyo, pana, at combat fighting. Yun ang isa sa mga naging advantage ko dahil sa mga martial arts na kinuha ko noong fourteen ako. At nahilig rin ako sa rambulan kaya natutunan ko yung mga techniques nung iba."
'I know your more than that...'
"Bakit ka nila trinaydor??? I mean narinig ko yung usapan nyo kanina at sabi mo ay trinaydor ka nila."
"Yung pinaka leader ng frat na sinalihan namin... inutusan akong pumatay... hindi ko nagustuhan ang nais nya, kaya sinabi kong hindi ko magagawa yun. Doon na rin ako nag simulang tumalikod sa gropo nila. Totoo trinaydor ko rin sila, at trinaydor din naman nila ako. Ako kasi ang gumagawa para pumalpak ang mga gusto nyang mangyare noon. Hindi ko alam, alam nya na pala ang mga galaw ko. Kaya pinaikot nya sila Maxine at Jace gamit ang pera. Sinubukan nila akong patayin noon pero nahulaan ko agad ang galaw nila, kaya buhay pa ako ngayon. Pero sadyang mautak ang demonyon yun, pati ang lola at pinsan ko ay sinubukan nilang saktan."
"Sa paanong paraan naman nila ginawa yun sa lola at pinsan mo?"
"Sinubukan nilang pasabugin ang kotse ng lola ko, mabuti na lamang ay bago sya makapasok ay nandoon ako at na iligtas ko sya. Yung Pinsan ko naman ay nilason nila ang pagkain nito, nasugod naman sa ospital kaya naagapan. Kaya siguro galit na galit saakin si Tita... tsk! ngayon mo lang na realize?! hayst!"
Hindi ko na narinig ang huling parteng sinabi nya, para kasing sarili nya ang kinakausap nya, kaya hindi ko na sya pinilit pang sabihin yun. Natagimik kaming dalawa sa kotse, hindi ko tuloy alam kung ano ang paguusapan namin at mangyayare.
"Xander..."
Lumingon ka agad ako sakanya, dahil sa biglaan nyang pagtawag sa pangalan ko.
"Alam kong nakakahiya ito pero... p-pwede ba akong makitulog muna sa inyo?"
Nanlake ang mata kong tumitig sakanya, may klase kami bukas! at plano ko pa namang umabsent dahil kailangan kong pumunta sa ospital.
"Pero ayus lang namna kung ayaw mo," ani pa nito at nagpilit ngiti saakin.
Bunuga muna ako ng hangin bago nag salita. "S-sige..."
Pagtingin ko muli sakanya ay malawak na ang ngite nya? paulit ulit syang nag pasalamat saakin. Bago sya bumaba at dumeretsyo sa motor nya, kaya naman daw nya. At sanay na daw sya sa mga senaryong ganito, hindi sana ako papayagpero sadyang matigas ang ulo nya. Mukang mahaba habang gabi ito...
__________________________________________________________________
votes and comments are higly appreciated.
ily and God bless y'all!
<333
![](https://img.wattpad.com/cover/282505972-288-k252477.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Maangas na Mutya Ng Section Vinos (PART 1)
FanficPART 1 Sya si Andee Zaimin Vasquez ang babaeng palaban, matapang, at hambog na makikilala mo sa tanang buhay mo. Simpleng babaeng na mahilig sa basag ulo, ano na lang ang mangyayare kung napunta sya sa mga kaugali nya rin? Magkakasundo ba sila? O hi...