Sabog # 29

15.9K 821 45
                                    

[[[POV Angel]]]

"Bakit ka pa ba kasi sumama? Ano ko bata at kailangan ko pa ng mag-aalaga sakin? My gosh!" Sabi ko and crossed my hands na parang bata na nagtatantrums.

"Baka kapag inalagaan nga kita diyan... kiligin ka lang?" Sabi niya then smiled at me.

"Kiligin? Ano 'to gaguhan? Gaguhan?" I said on him, napakalanding tunay ng lalaking ito at hindi nag-abroad.

"If I will try to make you blush, I'm pretty sure you will find me more hotter" Sabi niya sakin while smiling tapos itinaas baba niya ang kanyang kilay.

"H'wag ka nga gumanyan! Nagmumukha ka lang manyak sa kanto" I said on him and rolled my eyes.

Hindi niya na lang ako pinansin dahil busy siya sa pagmamaneho.

By observing at him or just by looking at him, hindi ko ineexpect na magiging magkaibigan kaming dalawa. Totoo pala yung mga nababasa kong cliche na story sa wattpad, sa simula ayaw sa isa't isa pero kapag nagtagal maiintindihan niyo rin ang both sides.

"How many time will I say to you that staring in a handsome guy is rude?" Sabi niya sakin at hindi pa rin lumilingon dahil naka-focus ang demonyo sa pagdadrive.

"How many times din ba na sasabihin ko sayo na nag-iisip ako ng paraan kung pa'no kita papatayin?" I said and rolled my eyes on him. Ka-imbyerna 'to, pinupuri ko na nga umiral pa ang pagka-rude

Bigla naman nagvibrate ang cellphone ko so I check kung sino yung nagtext

From: Winston
Where ka na BhOuXz Mh4LdiTa?

Mapapamura ka na lang talaga ng wala sa oras sa gan'tong text message kapag na-receive mo. Seriously? Ang yaman ni Winston pero umuusbong ang pusong ka-jejemon n'ya.

Nagreply na lang ako sa kanya kasi nakakaawa naman siya kung hindi marereply-an ng isang Dyosa. Friends naman kami kunwari.

To: Winston
May chance kang maging Alien, malaki ang potential mo. Paki-inform mo na pang ako kapag nakakausap mo na si Kokey.

I send it to him.

"Stop using your cellphone while we're in gasoline station" Sabi muli ng demonyo kong katabi, I rolled my eyes first before ilagay ang cellphone ko sa bag ko.

"As if naman na sasabog tayo"

"Pa'no tayo sasabog eh sabog ka na nga?" He said to me gusto ko siyang barahin pero nagre-reserve ako ng energy para sa practice namin mamaya ni Winston.

Buong biyahe ay naging tahimik na ako at siya naman ay nagpatuloy sa pagdadrive. Ayon sa mga nababasa kong books ay kapag lumagpas ang silence ng thirty seconds ay matatawag na itong awkwardness. Paano pa kaya ang limang minutong biyahe? Ultimate mega boom boom pak awkwardness na!

"We're here" Sabi niya habang inaalis ang kanyang seatbelt. I remove my seatbelt too bago bumaba.

"Sigurado ka bahay 'to nila Winston?" Tanong ko sa kanya dahil maliit lang ang bahay na hinintuan namin at walang second floor.

"It's Winston's House. Binebenta niya yung mga pictures na kinukuhanan niya and then inipon niya. He use his own money to have this house" Sabi sakin ni Damon-yo, at early age nagkaroon na ng sariling bahay si Winston which is impressive

"Angel and'yan ka na pala," Sabi ni Winston habang palapit sa amin, He just wearing a simple white shirt and a blue jogging pants. "Nagsama ka pa ng baby sitter mo?"

Tinignan lang siya ng masama ni Damon kaya nag-peace sign na lang si Winston.

"Pasok na kayo" Pag-iimbita samin ni Winston sa kanyang bahay.

Pagkapasok ko pa lang dito ay parang narerelax na ko dahil sa green wall. Para lang akong nasa isang vacation house dahil ang sarap sa pakiramdam ng atmosphere rito kahit sabihin pang maliit lang ang bahay ni Winston.

"Bakit Green yung wall Winston? Eh akala ko ba pink fa orite mong kulay?" Tanong ko sa kanya, bakla kasi si Winston kaya pink ang favorite color.

"Green colors helps you in creating more ideas and more productive" Dabat ni Damon-yo... Epal, hindi naman siya yung kinakausap ko eh papansin talaga.

"Actually si Damon ang namili niyan para raw mas maging creative ako sa pagkuha ng mga larawan, which I must say na effective naman" Winston said habang kumukuwa ng Juice sa kanyang refrigerator

I admit now na matalino talaga si Damon-yo kahit sumablay ng malaki sa ugali. Kapag nakilala talaga siya ng mabuti ay hahanga ka na lang sa perspective sa buhay.

"Feel free to praise me Bitch, I know that you want to say something about it" Sabi niya sakin while smiling at me, nakakalimutan niya na yung usual expression niyang poker face nakakaasar dahil feeling ko laging ang saya ng aura ng gago.

"Winston tara na let's practice na, h'wag mo na lang pansinin yung demonyong may sayad sa tabi- tabi" I said then nagstretching ako sa malawak na space ng living room niya.

"You are really getting on my nerves bitch" Somebody hissed on me but I just rolled my eyes on him. Kuneari hindi ko kilala ang baliw sa isang sulok.

Iginilid ni Winston muna ang ibang gamit para mas maging maluwag sa puwesto namin.

"Anong plano mo?" Tanong ko sa kanya.

"Maganda naman ang boses mo Angel, just a little bit practice. Kapos tayo sa oras and singing is the easiest option" Sabi niya sakin.

"Ako kakanta? Nagpapatawa ka ba? Never pa akong kumakanta in my entire life never eve---"

"When I'm in my room I always heared you singing and trying to reach the high notes. Aling Martha said to me that you have a terrible voice" Sabat nung isa habang nagbabasa ng isang article sa isang magazine.

"Bwisit na Martha 'yan ah, pakakantahin ko siya mamaya pag-uwi hanggang sa magreklamo ang mga kapit-bahay gaga siya" Sabi ko sa aking sarili, anong karapatan ng mutchachang mukhang swagger sa kanto na laitin ako.

"Game na practice na" Sabi ni Winston and he play a song on his guitar. Mag-a-acoustic kaming dalawa, malamang duet din kasi dalawa lang kami.

It's almost midnight nung natapos kaming magpractice at puta lang ang sakit ng lalamunan ko. Dadamputin ko sana yung baso na may malamig na tubig pero naunahan ako ni Damon and ininom niya ang laman.

"Pakyu ka ah! sakalin kaya kita para malaman mo kung gaano kasakit 'tong lalamunan ko, uhaw na uhaw na ko" Sabi ko at hinampas siya sa braso.

"Uhaw lang, kapag uhaw na uhaw iba na 'yon" Sabi niya sakin

Nagrolled eyes muna ko bago ko itama ang aking sinabi, "uhaw na ko tang 'na mo"

"Instead of drinking cold water, drink warm water to protect your ugly voice, kung ayaw mong mapaos follow me or else magiging katawa-tawa ka bukas" Sabi niya sakin and he patted my head like a little girl.

Naglakad na siya palayo at pumasok sa guest room ni Winston. Doon ko lang napagtanto na sinabihan pala ako ng gago na panget daw ang boses ko.

"Hoy lumabas ka diyan! Ako kaya d'yan sa guest room at sa sala ka lang" Sabi ko habang kinakalampag ang pinto.

"First come, first serve. Good luck sa pagtulog sa sala and be careful in mosquitos" Sigaw niya. Bwisit!

Ang gentleman niya kahit kailan, sarap bigtihin at hampasin ng tagalog dictionary para mabawasan ang pag-e-english.

~~~~

(AN)~~> Happy 8.4K reads guys! Sensya kung matagal na wala pero dahil bakasyon na tuloy tuloy na ang UD next week.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon