Epilogue

21.2K 1K 167
                                    

[[[ POV Damon ]]]

Nakupo lamang ako sa isang upuan habang hinihintay ang pag-alis ng flight ko. And daming nangyari sa buhay ko ng dumating si Angel sa buhay ko, ang daming up and down. Parang naging isang roller coaster ang buhay ko noong dumating siya.

Isang taon na ang lumilipas simula ng nangyari ang insidenteng iyon.

***

"Fuck! Bakit ba kahit anong pagmamadali ko ay parang ang bagal-bagal ko" Sabi ko at gigil na ibinagsak ang kamay ko sa manibela habang nagmamaneho. Buhay na ni Angel ang nakataya dito tapos wala pang pakisama itong kotse ko.

Habang nagmamaneho ako ay napapaputang Ina na lang ako "Curse you traffic sa Edsa! Kapag may nangyaring masama kay Angel ipapagiba ko 'to" Iritado akong nag-tapped ng fingers sa manibela at maya't maya rin ang tingin ko aa orasan.

Alam kong kanina ay nakainom ako ng kaunti pero nung narinig kong may nangyari kay Angel ay parang bumalik ako sa huwisyo at nagsimula ng dumaloy ang kaba.

If anyone should blame on this? I think that should be me. Bakit ba hindi ko na lang siya inintindi para kahit kahati ko sa oras niya si Cloud ay hindi niya naman maiisip ang ganitong klaseng kagagahan.

Kung pwede lang lumipad patungo sa kanya ay ginawa ko na. Kahit sobrang nag-a-alala ako ay pinanatili kong relax ang aking sarili. I'm driving at gusto kong makarating sa kanya ng buhay.

Nakarating ako sa ospital at inabot ako ng ilang oras na biyahe from Baguio to Manila. Ginawa ko naman ang kaya ko para makarating sa kanya ng matulin and I really hope that she's okay.

"What happened?!" Malakas kong sigaw ng makita ko si Winston at Cathy na nakaupo sa isang mahabang upuan.

"Sa tingin mo anong nangyari sa kanya?" Tanong sakin ni Winston at binato ako ng masamang tingin. "Kasalanan mo 'to. It's your fucking fault! Hindi mo nakita ang mga pinagdaanan ni Angel. Iniwan mo siya Damon iniwan mo siya!"

Napayuko na lamang ako dahil lahat ng sinabi niya ay totoo. Ano nga ba ang mga nangyari pero kahit wala akong ideya... Alam kong sobrang nahirapan si Angel.

"I'm sorry"

"Sorry? Iyan na lamang ba ang kaya mong sabihin, hihingi ka ng sorry kung kailan nasa bingit ng kamatayan ang kaibigan ko?"

Saglit akong napatahimik and sakto naman na lumabas na ang doctor sa kwarto ni Angel.

Sabay-sabay kaming napatayo sa aming kinauupuan at tinanong ang doctor.

"She's safe now. Mabuti na lamang at naisugod niyo agad siya dito" Paliwanag ng doctor at sobrang natuwa ang puso ko sa balita.

"Pero bakit po siya nagsuka ng marami kanina?"

"Side effects lang 'yon and magiging okay na siya soon"

Tumabi sakin si Winston at mahinang binulong, "Ayusin mo ang lahat ng 'to"

Hindi naman ako nag-aksaya ng oras dahil inayos ko mula sa pinakamaliit na gusot hanggang sa pinakamalaki.

***

Nag-echo sa buong waiting hall ang flight patungong Japan. Aayain ko na nga dapat si Angel dahil paalis na.

Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita, baka ma-late pa kami. Napansin kong nagkukumpulan ang maraming tao sa isang lugar at parang may pinapanuod.

"Oh ano!? Tignan mo yung buhok mo mukhang iskoba! Ilugar mo nga 'yang pagmamaldita mo eh kahit nga ang ibang tao aakalaing engkanto ka eh!"

Napa-face palm na lang ako dahil mayroon na naman aiyang tinatarayan. Here we go again.

Pupunta kami ngayon sa Japan dahil doon nagsimula ang lahat at gusto namin na doon na matapos ang lahat.

Marami man pagsubok ang dumating sa aming dalawa pero nakarating na kami dito and she will be my soon--- Kontrabida Wife.

***~~~The End~~~***

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon