Sabog # 39

15.8K 770 73
                                    

POV Angel

"Girl ang bongga ng ginawa mo kay Venice ah, pak na pak! Pahiyang- pahiya ang lola niyo" Sabi ni bakla. nagkekwentuhan muna kami hanggang wala pang next teacher namin

"She deserves it anyway. Trying hard siyang labanan ako pero puro salita lang naman ang alam" Sabi ko sa kanya.

"Pero nakakatampo Angel ah! Hindi mo man lang sinabi na asawa mo na si Damon" Sabi naman ni Cathy at gusto ko na lang mapa-face palm sa mga pinagsasabi niya. Bwisit kasing Damon 'yun eh! Maisipan sabihin na mag-asawa kami naha-hotseat tuloy ang lola niyo.

"Asawa ka d'yan! We're just living under the same roof. That's it!" Sabi ko sa kanila kaso parang nasa 'The Buzz' ang peg ko ngayon, isang bakla at Tsismosa ang nasa harap ko ngayon.

"That's it? Liars go to hell? Eh I-explain mo nga 'to" Sabi ni Cathy at naglabas ng mga pictures, lahat 'yon ay puro kaming dalawa ni Damon.

"Oh my Gosh! Paparazzi ka ba!" Sigaw ko kasi nga diba this past few days lagi kaming lumalabas ni Damon so maraming kuwa na magka-holding hands kami and sabay kumakain.

"Sabi ko naman sayo OTP ko kayo eh! Nagpa-fangirl ako sa love team niyo at sinundan ko kayo and I dscovered all of it!" Sabi niya sakin at nagbitaw na lang ako ng isang malalim na buntong hininga.

"He's my boyfriend happy?" Sabi k sa kanila at nagsisigaw silang dalawa ni bakla. Sakto naman sa pagsigaw nila ang pagpasok ng professor namin.

"Cathy! Louie! Out!" Malakas na sigaw nung teacher at lumabas ang dalawang gaga. Sige sa kalandian lang talaga kayo magaling.

Pagkalabas nila ay rinig ko pa ang tili ng dalawa dahil daw kinikilig ang mga gaga. Ayon pina-squat pa ang mga gaga. Masaya sila eh.

Nagklase lang kami and nagdiscuss about everything and anything. Naisip ko tuloy bigla si Damon, hindi ko naman siyang nakikitang nag-aaral o nagbabasa ng mga subject books pero running for Cum Laude pala ang kupal.

After class ay dinampot ko na ang mga gamit ko at do some retouch. Paglabas ko ay nakita ko pa ang dalawang gaga na nakaupo sa sahig, mukhang ngayon lang natapos ang parusa sa kanila dahil latang-lata ang mga lola niyo.

"Girl upo muna tayo sa bench na 'yon, kaloka ang sakit ng paa ko" Sabi ni bakla at naglakad nga kami sa kanyang itinuro. Napansin kong marami pa ring mga mata ang nakamasid sakin dahil siguro fresh pa rin sa mga Tsismosa ang nangyari.

"Anong tinitingin-tingin niyong lahat?! Ngayon lang kayong nakakita ng mga diyosang nagkumpulan!?" Sigaw ni bakla at inalis na nila ang kanilang mga tingin sa amin. eskandalosang bakla 'to.

"Bakit ba ang big deal sa kanila ang love life ni Damon?" Sabi ko at napairap ng wala sa oras.

"Alam mo girl, wala pa kayo Prince na si Damon sa campus. Siguro'y hindi nila ineexpect na magiging kayo dahil nga ang alam nila ay magpinsan kayo" Sabi ni Louie bakla samin.

"They should get life. Ang tsitsismosa nilang lahat" Sabi ko at talagang naiirita na ako sa mga matang nakatingin samin.

"Alam mo girl ang status niyo ni Damon ay parang profile picture ko... Walang likes, Immune-in mo na lang tutal gagraduate na kayo ni Damon" Sabi naman ni Cathy. Gusto ko siyang sabunutan dahil ikinumpara niya pa kami sa D.P. niyang puro cleavage.

Kasalanan talaga ito ni Venice eh, desperadang impokrita. She should know her lesson, paniguradong pinag-uusapan din siya ngayon. Panigurado rin akong walang maihaharap ang cheap girl na 'yon.

Siguro kung Point of View ni Venice ang inyong nababasa ay magmumukha talaga akong kontrabida at mukha talaga siyang kawawa. Anong magagawa ko? Ako ang inaagawan, alangan namang wala akong gawin.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon