[[[ POV Angel ]]]
Noong sinabi ng kapatid ko ang balitang iyon ay hindi naman ako agad-agad nakapunta kay Cloud. Inuna ko muna ang personal kong buhay.
Naghanap muna ako ng trabaho which is same company lang kami ni Damon para raw mabantayan niya ko as if naman lalandi ako. Si Cathy lang ang kilala kong malandi.
Kung gusto ko raw bumisita ay ibinigay na lang sakin ng kapatid ko ang address at room number ng kwarto ni Cloud. Sinong mag-aakala na isa na palang sintomas ang mga pag-ubo ni Cloud?
"Nakatulala ka d'yan?" Tanong sakin ni Dannica na katabi ko sa pagkain ng almusal. Malapit na rin naman ang alis nila ni Tita dahil babalik sila sa US para asikasuhin ang mga business nila roon samantalang si Tito Damon ay magi-stay sa Pinas para asikasuhin at palaguhin ang mga tinayo nilang branches here in the Philippines.
"Wala wala" Nakangiti kong sagot. Byti na lang talaga hindi pumunta rito si Dannica para manggulo. Actually ang kalog niya ngang kasama eh, hindi na ko magtataka kung bakit once ng na-fall sa kanya si Damon. Si Dannica kasi yung tipo ng tao na hahanapin mo yung presence niya kapag nawala na siya.
"Iniisip ko lang kung paano ko gagawin yung trabaho ko"
"Alam mo Ate Angel, ang problema sa trabaho ay h'wag mong dinadala sa bahay. Give yourself a break" Sabi niya sakin. Nakakatuwa nga dahil 'ate Angel' ang tawag niya sakin. Tanggap niya na raw na Kuya niya si Damon at as her brother's girlfriend ate niya raw ako.
"Ah oo sige" Sabi ko sa kanya at kinuwa ko na ang mga gamit.
Noong unang pasok ko sa trabaho ay nakakaimbyerna talaga dahil hindi ako sanay na inuutusan ako ng mga taong mukhang kuko, yung mga pressure kapag may deadlines ang bagay na gagawin mo, pati na rin ang pakikisama sa mga shungang katrabaho. Mahirap man mag-adjust pero unti-unti ko naman nagagawa.
Si Damon naman ay mas maagang pumapasok sakin dahil masipag na tunay ang kuya niyo. Apple of the eye nga siya sa buong company at pinagtsitsismisan ng malalanditerang haliparot ang kagwapuhan niya raw.
Kahit naman na busy kaming dalawa ay naglalaan pa rin naman kami ng oras para sa isa't isa. Hindi naman healthy sa isang relationship ang lack of time diba?
I headed on office and by the way nabawi ko na yung car ko kanila Mom, naibalik na ang lahat sakin pero mas nakasanayan ko na yung nagtitipid ako and hindi masyadong gumagastos. Mahirap kasi iwanan yung mga bagay na nakasanayan ko na.
Pagdating ko ay tumingala agad ako sa mataas na building ng kumpanya. Kung tititigan mo ito sa pisikal na anyo ay alam mo ng isa ito sa pinakamatayayog na kumpanya sa Pilipinas.
"You're twenty minutes late again" Nasira naman ang pagpuri ko sa kumpanya ng makita ang lalaking nakasandal sa labas nito... Si Damon. Bakit ba ang cool niya talaga tignan sa messy hair niya samantalang kapag ang ibang lalaki naman mukhang hindi naliligo.
"Kailangan araw-araw mo kong inoorasan kapag papasok ako?" Sabi ko at umirap nalang ako.
"Hw many times will I say to you that--"
"You're not a student anymore" Ako na ang nagtuloy at inirapan ko ulit siya.
Kinuwa niya yung L.V. kong bag at siya na ang nagbitbit at ang kanang kamay niya ay hinawak niya sa kaliwang kamay ko.
"Ingatan mo 'yan L.V. 'yan. Alam kong naiinggit ka kasi hindi mo afford 'yan" Sabi ko pero imbes na maasar siya ay napailing na lang siya. Mukhang sanay na siya kapag tini-tease ko siyang bakla.
Agaw atensyon man kaming dalawa kapag naglalakad, atleast sumasampal sa katotohanan ng malalandi na taken na ang next target 'bitch please, ikiskis niyo na lang sa pader 'yang kalandian niyo'.
BINABASA MO ANG
Kontrabida Life
HumorHoy bitch! Anong karapatan mong basahin ang story ko? Sinong nagbigay sayo ng karapatan? Yung walang kwentang author ba? *Rolled eyes* Oh well, anong magagawa ko! Basahin muna tutal may itsura ka naman..... Panget nga lang.