[[[ POV Angel ]]]
Lumipas ang mga araw na ganoong ang palaging nangyayari. Every free time or free day ko ay bumibisita ako kay Cloud. Kahit naman pala bumisita ako araw-araw ay walang nangyayari, patuloy lang humihina ang katawan niya dahil lumalaki na ang tumor sa katawan niya.
"Aalis ka na naman?" Tanong sakin ni Damon ng makita ako na inaayos ang laman ng aking bag.
"Baka magma-mountain hiking ako kaya gan'to yung suot ko" Sabi ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Joke lang naman, dadaanan ko lang si Cloud then uuwi rin ako agad"
"Dadaanan? Araw-araw mong binibista tapos dadaanan lang? Baka nawawala sa isipan mo na may boyfriend ka" Sabi niya sakin at hindi nagbato ng tingin.
"Okay I'm sorry kung lagi kong pupuntahan si Cloud. Babawi na lang ako next time kapag uwi ko, Inaaya kasi kita na samahan ako kahit sa labas ng Ospital kaso ayaw mo naman"
"Ikaw na rin nagsabi na hindi niya alam na may karelasyon ka na. Ayoko naman na pumunta roon para manggulo lang. Kahit naman ayoko sa kanya eh gusto ko naman siyang gumaling sa sakit niya" He said. Napanguti na alng ako ng wala sa oras.
"Pa-cool effect ka pa eh nag-aalala ka rin naman pala sa kalagayan ni Cloud 'sus!" Sabi ko and poke his right cheeks.
"Jeez! Stop poking my face, umalis ka na pero make sure na sa'kin naman ang oras mo after okay?" Sabi niya at umiwas ng tingin sakin. Bakit b aang hilig ng mga lalaki na kapag nagsasabi silang nakakakilig na bagay and yet nakakahiya para sa kanila na umiwas ng tingin?
Ngumiti muna ako sa kanya bago ako umalis. Masaya akong naiintindihan ni Damon ang sitwasyon, madalas siyang magreklamo pero still naiintindihan niya na concern lang ako sa kaibigan ko.
***
Pagdating ko sa ospital ay nakasabay ko rin papasok ang kapatid ko. Kung saan siya nakatira ngayon, hindi ko alam. Nakakakuha naman siya ng pera mula sa aming magulang.
"Gusto mong mag-coffee?" Alok ko sa kanya at simpleng tango lang ang isinagot niya sakin. Maybe nahihiya pa rin talaga siya sa kagagahan niyang ginawa.
Nagtungo muna kami sa isang Cafe na katapat lang ng ospital.
"Uhm miss Menu please" Sabi ko at umupo kami sa may gilid nalapit sa window para matanaw namin ang magandang view sa labas.
"Oorder po?" Tanong sakin ng babae. Ayyy shunga lang?
"Baka gagawin kong pamaypay kasi mainit nakakahiya naman air conditioned ang buong cafe niyo" Napairap na lang ako ng wala sa oras, Ang shunga gosh!
"Sorry po" Sabi niya then inabot ang menu at umalis.
"A-ate hindi mo naman kailangan tarayan ng ganoo---"
"Ilang beses ko na bang nasabi sayo na iyang pagbabait-baitan mo ang weakness mo. Mabilis kang mauto, mabilis kang mapaniwala at mabilis kang maawa" Sabi ko and tinawag ko ulit ang babaeng waitress upang sabihin ang order ko.
"Oorder na po kayo?"
"Baka bibili ako ng house and lot" Sabi ko at itinaas ang kanang kilay ko.
"Ate!"
I rolled my eyes at sinabi ko na lang ang order ko.
"Ba't ayaw mo pang um-order, don't worry ako naman ang nag-aya so treat ko" Sabi ko sa kanya ng mapansin kong hindi pa siya umo-order. My gosh, pabebe.
"Didiretsahin na kita ah, hindi lang kita inaya para kumain kun'di inaya kita upang tanungin ng mga bagay-bagay" Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"A-ano naman yun?" Bakit ba parang natatakot si Angelie sakin? Ganoon ba kasama ang ugali ko or hindi pa rin siya nakaka-move on sa past problems namin.
BINABASA MO ANG
Kontrabida Life
HumorHoy bitch! Anong karapatan mong basahin ang story ko? Sinong nagbigay sayo ng karapatan? Yung walang kwentang author ba? *Rolled eyes* Oh well, anong magagawa ko! Basahin muna tutal may itsura ka naman..... Panget nga lang.