Sabog # 25

15.6K 815 55
                                    

POV Angel

Napagdesisyunan ko na lang na hindi pumasok ngayon dahil nga anong oras na ako nakatulog kagabi tsaka pagod ako... Echos lang! Tinatamad lang talaga akong pumasok.

Buti nga ay dumating kaninang ala-una ng madaling araw si Tito, kung hindi eh mabubusog ang mga lamok ng bongga. Rare blood pa naman ang nasipsip nila sakin, tanging mga diyosa lang ang may ganoong dugo.

I looked myself at the mirror, ang dami kong pantal. Dahil nga mistisa ako at diyosa ay madali talagang mapapansin ang pagkapula sa kutis ko. Wala akong magagawa, the perks of being diyosa. You should be thankful dahil hindi mo ito naranasan.

"Ang ganda ko pa rin" Sabi ko saking sarili habang nakaharap sa salamin, shocks! Wala bang bago? 

"Praising yourself again like an idiot?" Nagulat ako ng may biglang magsalita, nakasandal ito sa may pinto at tinitignan ako.

"Epal mode again? Doon ka nga, ganda-ganda ng intro ko sa chapter na 'to tapos... Panira ka talaga!" Sabi ko sa kanya at ibinato ang black shoes kong nasa lapag, agad naman nakaiwas ang gago.

"Yeah whatever" Malakas niyang sigaw but I just rolled my eyes na as if naman nakita niya.

Tutal naman hindi ako pumasok today, why don't I visit Cloud na lang para naman hindi siya magmukhang tanga kakatext sakin. Tsaka gusto kong makita niya muli kung gaano ako kadiyosa, sayang ang ganda ko kung hindi ko ishe-share sa iba.

Nagsuot lang ako ng plain shirt tsaka maong pants, alangan namang mag gown pa ko eh dadayo lang naman ako sa ibang bahay. Simplicity is Beauty, pero kulang ang salitang Beauty para idefine ang kagandahan ko, 'Simplicity is Diyosa' that's the perfect word to describe me.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay sumalubong sakin si Damon.

"San ka pupunta?" tanong niya sakin with poker face.

"Sa impyerno" Sabi ko and rolled my eyes on him, kung kanina hindi niya nakita. Ngayon isaksak niya sa baga niya yung rolled eyes ko.

"Why are you going home?" Tanong niya sakin the a little evil smile formed on his lips. Bruhilda daw kasi ugali ko kaya naman Impyerno ang hometown ko, nice diba?

"Ikaw kasi kahit impyerno hindi tinatanggap ang kasamaan ng ugali mo" Sabi ko at bumaba na ko sa hagdan

Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay Tito Daniel at nakipagbeso sa kanya para sosyal.

"Tito Daniel, Alis muna ako I will just visit my friend sa Manila" Sabi ko kay Tito.

"Aalis ka? Anong gagamitin mong car?"

"Yung sa inyo po?" Hindi ko sure nasagot, hindi ko naman alam kung papayag si tito eh. 

"Sorry hija, but I can't my business meeting pa ko sa Bulacan so I have to use my car. Kung gusto mo magpahatid ka kay Damon tutal parehas naman kayong walang gagawin" Sabi ni Tito at uminom sa kanyang kape.

"Wanna have a free ride?" Tanong sakin ng Damon-yo at nakangisi sakin.

I just rolled my eyes on him, "'Wag na, baka magkaron pa ko ng utang na loob sayo isumbat mo pa"

Lumabas na ako ng bahay at nagpunta sa bus station, maghihintay na lang ako keysa pagtiisan makasama si Damon-yo. Baka magkaletche-letche na naman ang happenings sa maganda kong buhay.

dadaan sana ko kaso may babaeng humarang sa dadaanan ko, dadaan sana ako sa left kaso ganun din siya, sa right naman tapos ganun din siya, ano to? Patintero? Patintero?. Punyatera to! Gusto yatang masample-an ko ng maaga.

"Tatabi ka sa dadaanan ko o itutulak kita papunta sa gitna ng highway at doon ka makipagpatintero?" Sabi ko and raise my eyebrows on her. Hindi natinag ang gaga, aba palaban! Gusto ko 'yan.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon