Sabog# 1 (Edited)

40.7K 1.7K 385
                                    

Kakauwi ko lang ng bahay galing sa pamamasyal ng park. Bagong bili ang bahay na ito na para lamang sa aming ng aking kakambal. Kahit kaming dalawa ang magkasama sa bahay ay self proclaimed ko na bahay KO ito.

"Ate, hindi ba tayo kukuha ng katulong?" Pagtatanong sa aking ni Angelica. Ang ganda ng mga pangalan namin 'no? Pero si Angelica talaga ang tunay na anghel sa aming dalawang magkapatid. Ewan ko ba diyan sa kapatid kong 'yan, hindi yata marunong magalit.

"Good idea, my sister. Ngayong nasabi mo iyan, ikaw ang magpaskil sa gate na kailangan natin ng katulong. Go na." Umupo ako sa couch habang siya ay naiwang nakatayo.

"Ako ang gagawa?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.

"Idea mo, so panindigan mo! Go na! Alangan naman na ako pa ang gumawa para sa iyo?" Sabi ko at kinuha ang strawberry cake na nakapatong sa lamesa. Bumuntong hininga ang aking kapatid at ginawa naman niya ang aking sinabi.

Okay, may mga katulong na mag-a-apply sa bahay KO, kontrabida mode activated!

***

-Day 1 Interview-

 Bakit deserve mo na maging katulong ng napakagandang bahay namin?" Pagtatanong ko sa first applicant. Ang gaganda ng mga tanong ko, kamusta naman yung mga mukha nung mga nag-a-apply. Never mind na lang dahil mapapa-rolled eye ka talaga.

"Dahil po masipag po ako ma'am--"

Pinutol ko agad ang kanyang sasabihin. "Kung masipag ka, edi sana mayaman ka na? Bakit ngayon ay nag-a-apply ka ng katulong?" Mataray kong sabi.

"Ah... eh... Kaya ko naman po sundin lahat ng iuutos ninyo!" Pursigido niyang sabi.

"Sabi mo, Tumakbo ka palabas ng gate at huwag ko ng makikita 'yang pagmumukha mo." Madali naman akong kausap.

"Kai--"

"Next please! Ikaw, labas." Nakangiti kong sabi sa kanya at umuwing luhaan yung nag-a-apply. Sa buong unang araw ng paghahanap namin ay ganoon ang naging cycle, walang nag-a-apply ang kinaya ang kamalditahan at kakontrabidahan ko.

"Ang hard mo naman sa mga nag-a-apply ate." Mahinhin na sabi sa akin ng Maria Clara kong kapatid. Sinaniban yata ng fourty-seven na anghel sa katawan.

"Gusto mo bang tumama yung hard kong kamao sa mukha mo?" Kahit naman ganyan ko sagutin 'yang kapatid ko, sanay na rin naman sa akin 'yan. At isa pa, gaya nga ng sabi ko, hindi marunong magalit 'yan.

"Gusto mo ako na lang ang mag-i-interview ng mga applicants bukas?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Sure, that's a good idea. Magsho-shopping na lang ako bukas."

***

-Day 2 Interview-

Masaya akong umuwi ng bahay namin dahil marami akong relasyon na nasira kanina sa mall. Ang sarap talagang maging isang kontrabida.

Huwag kayong mainis sa aming mga kontrabida, kung wala kami ay mawawalan ng thrill ang isang love story. Naaasar kayo sa amin? Kung walang kontrabida ay walang love story na mabubuo sa pagitan ng mga bida.

Respect and love us, hindi kayo kikiligin sa isang love story kung walang pagpapahirap na galing sa amin. Pinabuhat ko lahat ng aking pinamili sa aming driver.

Pagpasok ko sa mansyon ay namilog ang aking mata. "What the shit!" Sigaw ko dahil punong-puno lang naman ng katulong ang pamamahay namin ngayon.

"Good evening ma'am." Bati sa akin ng isang maid na mahaba ang baba.

"Huwag mo akong i-ma'am diyan. Dumistansya ka sa akin, matusok pa ako ng baba mo at ikamatay ko pa." Mabuti naman at lumayo siya sa akin.

"Ate, ano natuwa ka ba? Mayroon na tayong maids!" Nakangiting lumapit sa akin ang aking kapatid.

"Look Angelica, pinairal mo na naman 'yang kabaitan mo. Tignan mo lahat yata ng nag-apply sa'yo ay tinanggap mo. Kaunting paawa effect lang ay bumibigay ka na. Ito ang hirap sa pagkakaroon ng santa na kapatid eh." Kunot noo kong paliwanag sa kanya.

"Naawa kasi ako ate sa kan--"

"Ano ba Angelica! Kung lagi kang maaawa sa ibang tao, aasa na lang sila sa'yo. Bawas-bawasan mo ang kabaitan mo, aabusuhin ka lang ng mga taong nakapaligid sa'yo." Ayoko naman na habang lumalaki kaming dalawa ay mas lalong magmukhang uto-uto ang kapatid ko, kailangan din naman lumaban siya kahit papaano.

Hindi naman siya nakapagsalita pa at nanahimik na lang.

Bumaling ang tingin ko sa mga katulong na nandito sa bahay namin. "Kayong lahat, You're all fired! Lumabas na kayo!" Sigaw ko. Dahil nga mukhang natakot sila sa akin ay tumakbo palabas lahat nung maids at nagkaroon na saglit na katahimikan.

Maya-maya pa ay may isang katulong na nagsisigaw sa loob ng bahay. "Nasaan ang sunog!? Where's the fire!?" Sigaw niya at nagpa-panic pa talaga siya.

"Bobita! Lumayas ka na rin!" Inis kong sabi.

"Kapag lumayas po ba ako ay dadalhin ko lahat ng mga gamit ko?"

"Malamang!" Sagot ko.

"Babalik pa po ba ako kapag lumayas ako." Napaayos ako ng upo at masama siyang tinitigan.

"Gaga! Hindi layas ang tawag doon kung pababalikin din naman kita!"

"Aalis po ba ako ng naka-maid uniform o--"

hindi naman ito nag salita at nanahimik na lang...."

"Letse! Huwag ka ng lumayas, nababanas lang ako sa kabobohan mo." Sabi ko sa kanya at bumalik naman siya sa kusina.

"Hoy!" Pagtawag ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad. "Anong pangalan mo?" Syempre, maninilbihan siya sa pamamahay KO kaya dapat alam ko ang kanyang pangalan.

"ako po?" Tanong niya sa akin. Seriously? Nakakawala ng dugo 'tong kabobohan ng babae na ito.

"Hindi! Yung kutsilyo yung tinatanong ko. Tinanong ko yung kutsilyo kung pwede siyang maglakad at manaksak sa dibdib ng tanga." Sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Good luck po ma'am, ang alam ko kasi hindi nagsasalita ang kutsilyo." Hindi ko ma-distinguish kung binabara niya ako or sadyang tanga lang talaga siya eh.

"Ay letse! 'Bobita' na ang palayaw mo, letse ang engot mo." Sagot ko sa kanya. Kung kanina ay umuwi ako ng masaya, ngayon naman ay matutulog akong nakakunot ang noo.

***

-Day 3 Interview-

Sa pagkalaki-laki ng pamamahay KO ay si bobita pa lang ang katulong ko, medyo naawa naman ako baka lumawit ang dila niya kakalinis.

"Ang kailangan ko ay yung marunong maglaba, magluto, mag-grocery, maglinis, at kayang labanan ang kabobohan ni bobita. Kaya mo bang gawin ang lahat ng ito?" Pagtatanong ko sa ini-interview ko. Pang-ilan na ba siya ngayong araw? Pangatlo or pang-apat?

"I believe that my trained skills and expertise in management with the use of standard tools, and my discipline and experience will contribute significantly to the value of the work that you want, my creativity, productivity, and work efficiency, and the high quality of outcomes. I can offer will boost the work progress." Sagot niya sa akin, muntik ng malaglag ang panga ko dahil medyo wala akong naintindihan.

muntik ng malaglag ang panga ko dahil wala akong naintindhan. "Good." Iyan na lang ang naisagot ko, kunwari gets. Napalingon ako kay bobita at parang na estatwa siya sa kinatatayuan niya.

"Bobita, ba't dumudugo 'yang ilong mo?" Kunot noo kong tanong.

"Excellent po ma'am! Ang galing niya po mag-ingles!" Sabi niya habang pinapasukan niya ng binilot na tissue ang kanyang ilong.

Tumayo ako at inabot ang kamay ko sa katulong na kaharap ko, "Congratulation, you're hired." Mukhang may tatapat na sa kabobohan ni Bobita.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon