Sabog #28

16.5K 840 67
                                    

Angel

Sa wakas ay last practice na namin para sa contest, sobrang nakakastress dahil araw-araw akong nakakakita ng Baklang igorot at Dayuhang Oranggutan. Nakakabadtrip man ang mga pagmumukha nila ay kiber naman.

"Angel babes!" Malakas na sigaw na nanggaling sa aking likuran, pagkalingon ko ay... Puta! Si Henry Linta. Ilang araw akong nagtago sa gagong 'yan tapos magkikita rin naman pala kami.

"What again?" Tanong ko sa kanya ngunit inabutan na naman niya ako ng bulaklak at nakakaumay na tsokolate.

"Oh tapos ka na? Pwede na ba akong umalis dahil may last practice pa akong ka-echosan na pupuntahan" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Wait you mean kasali ka sa contest na yun? I will cheer for you babe!" Masiglang sabi sakin ni Henry. Seriously mukha siyang bading sa kanyang ginagawa.

"Babe? Ano ako biik? Tumigil ka nga D'yan mukha kang kabayo hayop ka!" Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Sakto naman na nakasalubong ko si Venice panis. Ang lakas ng loob na mag mini skirt ng gaga kapag wash day eh parang kanta lang yung hita niya... Counting stars, kayo na bahala magbilang ng mamiso niya sa paa.

"Venice panis pinabibigay sayo nung lalaking yun oh" Sabi ko at itinuro si Henry. Ang malandi namang si Venice kinuha agad ang flowers at chocolate. Landi nitong oranggutan na 'to, sarap ibalik sa zoo na pinanggalingan.

"Really?" Maarteng tanong ni Venice, arte-arte mukha namang takas sa Zoo.

"I'm just kidding para kay Cathy talaga 'to" Sabi ko sabay bawi ng bulaklak at flowers. Ang choosy pa kasi nagpapakagood girl na nga ako.

Iniwan ko siya doon na napahiya, bukod kasi sa maraming estudyante ang nakatingin sa'min, priceless pa ang mukha ng gaga.

"You always know how to ruin my day bitch" Narinig kong sigaw niya at humarap naman ako sa kanya para naman hindi mapahiya.

"Seeing your face everyday always ruin my day so it's a tie" Sigaw ko then rolled my eyes on her. Naglalakad ako papunta sa isang bench kung Sa'n kami madalas tumambay nila bakla.

"Oh Angel ba't nandito ka? Diba dapat nasa practice ka nung baklang may kanal na batok?" Tanong ni Louie sa'kin pagkarating ko pa lamang. Isinampal ko nga sa kanya ang bulaklak kong hawak dahil kakarating ko palang ay binanatan niya na agad ako ng tanong kaloka!

"Aray naman teh! Kung makasupalpal ka sakin ng bulaklak wit ko carry" Pag-iinarte niya but I just rolled my eyes on him.

"Pasalamat ka nga walang tinik yung bulaklak eh, safe pa 'yang mukha mo na puro bukbok" Sabi ko sa kanya.

Dapat aasarin ko pa si Bakla kaso ay nakatanggap na ako ng isang text message mula kay Winston.

From: Winston

Hey BhOuxZx Mh4LdIt4h magiistart na ang last practice punta ka na dito.

Alam niyo kung sino yung masarap sampalin ng hard? Etong jejemon na 'to eh, bwisit panira ng araw.

"Oy baklang puro bagang, mauna na ko hinahanap na ko sa practice" Sabi ko kay Louie at iniwan sa kanya ang chocolate at flowers na bigay ni Henry, as if naman na magiging trip ko yung lalaki na yun.

Pagdating ko sa may Gymnasium kung san nagaganap ang practice ay grand entrance ka agad ang sumalubong sakin.

All eyes was fixed on me, not just simple look pero nakatingin sila ng masama sakin. Late na naman kaso ako, tinignan ko rin sila ng masama para tie.

Ang mas masasama ang tingin sakin ay yung mga irregular students na ngayon ko lang nakita at ngayon lang din naman nila ako nakita. Mga feelingera 'to, di hamak naman na walang panama ang anyong hayop nilang pagmumukha sa pagiging diyosa ko.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon