Sabog# 10 (Edited)

20.6K 1K 84
                                    

"Good bye class." Sabi nung professor namin ngayon, siya ang professor namin na ang galing-galing magbait-baitan. Umirap ako sa kanyang sinabi.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa lamesa at handa na akong umuwi sa bahay. "Ang kapal ng mukha nung professor na iyon na mag-over time! Akala niya yata ikinagwapo niya iyon." Pagkakausap ko sa aking sarili.

Habang inaayos ko ito ay aksidente kong nahulog ang bag ko dahilan para kumalat sa sahig ang mga laman nitong notebook, ang shunga ko... pero diyosa pa rin.

"Kung kailan naman nagmamadali ako tsaka pa 'to nahulog oh! Naku naman!" Reklamoko, wala naman akong magawa kun'di pulutin ito isa-isa dahil hindi naman matatakot sa akin ang mga notebook ko at hindi 'yan papasok mag-isa sa loob ng aking bag.

Habang nagpupulot ako ng mga gamit ko ay doon ko lang napansin ang isang chocolate bar. Hindi ko na sasabihin ang brand dahil hindi naman nila tayo i-i-sponsor-an. May sticky note na nakadikit sa tsokolate.

Always smile, sungit ng buhay ko :)

Infairness ha! Pangit ang handwriting, mukhang may ideya na ako kung kanino galing ito. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

Nabigla ako nung biglang may humablot sa chocolate na hawak ko. "Himala yata at ngumingiti ang isang kontrabida," Sinubukan ko itong agawin kay Cathy ngunit inilalayo niya lamang. Binasa niya ang nakasulat. "Oh my god! 'Sungit ng buhay ko'? Luma-love life naman pala kaya parang isang baliw na ngumingiti mag-isa.

Ngumisi si Cathy na parang inaasar ako. "Shut up! Kung gusto mo ay sa'yo na lang 'yang chocolate na 'yan dahil first time mo lang yata makakakain ng branded na chocolate." Nasabi ko na lang at itinuloy muli ang pagpulot sa mga gamit ko. 

Gusto kong sampalin ang pakielamera kong kaibigan kaso ay masakit pa ang kamay ko dahil sa haba nung ni-lecture namin kanina.

"Anong akala mo sa akin? Pulube?"

"No! Why would I think na pulube ka, obvious naman na takas ka sa mental." Sabi ko at sinara ang zipper ng bag ko at mabilis itong isinukbit sa aking likod.

"Really?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Yes." Akala yata niya ay masisindak niya ako sa paganoo-ganoon niya, sanay na ako sa kaibigan kong 'yan.

Bumuntong hininga siya as a sign of forfeiting. Sabi ko sa inyo, hindi ako kaya nito. "Ewan ko sa'yo, by the way! Who's the lucky guy?!" Hinatak niya ang braso ko dahilan para mapaupo ako sa upuan. Basta tsismis ay game na game talaga ang baliw.

"Lucky?" Kumunot ang aking noo. "Oh my god! Gumulo ang buhay ko nung dumating siya, he even tease me everyday. and--" Naputol ang sasabihin ko nung nakita kong nakangiting aso ang kaibigan ko. "What?" Umayos ako ng pagkakaupo. Nadala yata ako sa aking emosyon kaya kung ano-ano ang nasabi ko/

"I'm just askin' who's the lucky guy pero kung ano-ano na ang sinabi mo. Tinatanong ko kung sino, hindi ko tinatanong kung ano ang pakiramdam mo kapag kasama mo siya." Sabi niya.

"Alam mo, wala kang pinagkaiba sa pinag-uusapan natin ngayon, parehas kayong nonsense." Tatayo na sana ako kaso bigla niya ulit hinatak ang braso ko. "Bakit na naman ba?"

"Yung lalaki ba na sumundo sa iyo nung nakaraang araw?" Hindi ako nagsalita pero mukhang may konklusyon na nabuo sa utak ng gaga. "Sabi na eh! Alam mo girl, bagay kayo!" Puri niya habang sinasabunutan ako.

Isinubsob ko ang mukha niya sa desk dahil wala siyang karapatan na sabunutan ako ng ganoon. "We're not compatible! Ikakasal na 'yon, huwag mo na akong i-link sa kanya." Sagot ko sa kanya at mukhang nanlumo siya sa kanyang narinig.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon