Maaga akong nagising ngayong araw, bakit? KAsi ngayong araw aay makikilala ng aking kapatid ang kanyang mapapangasawa. Yeah. naka-arrange marriage ang kapatid ko. Hindi kasi ako pumayag sa gustong iyon ng aming magulang kaya si Angelica ang gagawa para sa pamilya namin.
I'm wearing a red dress at sinamahan ko pa ito ng mapula kong lipstick, as much as possible ay gusto kong maging mukhang fierce sa harap ng ibang tao. Si Angelica naman ay nakasuot ng puting dress at nakabagsak ang kanyang buhok.
"Ate, tutulungan mo ako 'diba?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Hindi rin naman siya payag sa ganitong setap. Kahit kontrabida ako, hindi ko naman papabayaan na ang kapatid ko ang sasagot sa senaryo na dapat ay para sa akin.
"Paulit-ulit? Oo nmn, tuturuan din kita kung paano maging isang kontrabida."
"Ateee!"
"Biro lang! Kung makapag-inarte ka naman, ang sarap mong ihampas sa apat na sulok ng bahay." Mataray kong sagot sa kanya kaya napangiti na siya
"Ate, basta sabi mo ay tutulungan mo ako ha?" Humawak sa kamay ko s i Angelica na para bang nagtitiwala siya sa akin.
"Oo nga, Baka imbes na tulungan kita ay tulugan na lang kita. 'Wag kang paulit-ulit okay? Nakakabobo, mukha kang mababa ang IQ," Sumakay na kaming dalawa ng kotse, doon kami pumwesto sa backseat. Napatingin ako kay Angelica, halatang natatakot siya "Ayusin mo 'yang hitsura mo, mukha kang natatae."
"Kinakabahan talaga ako ate." Nakahawak sa dibdib niyang sabi. Hindi naman ako sweet na kapatid pero pinipilit kong pagaanin ang kanyang loob o kaya naman ay kahit papaano ay maibsan ang kaba na nararamdaman niya.
"Huwag kang kabahan dahil may kapatid kang malditang kontrabida. Hindi tayo ang susuko, hayaan nating sila ang sumuko sa atin." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ate, akan ko ang mga ganyang ngiti mo,"
"Alam mo naman pala! When I wear this kind of smile, it means that I have a plan. Lahat ng plano ko, laging successful. Huwag kang magdrama diyan Angelica, sige lang at magpakabait ka at ako naman ang magpapakademonyita mamaya." Nakangisi kong sabi habang pinagmamasdan ang mga building na nalalagpasan ng kotse. Kontrabida mode ON.
Pagdating namin sa restaurang ay naglakad kami ng taas noo, siyempre diyosa kami! Ang mga magaganda ay taas noo dapat na naglalakad. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin... Oo sa akin lang! Story ko 'to eh, malamang point of view ko ang ginagamit.
"Reserve table for Maxwell family." Sabi ko doon sa babaeng nag-assist sa amin.
"Kayo po ba iyon?" Inosente niyang tanong.
"Hindi! Katulong kami ng mga Maxwell! May katulong bang nakasuot ng dress? Matutong gumamit ng utak, promise hindi naman nakakamatay." Sarkastiko kong sagot kaya napayuko na lang siya na parang nahihiya. Itinuro na niya lang ang table na naka-reserved sa amin.
Naglakad ako at sumunod ang aking kapatid, "Ang hard mo naman sa kanya ate, kawawa nam--"
"Ano ba Angelica, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na bawas-bawasan mo ang pagiging mabait mo. Okay lang yung mabait pero kapag sobrang bait... uto-uto na ang tawag doon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Nakita agad namin sina mom at dad na nakaupo at masayang nagkukwentuhan. Mukhang wala pa yung family nung imi-meet namin. "Hi dad, Hi mom." Pagbati ko sa kanila, akmang bebeso ako sa kanila ngunit tumayo sila para sumalubong kay Angelica at mahigpit na yumakap dito.
Medyo napahiya ako doon. Paborito ng mga magulang ko siAngelica dahil siya ang mabait samantalang ako yung maldita.
"Mom, kasama ko rin si ate." Nung sinabi ni Angelica ang pangalan ko ay doon lang napansin ng mga magulang ko ang prisensya ko.
BINABASA MO ANG
Kontrabida Life
HumorHoy bitch! Anong karapatan mong basahin ang story ko? Sinong nagbigay sayo ng karapatan? Yung walang kwentang author ba? *Rolled eyes* Oh well, anong magagawa ko! Basahin muna tutal may itsura ka naman..... Panget nga lang.