Sabog # 42

14.8K 783 96
                                    

[[[ POV Angel ]]]

Sobrang unexpected talaga ng pangyayari. Tinignan ko si Damon at ngumiti lamang ang gago sakin bwisit. Sana nasagot ng pang-commercial niyang ngiti ang tanong ko noh?

"Kamusta ka na anak sobrang na-miss ka namin ng papa mo. Mabuti na lang at umabot kami sa araw na 'to" Sabi ni Mom sakin at muling yumakap. Kahit ako rin naman sobrang namiss ko sila, anim na buwan akong wala sa pangangalaga nila.

I think naman na maganda ang idinulot ng pagkawalay ko sa kanila dahil kahit papaano ay nabawasan ang pagka-spoiled brat ko. Natuto akong mag-budget ng pera dahil hindi naman parati ay aasa na lang ako kanila tito Daniel.

"Na-miss ko rin kayo mom" Sabi ko at hindi ko inaasahan na may tutulong mga luha na manggagaling sa aking mga mata.

Napadako ang tingin ko kay Dad na masayang nakikipagkwentuhan kay Tito Daniel at parang hindi naman masayang makita ako. Siguro ay hindi pa niya nakakalimutan ang pagkakamali kong nagawa. Thankful parin naman ako kasi nandito siya para sa graduation ko mamaya.

"Buti hindi ka namayat anak"

"Ma, Stop being a concerned mother" Sabi ko sa kanya at natawa na lang.

"Grabe ka naman 'nak. Ang tagal kong nawalan ng exposure kaya dapat mabait ang pagbabalik ko" Sabi niya at parehas na alng kaming natawa.

Tumingin ako kay Damon at nag-thumbs up siya sakin, sign na iyon na masaya siya kasi kasama ko ang pamilya ko sa araw na ito.

"Mom, nasaan si Angelie?" Tanong ko kay Mommy at umupo kaming dalawa sa may sofa.

"Sa mismong graduation mo na lang daw siya pupunta dahil meron siyang importanteng ginagawa" Sabi niya sakin. Alam kong galit ako sa kapatid ko ngayon pero gusto ko pa rin naman na kumpleto ang pamilya ko sa big day ko. Tsaka kung hindi naman dahil sa kagagahan ko para sa kanya ay hindi ko makikilala si Damon so hashtag #moveon na.

"K." Nasabi ko na lang. Kaunting minuto na lang ay gagraduate na ako, nakakakadagdag pa ng excitement ay ang pagdalo ng mom and dad ko.

"Oh by the way may mga tao pang gusto kang makita" Sabi ni Mom at nagtaka naman ako. Sino pa kayang mga hampaslupa ang gustong makakita ng diyosa? Fan ko ba? Follower ko ba sa twitter? Likers ko ba sa FB?

Unti-unting bumukas ang pinto at biglang may background music na 'Beautiful girl'. Anyare sa'n galing yung BGM?

I thought na mga relatives ko ang makikita ko at akala ko rin si Cloud. Napasimalmal nalang ako ng makita ang dalawang nagmamaganda rito sa storya ko. Si Inday at si Bobita.

Nagposing pa ang mga gaga at kita na ang cleavage ni Bobita. Juskong shungang mutchacha na 'to ipinagmamalaki niya yung dibdib niyang parang idinikit lang na clay. Hindi rin naman pala SPG eh, parang man's boobs lang ang labas.

"Ma'am we miss you a lot" Nakipagbeso-beso siya sakin at wala naman ako nagawa.

"Ma'am namisss din ki--"

"Ooops! H'wag kang bebeso, may mga mine bombs diyan sa mukha mo" Sabi ko sa kanya.

"Ma'am naman tigyawat lang 'yan" Sabi niya at nakipagyakapan na lang ako sa kanya. Mahirap na! Baka masabugan pa ko ng mine bombs at sumabog ang feslak ko.

"Ma'am namiss ka namin ng sobra, hindi na nga kami kilala nh readers sa tagal naming nawala eh" Sabi ni Bobita. Kung wala lang dito ang parents ko eh baka nasampal ko na ng mainit na takure ang pagmumukha ng shungang 'to. Ang tagal naming hindi nagkita pero ang brain niya ay hindi ko pa rin makita.

Nakatingin lang samin si Damon samantalang si Tita Leah at Mom naman ay nagkekwentuhan katulad nila Tito at Dad.

Ako na ang nag-aoproach sa kanya. "Ang ngiti mo naman" Sabi ko at kinurot ang kanyang kanang pisngi.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon