Sabog # 37

16K 846 121
                                    

Sana this month matapos ko na 'to please haha.

***

[[[POV Angel]]]

"Sister namiss kita, tatlong araw lang kayo sa Japan pero parang napakatagal mo saking nawalay huhubels" Sabi ni bakla at yumakap silang dalawa sakin ni Cathy. Hindi ko na sasabihin na namiss ko rin sila dahil baka lumaki ang mga ulo ng gaga at masabihan akong bumabait.

"Ang O.A. niyong dalawa, kayo na ba ang parents ko? Hindi ako na-inform. Letche kayo ba't kayo ang sumalubong sakin?" Sigaw ko sa kanilang dalawa, jusko kung dalawang panget ang sasalubong sayo matutuwa ka kaya?

"Ang sakit sa tenga ah! Buti nga sinalubong namin kayo today eh, Advance Merry Christmas sister" Sabi ni bakla at nagbeso-beso sa akin

"Ano ba 'yan bakla ang gaspang mukha mo, matutong lumugar. Sakin pisngi ng diyosa samantalang sayo pisngi ng duryan sa daming tulis"

"Nakakahurtbels naman ang mga say mo" Sabi niya but natawa na lang kaming tatlo.

Nakita ko naman na palabas na si Damon kaya naman saglit ko muna siyang tinawag, "Damon!"

"What?" Iritado niyang sabi pagkalingon niya sakin, ang hot headed talaga ng lalaki na 'to. Hindi ba uso sa kanya ang salitang kalma? Promise effective 'yon.

"Padala na rin ng gamit ko"

"Ano ka chix at dadal---"

"Please" I said at nagpa-cute pa ko para pumayag siya, sobrang naghehesitate pa siya eh.

"Fine" He said then kinuwa niya ang lahat ng gamit ko, sa pagbuhat niya roon ay lumabas ang yummy muscles ng koya niyo.

"Magpinsan ba talaga kayo? "Tanong sakin ni Cathy Makati habang nakatingin siya kay Damon. Di'ba nga ang alam ng lahat ay magpinsan kaming dalawa para hindi na rin kami ma-issue ng matindi-tindi specially sa iisang bubongan lang kami nakatira.

"Huh? Ba't mo naman natanong? Tsismosang tunay?" I said and tinaasan ko siya ng isang kilay.

"If hindi ko lang alam na magpinsan kayo, mapagkakamalan ko kayong magsyota or mag-asawa pa dahil alam niyo yun! Pang-wattpad ang story niyo" Sabi ni Cathy at kinikilig-kilug pa. When kalandian strikes on her.

"Ikaw din pang-wattpad ka" I said on him

"Talaga?" She said on me at sobra ko yatang naflattered ang gaga.

"Oo pang-horror story ka, ikaw yung unang mamamatay at alam mo ba kung ano yung plot twist? Ako yung killer. Tumigil ka nga d'yan sa pagpapantasya mo! Mag-aral ka muna next time ka na lumandi" I said and naglakad na kaming tatlo palabas.

"Oo nga girl witit mo knows pero in a relationship na kami ni Papa Damon" Sabi ni bakla. K fine, ambisyosang bakla may betlog naman.

"Mga basag trip kayo noh? Basta ang OTP ko pa rin ay si Damon at Angel, wakompakels kung mapinsan chuchubels sila" Sabi ni Cathy at napahinga na lang ako ng malalim. Baliw talaga.

Pumunta muna kaming D.Q. para bumili ng ice cream, naninibago pa rin ako sa klima ng Pinad at Japan. Dahil nga nag-i-snow sa Japan ay para kang naka-aircon ka whole day.

umorder lang kami then nagchikahan about sa maraming bagay.

"Ganyan ba talaga kapag galing sa Japan?" Tanong sakin ni Cathy kaya napatigil ako sa pagsubo ng aking Ice cream. Ano na naman bang problema ng famewhore na 'to sakin?

"Ano na naman ba porke't walang likes ang profile picture mo ngayon ako na naman nakikita mo?" Sabi ko sa kanya habang kumakain ng ice cream, ayokong tignan ang gaga dahil baka maumay lang ako.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon