CHAPTER 2: The First Meeting

278 0 0
                                    

CHAPTER 2: The First Meeting

Angela’s POV

Haayy..naiyak naman ako sa pag-alis ni Misha….

Andito parin ako sa airport ngayon. Naka-upo lang ako mga benches..nagmumuni-muni muna ako bago ako umuwi. Si papa may sakit, at hindi ito alam ni Misha. Ayaw ipasabi ni mommy, ang lungkot nga ni mommy ehh.. Kami lang ni Angelo ang nakaka-alam. Siguro para hindi na muna kumalat in public. Kasi kapag nagkataon eh baka mas palalain pa nung mga kalaban ni papa sa company ang sakit niya para lang mapabagsak si papa at ang kumpanya namin. I admit, we are rich, but I’m not bragging it. My father is in a real state. Pero hindi naman kami makakarating sa yaman namin ngayon kung hindi dahil na din sa sipag at pagpupursigi ng mga magulang ko. Lahat na ata ng hirap, napagdaanan nila para lang marating ang ganitong estado. Lahat naman ata nagsisimula sa maliliit ehh. Isang hamak na karpintero lang si papa noon. Kwento ni mama, nakatapos nga noon si papa ng engineering pero dahil sa kakapusan ng pamilya ni papa sa pera noon, hindi siya nakapag-exam. Si mama naman eh galing na dati sa mayamang pamilya. Nakapag-aral si mama sa France noon. Nung umuwi siya dito sa pilipinas, doon lang sila nagkita ni papa. Sakto daw na nagpaparenovate noon sina lolo at lola. Nag-apply si papa noon bilang carpenter. Pero ang papa ko dahil my pinag-aralan naman at my knowledge na nga sa mga structures kasi nga engineering naman ang natapos niya, hindi daw niya mapigilang maki-alam sa plano ng renovation noon ng house nina lolo. Ayun, hanggang sa mas nagustuhan pa nina lolo at lola yung naisip ni papa kaya siya na lang yung kinuha for the renovation. Doon lang din nalaman nina lolo at lola na may natapos pala si papa kaya pinagkuha nila noon si papa ng Board Exam. Sila na ang sumagot sa lahat. At ayun nga, naipasa naman ni papa. Niligawan niya si mama na noon naman eh nagsisimula na ng sariling niyang company at yun na nga yung company namin ngayon na A&A Beauty Salon and Company. Si mama ang nag-iisang anak noon nina lolo, kaya naman ng nanghina na si lolo ipinamana ni lolo kay papa ang kalahati ng yaman nila. Yung perang yun ang ginamait ni papa para umpisahan ang isang noon lang ay pangarap niya. Yun ay ang magkaroon ng isang kumpanya. Yun ngayon ang sikat na sikat na construction company na A&A Construction Company. Bakit A&A? Kasi na-derive yun sa name namin ni Angelo. Meaning daw nun ay “Angela & Angelo”.

HAYY!! Kapag naiisip ko lagi ang love story ni papa at mama, lagi kong iniisip na sana, magkaroon din ako ng ganung love story. Yung makahanap sana ako ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo. Kahit hindi mayaman, kahit mahirap lang siya basta mahal at igagalang ako. Ayos na ako doon.

Napansin kong magla-lunch time na pala. I need to go home na kasi baka nag-aalala na din si mama. Tsaka kailangan pang pumasok si mama sa company niya at sa Construction Company din namin, kasi nga asa mansion lang si papa ngayon, nakahiga. Nag-aalala din tuloy ako sa kanya. Pati na din kay mama na ngayon eh dalawang kumpanya ang inaasikaso. Pinipilit nila papa na mag-apply na lang daw ako at magtrabaho either sa 2 company namin. Pero naisip ko, wag na lang siguro. Anjan naman na si Angelo para mag-handle nun. 3 more years na lang naman ang hihintayin. Tapos pagbalik ni Misha, pwedeng siya na lang din ang mag-handle ng company ni mama. Kapag nagtrabaho kasi ako sa company eh siguradong magiging busy na ako. Kapag nangyari yun, paano ko na lang aasikasuhin ang magiging asawa ko? Siguro kapag ako nakahanap na ng taong mamahalin, pagsisilbihan ko na lang siya at ang mga magiging anak namin.

Tumayo na ako mula sa ikinauupuan ko. Kailangan ko ng umalis. Naglalakad ako ng dahan-dahan, hinahalungkat ko kasi ‘tong bag ko. Mukha atang nawawala yung pitaka ko? Nako, hindi pwede yun, ano ang gagamitin kong pamasahe? Kahit naman kasi may kotse kami, ayaw kong gamitin lagi. Tsaka hindi naman ako marunong mag-drive. Kawawa naman si manong aldo kung magpapa-drive pa ako eh ang tanda-tanda na niya.

“aray!”

Ang sakit ng pwit ko! Nahulog pa lahat ng gamit ko sa bag ko..sino ba kasi ‘tong lalaki na ‘to na bumangga sa akin!? Bulag ba ‘to para hindi makita ang dinadaanan niya? Speaking of ‘bulag’, nako! Yung eye glass ko din, nahagis sa malayo. Hindi ako masyado makakita! Asan na ba yun? Blurd na naman ang vision ko.

“Sorry miss” –mystery guy

“yung eye glass ko, wala akong makita. Asan na?”

“eto ba?” –mystery guy

“amin na nga!”

Sa wakas! Nakakita din. Nako! Yung mga gamit ko! Kakahiya naman! Nalaglag lahat! Dami pa nakatingin sa akin ngayon dito. Lagot kang mokong ka.

“bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?”

“pasensya na….may….may humahabol kasi sa akin na masasamang loob! Tulungan mo ako!” –mystery guy

“ha!!?? Asan? Teka nga, baliw ka na ba?”

“hindi ahh..totoo sinasabi ko. Anjan na siya!! Itago mo ako!” –mystery guy

Baliw ba ‘tong lalaking ‘to? Sayang! Ang gwapo pa man din. Hehehehe!! Ang pilya mo angela!

May lumapit sa amin na babae..isang malanding babae actually. Pero galit na galit ata ‘tong bababe na ‘to. Sa nakikita ko sa mga mata niya at facial expression niya? Mukha atang may hindi magandang ginawa ang lalaking ‘to na nasa likuran ko ngayon at nagtatago.

“iligtas mo ako” –mystery guy

“ha? Ano bang sinasabi mo jan?”

“HOYY!! Mr. Jeremy Fernandez! At sa tingin mo mauutakan mo ako huh!!??” –mystery girl

“aahhh..ehhh..sinabi ko naman sayo diba? Hindi kita gusto at hindi kita mahal. Sinabi ko din sayo na may GIRLFRIEND na ako…..”–mystery guy

Ano bang pinag-uusapan nila? At talagang sa harap ko pa!? Excuse me lang po mga tao…kailangan ko ng umalis..kaasar naman sila.

“aahh..eehhh..pwede teka lang ho? Excuse me lang. Nagmamadali na ho kasi akong umuwi.”

“AAHH!! Ganon!!?? Pagkatapos mo akong gamitin at gatungan!!?? Sino bang babae mo!? Eto!? Etong NERD at mukhang manang na ‘to huh!?” –mystery girl

TEKA…ako ba ang tinutukoy ng babaeng ‘to!!?? Aba! Hindi ata ako makakapayag na laitin lang ako ng kahit na sino. Lalo na ng babae na ‘to na ang kapal naman ng lipstick!

“ako ho ba tinutukoy niyo?”

“ay hindi te! Ikaw lang naman ang nasa harap namin diba!?? So tell me Jem! Siya ba huh!?” –mystery girl

“ahhh..OO!! Siya nga! Siya ang GIRLFRIEND ko!” –mystery guy

“HA!!??”

At alam niyo ba kung anong isinagot na lang sa kin ng mokong na ‘to!? Isang matamis na ngiti! Asar talaga! Set-up ba ‘to!? Set-up!? Pinagsasabi nila?

“AHH..so bumaba na pala ang taste mo ngayon sa isang babae!? Shocking naman yan Jem! At ikaw naman babae! Kilig na kilg ka naman jan at may natuhog kang gwapong lalaki huh!” –mystery girl

“TtT…te…teka lang..HUH! miss! For your information.. hindi……………………”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa mga sumunod na ginawa ng extranghero na ‘to sa akin! OMG!! Hinalikan niya ako! Nagulat ako sa ginawa niya! Naramdaman ko ang malalambot at matamis niyang labi…???? Matamis!!?? Erase100x!! Never no! Pero how dare him to kiss me!? Hindi niya ba alam na wala pa akong kiss!!?? Of course except sa parents ko, wala pa akong nakahalikan no! NO!!! Siya ang nakakuha ng ‘1st KISS’ ko!!

Itinulak ko siya mula sa pagkakahalik niya sa akin! At sabay sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas! Nagulat siguro siya…bagay lang yan sayo mokong ka! Namula pa ang pisngi ng loko. Buti nga!

“bastos!”

Yan na lamang ang nasabi ko pagkatapos ko siya masampal, dahil nag-walk out ako agad no. masyado ng madaming tao doon sa part namin. Baka may makakilala sa akin doon, tsaka kanina pa siguro naghihintay sa akin sina mama at papa. Kailangan ko na talagang umuwi.

Sa wakas! Nakalabas din ng airport! Sa kagustuhan kong agad ng maka-uwi, ayun! Bigla na lang akong namara ng taxi at nagpadretso ng umuwi. Kakainis talaga! Teka…yung bag ko!? Nako! Nakalimutan ko yung bag ko at yung mga gamit ko na nakalapag lahat doon sa airport! Asar talaga! Ano pa bang aasahan ko doon? Malamang madaming ng mga kamay na nanguha nun. Hayaan ko na nga lang. Ipapa-deactivate ko na lang yung mga credit cards ko sa bangko para hind na nila magamit yun at yung PHONE ko!! Nako! Hay!! Pati din pala yun andun sa bag! Eh di ano pa bang magagawa ko? Kundi bumili na lang ng bago…ayt!! Humanda ka mokong ka! Wag lang sana tayo ulit magkita kundi….malalagot ka talaga sa akin! ASARR!! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ‘to! HMMPPP!!

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon