CHAPTER 3: The Past

179 0 0
                                    

CHAPTER 3: The Past

Jeremy’s POV

HAYY! Umaga na pala..nagising ako dito sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Humiga muna ako saglit at pinagmasdan ang napaka-liit kong kwarto.

“kung mayaman lang sana ako.”

At yun nga, bumalik na naman lahat sa isipan ko ang mga ala-alang ayaw ko ng balikan..ang mga pinagdaanan namin ng nanay ko..tandang-tanda ko pa…limang taon lang ako noon pero tumatak lahat ng yun sa puso’t isipan ko. Malinaw na malinaw pa……..

FLASHBACK---

17 years ago….

“mama..huhuhu! mama asan ka po!?”

Blag!!

Naglakad ako kung saan ko narinig ang ingay na narinig ko..sumilip ako mula sa malaking ding-ding na kayang-kayang takpan ang mahina at patpatin kong katawan..at sa di kalayuan nakita ko ang nanay kong nakahandusay sa labas ng pinto ng isang panaderya..

“Misis, kung wala ho kayong pambayad eh pwede ho bang umalis na lang kayo dito? Nakaka-abala ho kayo ehh..”

“Kahit tubig at tinapay lang..parang-awa niyo na. Gutom na gutom na ang anak ko..kahit siya lang ang pakainin niyo..parang-awa niyo na……”

Umiiyak ang nanay ko habang sinasabi niya ang mga katagang yun..awang awa ako sa kanya..para lang sa akin ginagawa niya ang lahat. Pagkatapos kaming iwan at palayasin ng tatay ko dahil sa isang mayamang matanda kung saan siya sumama! Galit ako sa kanya..kung di dahil sa kanya, hindi kami maghihirap ng ganito ng nanay ko..kung di dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang nanay ko..wala akong magawa! Gusto ko siyang tulungan pero ano nga ba ang kayang gawin ng isang musmos!!?? Umiiyak na lang ako habang pinapanood ang nanay ko ng biglang……

“HOY! Ibalik mo yan patay-gutom ka!”

Nagulat ako sa mga nangyari..tumatakbo ang nanay ko habang hawak ang isang piraso ng pandesal..pero hindi nagtagal, naabutan at natumba siya..

“MAMA!”

Napalingon ang nanay ko sa akin pero, pinatigil niya ako sa paglapit sa kanya..alam kong pinapatigil niya akong lumapit sa kanya sa pagtitig niya sa akin..

“ikaw ha! Kinausap naman na kita ng maayos diba? Pero nagawa mo pang magnakaw!!?? Halika nga dito..”

Tinakpan ko na lang ang bibig ko..hindi ko na kayang tingnan ang mga nangyayari..umiiyak na lang ako ng tahimik kahit gusto ko ng humagulgol…..binubugbog na nila ang nanay ko..pero wala akong magawa!

“tama na ho..parang-awa niyo na..gusto ko lang bigyan ng pagkain ang anak ko..kung di magugutom siya..kahit siya lang ho..”

“hindi naman ho namin kasalanan misis kung bakit niyo yan pinagdadaanan diba?? Tsaka nagtatrabaho rin ho ako..ngayon kung nanakawin mo lang din yan, aba’y dapat pa ata kitang ipa-pulis niyan!”

Narinig kong may lumapit sa kanila..

“Ma-ma, tama na ho..kawawa naman na yung ale..duguan na ho siya..hayaan niyo na lang yung tinapay sa kanya..yung mama ko na lang ho ang magbabayad para sa kanya.”

“Sige..pasalamat ho kayo misis.”

“a—anak…aaa---aanong pangalan mo?”

“Angela po..ibigay niyo na ho yan sa anak niyo..mauna na po ako ale.”

“Ssaa—salamat ha?”

Lumingon ulit ako kung saan ang nanay ko pero pa-ika ika na siyang naglalakad pabalik sa akin..

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon