CHAPTER 21: Certified B*tch!

78 0 4
                                    

CHAPTER 21: Certified B*tch!

---------------------

Misha's POV

All has been set!

Hayy!! Sa wakas!

Umaayon ang lahat sa mga brilliant plans ko!!

Una, ang Allurement. I've made it to be legalized my collaboration with the OLGA.

Secondly, nagka-usap na kami ni mama. And guess what? Syempre, nung una nagulat siya na kung bakit daw ako mag-iinvest. Ehh di sabi ko naman para tulungan siya at para ibalik lahat ng mga tulong nila sa akin noon. As if! Pwe!

And lastly, akin na si Jeremy!

What can I ask for more!?

HAHAHAHA!!

Ahh hindi, may kulang pa pala....

Ang kasal namin ni Jeremy, at ang magkaroon ng isang masaya at malaking pamilya with him!

Pero madali na lang yun, AKO PA!?

(tumunog ang cp ko)

Sino naman kaya ngayon 'to?

Ohh wait! It might be my baby, missing me and drooling just to see me at this very moment!

Calling.......Angela

K!

Siya lang pala!

So what now?

Sagutin ko ba o hindi?

Sumandal muna ako sa swivel chair ko saka ko sinagot.

"Hey Angela! Anong atin?"

[Hello sis..andito ako ngayon sa Café malapit sa office mo..gusto sana kitang maka-usap. Hindi kasi tayo masyado nakapagkwentuhan magmula nung nanggaling ka sa bahay..]

"Pasesnsya ka na ah? Oo nga ehh..masyado kasi akong busy lately, alam mo na? Super dami ang appointments ko! Nakakapagod na nga ehh" syempre dapat utuin ko muna 'tong babaeng 'to.

[Ganon ba? Iba ka na kasi ehh! In demand ka na ngayon sis hahaha!]

"Sinabi mo pa Angela, nako siguro kung ikaw nasa posisyon ko sisiguruduhin kong matagal ka ng umayaw!" HAHAHA! Am I righty dear sissy?

[Ehh ikaw naman, yan ang hilig mo ehh..teka, bago ko pala makalimutan..may tampo ako sa'yo]

Tampo? Don't tell me alam na niya agad!? Though hindi naman ako takot kahit malaman nilang lahat! Mas pabor nga yun sa akin ehh..pero masyado naman atang maaga kung malalaman na niya ngayon?

"Tampo? Kanino? Sa akin? Teka, may nakalimutan ba akong event? Hindi mo naman Birthday ahh.."

[Hahaha! Wala ka naman nakalimutan..kaya lang hindi mo man lang ako sinabihan na dumalaw ka na pala sa mansyon, at na nagkausap na pala kayo ni mama]

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim..

Sus! Yun lang pala!

"Nako, sorry Angela ahh? Ayaw na kasi kita istorbohin nun..tsaka saglitan lang naman ako nun sa mansyon, alam mo na? Gaya nga ng sinabi ko sayo masyado tayong busy ngayon ehh"

[Nako okay lang..haha so paano hihintayin na lang kita dito? Miss na miss na kita ehh..miss ko na mga girl talk natin]

"Oh siya sige, tutal hindi naman ako masyadong busy ngayon" pagbigyan ko na nga lang...

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon