CHAPTER 12: The Loss

113 0 0
                                    

CHAPTER 12: The Loss

7 years Later…….

Angela’s POV

“Angela!!”

“Po?”

Papunta na sana ako kay Auntie Mila ng nakita ko na siyang palabas..

“Anak ng!”

Tapos saka niya tinapon sa akin yung mga iba pang damit na hawak niya. Tumama yun sa mukha ko.

“Ayan! Mas madumi na yan at nahulog jan sa may basing simento! Labhan mo yan ng mabuti! Mahal yan! Yan yung pasalubong sa akin ng kumare ko na galing ng ibang bansa! Imported din yan! Class A daw!” pambubulyaw niya.

“Opo Auntie.” Class A tapos imported?

“Hindi uubra sa akin dito ang tamad kuha mo!? Hindi porket asawa ka ng pamangkin ko! Eh hindi na kita pagtatrabahuhin dito kuha mo!?”

“Opo auntie, alam ko naman ho yun.”

“Isa pa! Hindi porket mayaman ka eh hindi ka na magtatrabaho dito sa bahay! Andito ka sa pamamahay ko! At hindi kami mayaman! Kaya kung buhay PRINSESA ka sa inyo! Hindi dito! Nakuha mo ba ha!!??”

Tumango na lang ako at kinuha ko yung mga damit na nahulog.

Tapos hinawaka niya ang ulo niya saka ulit nagsalita.

“Aba’y ewan ko ba jan sa pamangkin kong yan! Sa dami naman ng nagkakandarapa sa kanya! Ikaw pa ang napiling pakasalan! Wala ka kasing breeding! Sa lahat ng mayayaman na nakita ko, lahat sila halatang imported at respitado! Pero ikaw!!?? Mayaman ka nga pero mukha ka namang mahirap! Sana, ako na lang naging mayaman at hindi ikaw! Dahil mas may breeding ako kesa sayo!”

“Auntie, wala na po ba kayong ibang ipag-uutos?” pag-iiba ko na lang kesa naman sa maiyak na ako dito sa kinatatayuan ko.

“Walang respeto!” saka niya ako sinampal ng pagkalakas-lakas.

Nagulat ako don at napahawak na lang ako sa kaliwang pisngi ko.

Naiyak na ako ng tuluyan. Jeremy, umuwi ka na.

“Nako! Jan ka magaling! Ang magmukhang kawawa! Iyak ng iyak parang bata! Hoy! Hindi uubra sa akin yang kadramahan mong iyan Angela hah!”

Pinunasan ko na lang ang iyak ko at saka umupo at humarap mga labada.

“Hay ewan ko ba! Hindi mo na nga mabigyan ng anak ang pamangkin ko! Dagdag problema ka pa dito! Pabigat! Sana naghanap na lang kayo ng ibang matitirhan no! Si Jeremy naman kasi! Ang tigas ng ulo! Sabi kapag naka-ipon na lang daw siya magpupundar ng bahay niyo at least daw pinaghirapan na eh kung tutuusin isang sabi mo lang naman sa tatay mong baldado na eh sigurado akong may mansyon na kayo agad! Hay buhay! Nakaka-init kayo ng dugo! Tapusin mo na yan lahat at dali-dalian mo! Magluluto ka pa at maglilinis ng bahay! Ang kupad-kupad! Aalis ako kaya wag kang maninira ng mga gamit dito kung hindi makakatikim ka ulit sa akin! Bwisit!”

Saka siya tuluyang umalis at binalibag ang pinto.

Naiyak na naman ako.

Gusto kong humagulgol.

Pero hindi pwede.

Wala na ba talaga akong kwenta??

Hindi na ba talaga ako karapatdapat kay Jeremy?

Naalala ko naman yun…..

Naalala ko na naman ang anak ko…..

Baby kumusta na?

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon