CHAPTER 6: Time to Pay (Part 1)
Angela’s POV
“ma’am?”
Mahal ko na ba talaga ang mokong na yun? Kahit loko-loko parang mabait naman siya..kinilig nga ako nung buhatin niya ako sa likod niya.
“ahh…ma’am?”
Haayyy..magkikita pa kaya kami? Siya na kaya talaga? Ang lalaking mamahalin ko ng totoo?
“ma’am Angela??”
“ayy..manong, tawag niyo ho ako?”
“eh ma’am kanina pa ho ako nagsasalita dito..mukha ho atang lumilipad ang utak ninyo.”
“aahh..pasensya na ho..madami lang ho akong iniisip manong. Bakit ho ba?”
Andito na ako ngayon sa sasakyan..kanina pa pala ako wala sa sarili kakaisip sa kanya.
“eh ma’am, pasensya na ho ano, parang anak na rin ho kasi ang turing ko sa inyo..tatanong ko lang ho sana kung ano ho ang ginagawa ninyo sa ganung lugar?”
“bakit ho? Porket ho ba mayaman kami hindi na ako pwedeng pumunta sa mga ganung lugar?”
“hindi naman ho sa ganun ma’am, kaya lang kapag nalaman ho ni Madam ang tungkol dito..magagalit ho yun sa inyo..alam ninyo naman ho yun.”
“kaya nga po manong..sa atin na lang ho sana ang nangyaring ‘to? Please??”
“wala naman ho akong balak isumbong kayo..nag-aalala lang din naman ho ako sa inyo.”
“malaki na ho ako manong..don’t worry. Alam ko po kung anong ginagawa ko.”
At nakarating din kami sa mansyon..naka-uwi na kaya si Angelo at si Mommy?
Papasok na ako ng mansyon ng biglang…
“ate?” my brother said..
“ohh Angelo. Andito ka na pala. Si mom?”
“ate, saan ka galing?” so tanong din ang isinagot sa tanong ko ganon?
“ahh..nakipag-kita lang ako with an old friend. Bakit?”
“wala lang. hanap ka kasi ni dad kanina. Pumasok na kasi siya kanina sa company.”
“kahit na may sakit at nanghihina pa siya?”
“ehh alam mo naman si dad diba? Kapag ginusto niya, walang makakpigil.”
“nako naman si dad ohh..eh alam ba ‘to ni mommy?”
“hindi ehh..ayaw niya pasabi, magugulat na lang si mom kapag pupunta siya doon sa office at andoon na si daddy.”
“sige..papasok ka na ba?”
“oo, pero ate tanong ko lang..bakit hindi ka pa kasi magtrabaho doon sa company? Para naman matulungan natin sina daddy.”
“Angelo, hindi mo ako maiintindihan kahit sabihin ko sayo..”
“sige irerespeto ko kung ano man ang dahilan mo ate, pero sana..sana wag mong hayaan si ate Misha na maghandle ng lahat ng company natin.”
Nalilito ako..bakit parang ayaw nila kay Misha? Si mommy, alam kong ayaw niya kay Mish noon pa man, alam ko namang kami lang ni Dad ang may gusto kay Mish sa family na ‘to..wala namang ginagawang masama si Misha..
“bakit? Ano bang problema ninyo kay Misha? Matagal ko na yang napapansin sa inyo ni Mommy..”
“ate, hindi naman sa ayaw, pero diba? Kahit papano alam natin na hindi siya tunay na Lopez..sana naman maintindihan mo ang gustong mangyari ni mom..sige alis na ako.”
BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...