CHAPTER 15: The Tempting Encounter
Jeremy’s POV
“Mr. President!”
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Mr. Sander Montecarlo pala.
“bakit? Hindi mo pa ba nasabi lahat ang dapat mong sabihin kanina sa meeting?” naaasar talaga ako sa angas ng lalaking ‘to. Ano? Porket magkaibigan si Papa at ang tito niya? Tttsss.. Wag siyang mayabang dahil ako parin ang boss niya. Hindi din porket nag-aral siya sa ibang bansa at nagtapos siya dun ng Magna Cum Laude ehh papaboran ko na siya. Mayabang!
“gusto ko lang hong malaman kung anong masasabi niyo sa proposal ko.” Napangisi na lang ako. Ang yabang talaga! Matagal ko na ‘tong sinisante kung hindi lang siya family friend eh.
“sa pagkaka-alam ko kasi kanina dun sa board meeting na pag-iisipan ko pa diba?”
Magsasalita sana ulit siya pero hindi ko na papayagan ang insultong inaabot ko sa kanya.
“Mr. Montecarlo, inaapora mo ba ako? Kung gusto mo magpalit na lang tayo ng posisyon ehh.” Isa pa at masasapak ko na siya.
“hindi naman sa ganon Mr. President pero this problem needs an immediate solution.”
“ako pa ngayon ang hindi nakaka-alam ng mga dapat gawin? Teka nga.” Nakita ko ang secretary ko sa may hindi kalayuan. Tinawag ko.
“Sir?”
“miss Shane, pwede mo ba sabihin at ipaalam ulit sa amin ni Mr. Montecarlo kung ilang porsyento ang mga shares namin dito?”
“Sir, 24% po ang sa inyo, 15% naman po kay Mr. Angelo Lopez, at 10% po kay Mr. Montecarlo.”
“and the remaining ay kay Papa. Isama man natin yung shares ng uncle mo dito sa kumpanya ko asa amin parin ni Papa ang majority of stocks kaya naman wag kang magpaka-feeling na mataas ang posisyon mo sa iba kasi ang tingin ko lang sayo ay isang empleyado na katulad ng iba!”
Siguro naman napahiya na siya sa sinabi ko. Serves him right para naman alam niya kung saan siya dapat lumugar.
“ano? May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na I have so many important things to do sa office ko. Ganun ka-busy ang isang Presidente ng isang kumpanya kung hindi mo alam. At sa ginawa mong pakikipag-usap sa akin ng ilang minuto, sinayang mo lang ang mga pwede kong natapos na trabaho sa walang ka-kwenta kwentang childish talk.”
“Sorry Sir.” Titiklop din naman pala ehh.
“ayaw ko ng maulit pa ‘to Mr. Montecarlo. You’re going beyond your limits. Please be aware of your acts. Hindi porket si Papa nagpasok sayo dito hindi na kita pwedeng tanggalin. Hindi ka naman kawalan. Naiintindihan mo ba?” saka ko inayos ang necktie ko.
Umalis na ako. Masyado na akong nag-sayang ng oras. Siguro naman madadala na siya ngayon.
----------------------
Misha’s POV
“Miss, where’s the office of Mr. Jeremy Fernandez?” I ask.
“Ma’am, may we know your name?”
“I’m Misha Santiago.” Sabay baba ng shades ko para makita nila ng mabuti ang aking killer look.
“Do you have an appointment with the President?”
“Nah. Do I still need to set one? Pinada…..” pero hindi ko tinuloy. Mas gusto ko ata munang makipaglaro sayo Jeremy.
“I mean…..I’m his WIFE, so do I still need to set an appointment with my own property?” sabay taas ng kilay. Mas mabuting nasisindak na ang mga ‘to sa akin ano. Para masanay na sila sa akin.

BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...