CHAPTER 22: The Picture
-----------------------
Angela's POV
"Uyy Angela...."
Naalimpungatan ako....
Inangat ko ang ulo ko...
Si Jeremy pala..
"Dito ka natulog? Sa labas?"
Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko.
Nako, hindi ko din namalayan na dito na din pala ako nakatulog sa kahihintay sa asawa ko.
"Hinintay kasi kita. Hindi ko namalayan na inantok na din pala ako"
"Diba sinabihan naman na kita na mag-oovertime ako? Sana sa loob mo na lang ako hinintay. Paano kung may nangyaring hindi maganda sayo dito sa labas?" pag-aalala niya
Hindi ko alam pero may maganda din palang naidulot ang paghihintay ko sa kanya sa labas.
Dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang concern niya sa akin.
May naramdaman akong kahit konting saya sa mga sinabi niya.
"Pasensya ka na talaga. Teka anong oras na ba?"
"Ahhh...5:30am na"
Ganon pala ako katagal na naghintay sa kanya..
Pero okay lang..worth it naman. Dahil sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ulit ang pagmamahal ng asawa ko.
"Ikaw talaga, ang ginaw pa man din dito sa labas.." kasabay non ang pagtanggal niya ng coat niya sabay suot niya sa akin.
"Pasok na tayo sa loob?" anyaya niya.
Tumango na lang ako.
Ang saya ko.
Ang buong akala ko nawawala na ang pag-ibig sa akin ni Jeremy pero hindi pa pala..
Mahal parin niya ako gaya ng dati.
Hindi nagbago ang damdamin namin sa isa't isa.
"Teka, kumain ka na ba?" tanong ko habang binubuksan niya ang gate ng bahay namin.
"Oo, tapos na. Maliligo lang ako tapos mag-aayos para pumasok ulit mamaya. Ang dami ko pang dapat tapusin sa office"
"Baka naman ikaw na ang magkasakit niyan. Gusto mo ba kausapin ko si papa?" pag-aalala ko.
Nabuksan na niya ang gate namin saka siya humarap sa akin at hinawakan sa kamay.
"No need. Kaya ko pa naman. At hindi ko pwede pabayaan ang kumpanyang pinagkatiwala sa akin ng papa mo. Alam mo naman kung gaano 'to kamahal ng papa mo hindi ba?"
Tumango na lang ako.
"Tara na?" ngumiti na lang ako.
Nauna na siyang pumasok sa loob.
Sumunod naman na ako pero napatigil ako..
Tumunog ang cp ko.
Tumigil muna ako saka tiningnan ang telepono ko.
Unknown number ang nagtxt sa akin.
Ng buksan ko..MMS message pala.
Binuksan ko ang message sa akin.
Biglang nanginig ang mga kalamnan ko sa nakita ko....
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Tama ba 'tong nakikita ko ngayon?

BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...