CHAPTER 18: Angela, Misha, and Alyson
Angela’s POV
[Hello girl? I just want to remind you about your check-up tomorrow okay?]
“oo naman girl. Hindi ko nakakalimutan. Kita na lang tayo bukas ha?”
[stress ka ba lately?]
“nako! Hindi naman. Bakit mo nasabi?”
[nahahalata ko kasi sa boses mo. Payo lang girl ahh..kung gusto niyong maka-buo ni Jeremy eh wag ka niyang ini-stress.]
“hindi naman siya ehh.”
[sino? Yung lokaret niyang tiyahin!!?? Nako! Tawagan mo lang ako kapag inaapi ka niya! BFF tayo no!]
“nakakatawa ka talaga ever!” pinipilit kong tumawa at maging masaya pero…….hindi ko ata kayang maging plastic sa kaibigan ko.
[o siya sige..wag mo ng pilitin kasi alam ko namang masama ang pakiramdam mo ngayon. I-tulog mo na yan. Wag mo kalimutan bukas okay? Bye!]
At pinatay na nga niya ang linya..hhaayy!!
Tiningnan ko ang oras sa wall clock namin. 9pm na pero wala parin si Jeremy. Asan na ba siya? Nag-over time kaya siya?
Natuon ang pansin ko sa isang blankong bond paper. Naalala ko yung sketch book ko.
Tama! Hihintayin ko na lang siya dito sa kusina at habang naghihintay, aaliwin ko na lang muna ang sarili ko.
As always, ang hobby ko….ang pag-i-sketch ng kung ano-ano pero mas gusto kong nag-i-sketch ng mga heels. Para kasing mas gumagaan ang loob ko kapag ginagawa ko yun.
Ito na lang muna gagawin ko habang naghihintay kay Jeremy.
Umupo na ako at kinuha ang pencil at yung sketch book ko. Mas maganda na din muna ‘to.
-----------------------------------
Misha’s POV
“so how’s your 1st day dito sa Pinas bff??” Chantal asked.
“well..ang daming nangyari ngayon ehh. Teka nga, ubos na pala ‘tong wine sa baso ko eh. Lagyan mo pa nga.”
“amin na. So magkwento ka naman. How’s life sa France? Nako! Sikat na sikat ka na ahh. Ang yaman mo pa. Tapos sa tanang buhay ko ngayon lang ako natuntong sa isang mamahaling hotel gaya nito!! Big time na ang bff ko ahh. Balato naman jan!”
“pwede ba? Wag ngayon! Mainit ulo ko.”
“oh eto na yung wine mo. Bakit naman mainit ulo mo? Masisira beauty mo niyan!”
“eh papano naman kasi? Itong Alyson na ‘to!!”
“you mean MISS ALYSON NICOLE MONTECARLO!!?? The very beautiful ang talented ALYSON!!?? Oh my!! Bakit? What happen?”
“fan ka ba niya ha!? Gusto mo siya na lang bestfriend mo ehh. Go!!” then I rolled my eyes. Nakaka-irita na ehh!
“sorry naman. O bakit ba siya?”
“kinakalaban niya kasi ang kumpanya ko! The nerve of that woman!”
“pero diba she is the famous shoe designer of the country? Eh diba make-up artist ka? Connect bff?”
“oo nga! But don’t ever forget that those two jive together. Ngayon hindi talaga natin maiiwasan na magkabanggaan kami!”
“nako! Alam mo ba na pinag-iipunan ko yung isang sapatos nila. Worth 1M kasi! Ang mahal pero gusto ko magkaganon! Ipagyayabang ko yun no!”

BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...