CHAPTER 20: Angela's Sorrow
Angela's POV
Sabado ngayon..
Hayy...
Napabuntong hininga na lang ako.
Ngayon ang araw na pinangako ni Jeremy na lalabas kami at dadalawin sina Mama at Papa..
Pero hindi ba dapat matuwa ako ngayon?
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Hanggang ngayon kasi hindi parin nawawala sa isip ko ang nagawa ng asawa ko.
Alam kong hindi sapat na ebidensya ang nakita ko para pagbintangang nangangaliwa ang asawa ko pero hindi parin maalis sa akin na hindi isipin na baka tama din ang kutob ko.
Sa tutuusin, sino ba namang asawa ang hindi magloloko sa misis niya kung hindi niya kayang bigyan ito ng pamilya?
Pero hindi ehh, hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Jeremy....
Oo, inaamin kong loko-loko siya noon sa babae pero yun ay dahil sa yun ang trabaho niya noon. Atsaka, nagbagong-buhay na siya.
I feel so hopelesss and useless!
Ganito na ba ako walang ka-kwenta!?
Naiinis ako sa sarili ko!
Mahal na mahal kita Jeremy, sana wag mo akong saktan....
Sana mali ang kutob ko....
"Angela? Tapos ka na ba mag-ayos?" si Jeremy, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala at nakatingin lang sa salamin.
"Ahh oo. Tapos na ako kanina pa, may iniisip lang ako"
Lumapit siya sa akin mula sa pagkakatayo niya sa pinto. Saka siya tumayo mula sa likuran ko atsaka niya ako niyakap sa likod. Ipinatong niya ang mga baba niya sa balikat ko saka siya muling nagsalita.
"Ano naman ang iniisip mo? Ehh bibisita naman na tayo sa mga magulang mo. Mejo matagal-tagal din ng huli mo silang makita"
"Wala, iniisip ko lang kasi kung paano si auntie dito? Syempre mejo matagal-tagal din tayo mag-i-stay don. Baka mamaya kung mapaano siya"
"Matanda na si auntie, ano ka ba? Pati ba naman siya iisipin mo pa? Alam na niya gagawin niyan ano"
saka siya kumawala ulit sa yakap niya sa akin at tumungo na ulit sa may pintuan.
"Dalian mo na jan, hintayin kita sa sala" tumango na lang ako.
Jeremy, wag mo akong sasaktan...mahal na mahal kita.
-------------------
Jeremy's POV
Tatlong araw na ng may nangyari sa amin ni Misha, magtatatlong araw na din na laging matamlay si Angela.
Teka? hindi kaya nakaka-amoy na siya na may namamagitan sa amin ng kapatid niya?
Pero hindi naman ako nagpapahuli ehh...wala naman akong maisip na nagawa ko para mahuli niya ako.
C'mon Jeremy! Wag ka nga mabaliw sa kakaisip jan! Malamang masama lang talaga ang pakiramdam niya ngayon.
There's no way to find out ng iba, lalo na si Angela ang tungkol sa relasyon namin ni Misha.
At isa pa, bakit ako matatakot? Ako ang lalaki dito. At dahil din naman sa kanya kaya ngayon nangyayari 'to sa relasyon naming mag-asawa.
Siya ang nagkulang, kaya siya dapat ang gumawa ng paraan para mahulog ulit ang loob ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...