CHAPTER 5: Falling in LOVE
Angela’s POV
Ang sakit na ng paa ko! Sabi ng mokong na ‘to na hindi malayo tapos ang layo-layo naman! Wag lang sana tubuan ng kalyo ‘tong paa ko..kaasar!
“ahh….Mr. Jeremy, malayo pa ba?”
“bakit? Masakit na ba yang paa-mayaman mo?”
Ay hindi! Kung alam mo lang ano..
“hay..sabi ko na nga ba..kahit anong simple ang isang heredera..lalabas at lalabas parin ang pagiging maarte nito..hindi ka sanay sa malayong lakaran ano?”
“kahit sino naman sigurong tao ang hindi nakasanayan ang malayong lakaran eh sasakit ang paa no..”
“ok..sabi mo ehh..”
Magsasalita sana ulit ako pero…..
“aray! Ouch!”
“bakit? Anong nangyari?”
“hindi mo ba nakikita? Natapilok lang naman ho ako..”
Aakma sana akong tumayo ulit pero…
“aray!!!”
ang sakit ng paa ko..napulikat na din ata..paano pa ako makakalakad nito..asar naman!
“wag ka ng tumayo..patingin nga.”
“bakit!? May magagawa ba kung titingnan mo?? Magagamot ba yan ng tingin mo?”
Tumingin lang siya sa akin ng seryoso..ayan na naman yung tingin niya..ang gwapo ng mukha niya kapag seryoso..
“alam kong gwapo ako, tama na yang pagpapantasya mo at sumakay ka na sa likod ko..”
WHAT!!?? Ang cheesy huh! Hindi ko kaya yun..pero bubuhatin niya ako?? Okay fine..sabi mo ehh..hehehe!
“ayaw ko nga..baka mahulog pa ako no..”
Syempre dapat hindi ako pa-easy-to-get no..lalo na dito sa lalaking ‘to.
“sige..ikaw din..kapag ikaw ginabi ng uwi dahil jan..wala akong kasalanan.”
“eh bakit naman kasi iniwan-iwan mo yung bag ko sa bahay niyo diba?”
“sasakay ka ba o hindi?”
“sasakay na..eto na nga ohh..aray..dahan-dahan..”
At eto nga..binuhat niya na ako mula sa likuran niya.
“aww..ang bigat mo pala.”
Ang lapad ng likod niya..ang init din ng katawan niya.
“pag-dating natin sa bahay..hayaan mong hilutin ko yang paa mo..para kahit papano..mawala ang sakit niya..baka ipa-pulis pa ako ng tatay mo kapag pa-ika ika kang umuwi sa inyo.”
Ang gwapo niya parin kahit nakatalikod..lahat ata ng angle eh gwapo siya..
“hoy? Nakikinig ka ba? O kinikilig ka na jan? wag ka lang ma-ihi sa kilig mo huh.”
“DUHH!! Kilig!? Pwede ba? Hindi ako kinikilig no..naaasar ako sayo..kung bakit kasi naman hindi pa dinala.”
“malapit na tayo..”
At sa hinabahaba ng lakaran..pero siya lang kasi binuhat na niya ako ehh..pero kahit na..malayo parin yung nilakad ko.
Dito ba sila nakatira? Ang daming tao at dikit-dikit ang mga bahay..may mga lasinggero din sa daan..sobrang loob pa ang bahay nila?
“eto..dito ako nakatira..ang liit no? Hindi mo inaasahan no? Nakakahiya naman sa mayamang katulad mo..and for sure..1st time mo sa ganitong lugar.”

BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...