CHAPTER 4: The Start
Angela’s POV
“Kumusta na kayo? Parang ang sasaya niyo yata ahh.. yan naman ang gusto ko sa inyo. Lagi niyong pinapagaan ang loob ko. Naging maganda ba ang araw niyo kahapon? Kasi ako hindi ehh..meron lang namang nanira sa araw ko kahapon..ang EPAL! At eto pa. hinalikan daw ba naman ako!!?? Ang kapal diba?? Nakaka-asar lang..pina-ingat ingatan ko ang title kong 1ST KISS para sa taong mamahalin ko ng tapat tapos kukunin lang niya ng ganon? Hmmpp..”
Natigil ang sintimyento ko ng makita ko si Manang Lusing..siya ang pinakamatagal ng kasambahay namin dito sa mansyon..dalaga pa lang daw si mama nun nung naging katulong nila si Manang at syempre, kaya nagtagal ay dahil daw mabait at maalaga si Manang..parang nanay na din daw siya ni mommy..kaya mahal na mahal ko si manang eh..hindi ko siya tinuturing na kasambahay dito sa mansyon..
“ahh manang??”
“oh iha..andito ka pala..umagang umaga andito ka na..”
“alam niyo naman hong mahal na mahal ko ‘tong mga halaman ko diba?”
“oo naman..may ipag-uutos ka ba?”
“ahh..pakuha naman ho manang yung spray dun sa may kitchen..didiligan ko lang ho ‘tong mga halaman ko..”
“aysus..yun lang ba? Sige kukunin ko..”
“Salamat ho.”
Pero napansin kong hindi pa umaalis si manang at tinititigan niya ako.
“manang bakit ho? May dumi ho ba yung mukha ko?”
“wala iha..ang ganda mo nga ehh..saka alam mo? Ang bait mo pang anak. Magiging maswerte ang mapapangasawa mo dahil alam kong aalagaan mo siya ng mabuti pati ang magiging mga anak niyo.”
“nako ho manang biniro niyo pa ho ako.”
“hindi yun biro ahh..matagal na din ako sa pamilya niyo at halos lahat kayo ay kilalang kilala ko na..sana kahit anong dagok sa buhay ang maranasan mo….sana makayanan mo yun ha?”
“ano po bang ibig niyong sabihin manang?”
“ahh..wala..sige, kukunin ko lang yung pang-dilig mo sa mga halaman mo ha?”
“sige po..”
Ano kayang ibig sabihin ni manang?? Si manang talaga..masyado lang siguro maalalahanin..hayy..buti pa ang mga halaman ko..ang gaganda at walang problema.
“iha, anak..eto na yung spray na pinapakuha mo..”
“ay..salamat ho manang..”
“at eto pala iha ohh..may tumawag sa telepono..lalaki yung boses ehh..sabi gusto ka daw maka-usap.”
“sino daw ho?”
“hindi nagpakilala ehh..”
“sige ho..amin na..salamat ho ulit.”
At iniabot nga sa akin ni manang yung telepono at umalis na..sino kaya ‘to? Baka old friend or classmate ko before.
“Hello?”
[Hi sexy…..did you miss me?]
Sino kaya ‘to? Parang bastos or prank caller lang? o di kaya……
“sino sila?”
[nakalimutan mo ako agad? Nakakalungkot naman..kasi ikaw? Hindi kita nakalimutan..lagi ko pa ngang iniisip yung mukha mo.]
“pwede ho ba? Kung wala lang kayong magawa sa buhay wag kayong mangdamay ok?”
Ibababa ko na sana pero muli siyang nagsalita.

BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...