CHAPTER 14: Certified PLASTIC
Angela’s POV
“MISHA??”
Si Misha nga…..hindi ako nagkamali.
Si Misha! Ang kapatid ko!
Na-miss ko siya ng sobra!!
Parang naiiyak na naman ako..
Na-miss ko ang bestfriend ko!!
“Yes…………………………..did you miss me?”
Ngumiti siya sa akin kaya naman napatakbo na lang ako sa kanya at niyakap siya ng napakahigpit. Yumakap din siya sa akin.
Matagal din akong walang balikat na pinagsandalan.
Parang lahat ng sama ng loob ko nailabas ko..
Humagulgol na ako sa kanya……
“Mi—sha”
“Kumusta na Angela?”
Kumawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya. Tapos tiningnan ako sa mata. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso..nahihiya ako..nakita niya ako na ganito ang kalagayan.
“O-okay la-lang naman ako….” Kinakapos pa ako sa hininga na sumagot sa kanya..
“totoo?” tapos para akong bata na yumakap at humagulgol ulit sa kanya……na-miss ko talaga siya.
“maybe, dapat uminom ka na muna ng tubig? Para makapag-usap tayo ng maayos?”
Tumango na lang ako..tama siya…paano kami makakapag-usap kung hindi ako maka-salita ng maayos dahil sa iyak ko.
“tara….pa-pasok na muna ta-tayo sa loob.” Umiiyak parin na sabi ko… Misha…..salamat narito ka..nadadamayan mo ako.
---------------------
Uminom na ako at nahimasmasan….tumigil na din ako sa pag-iyak..maayos na ulit ako..
“kailan ka pa bumalik bff??” tanong ko. Namiss ko talaga si Misha ng sobra..
“kanina lang naman actually.”
“alam na ba nina Mom at Dad na andito ka na??”
“hindi pa…..ikaw kasi talaga gusto kong unang makita ehhh..gusto kasi sana kita i-surprise pero unfortunately, mukhang wrong timing ako at ako pa ang na-surpirse.”
Nako..nakakahiya naman. Nakita niya pala lahat ng yun..
Magsasalita na sana ako ng unahan niya ulit ako magsalita.
“bakit ka pumapayag na ginaganon ka dito sa bahay na ‘to? Kung tutuusin..pwede naman na kayo bumukod diba?”
“yan din sabi ni Mom Misha pero ayaw ko..gusto ko kasi sa bahay ng asawa ko ako tumira at gusto kong pagsilbihan siya.”
“pero kinakawawa ka dito..ideal ang gusto mo eh hindi naman ideal ang pagtrato sayo dito?”
“nako..hayaan mo nay un. Ito yung 1st time na nangyari yun kaya nga pati ako nagulat. May…..may nagawa lang talaga akong mali kaya nagalit na sa akin si Auntie.” Pagsisinungaling ko.
“ganun? So ikaw pa pala may kasalanan ngayon?”
“parang ganun na nga..” tapos inabot ko na sa kanya yung juice na ginawa ko.
“pasensya ka na. Yan lang maibibigay ko sayong miryenda….wala kasing iniwan sa akin na pera si Jeremy ehh.”
“okay lang..buti pa nga juice ‘to ehh.”

BINABASA MO ANG
Wife's Seduction
RomanceWhat would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if you have a bestfriend/sister that is willing to be an instrument for your fall? Are you willing to give the crown? Or you'll take the risk and...