CHAPTER 02
DJ'S POV
"Ganyan na ba kadali sayo lahat DJ? Isang sorry lang?"
Nakakarindi na ha? Nagsorry na nga ako pero abot naman ang salita dito daig pa nanay ko. Nakakainis. Kaya tumalikod ako tapos sinaraduhan kong pinto. Yaan mo siya. Di naman ako matitiis nun eh. Nga pala, ako si Daniel John Perez. DJ for short. Alam mo, di ko naman kasalanan kung hinahabol ako ng mga chix diyan eh. Di naman sa pagmamayabang, eh may itsura talaga to tsong. Hahaha.
Girlfriend ko nga pala si Kathryn Buendia, Kath for short. Maganda, morena, mahaba yung buhok, tapos mukhang Barbie. Ganda nga eh. Pero parang halimaw pag nagalit. Haha!
Kinaumagahan...
6am.
*1 new message*
Good morning sweetie. Meet me in MOA later? K?
9am sharp. K? See ya there. ;)
H..haa? Sino naman kaya to? Pa-sweetie sweetie pa! Haha. Matingnan na nga lang mamaya. Sinave ko nalang yung number. Pinangalan ko, "S." Haha! Wala lang. Di ko alam pangalan eh.
Bakit ako pupunta? Wala lang. Walang magawa sa bahay eh. Tsaka... Di pa talaga kami okay ni Kath. Di naman sa gumaganti pero masakit padin lahat.
Kain. Bihis. Ligo.
Around 8:30, nandito na ko sa MOA. Tumingin tingin muna ko ng mga damit sa BUM. Kagaganda ng damit dito ah. Pogi pa nung endorser. Kamukha ko nga eh. Sana ako nalang yung nilagay dito! Haha! Biro lang.
Naglalakad lakad ako papunta sa Shawarma House. Nakakagutom eh. Hehe. Nang biglang may humatak sakin at kiniss ako sa cheeks.
Pagtingin ko. Parang ka-age ko lang tapos mahaba yung buhok tsaka mapungay yung mata. Nagulat naman ako. Di ko to kilala. Pero familiar.
DJ: Ampu... Sino ka?!
Girl: Ano ba sweetie! Ako to!
DJ: Ikaw yung nagtext sakin kaninang umaga??
Girl: Uh. Yes. Don't you remember me? Nagkita tayo sa party nung kaibigan ko!
DJ: Party?
[ Flashback ]
Yeah sayaw tayo! Tugs tugs tugs! Haha! Grabe! Ang saya dito! Muntik na nga akong di payagan ni Kath na pumunta dito eh! Sus! Buti nga nagpaalam pa ko sakanya. Di tulad nung ginawa niya sakin noon!
Pero siyempre, minsan lang makipag-party. Kaya dapat i-enjoy na! Yeah! Let's party! Hahahaha.
Napagod ako. Kaya umupo muna ko. Pool party kasi to eh. Kaya yung upuan, basta yung pang-bar pati yung table. Yung mataas. Yung ganun. Haha. Inom tayo? Konting tanduay lang naman eh. Haha. May lumapit na girl sakin. Ganda. May hawig siya kay Kath.
Girl: Alone? (sabay upo sa harap ko)
DJ: Uhh. Hindi. (tagay) Sino ka ba?
Girl: Hi. I'm Kryzel. (offer a handshake) And you are?
DJ: (smiles) I'm DJ.
[ End of flashback ]
Nako patay. Sa'n kaya nakuha yung number ko nito? Binigay ko ba noon? Di ko yata matandaan. Hehe!
Hayaan na nga. Inaya niya ko sa isang kainan dito. Treat niya daw. Pero siyempre, hindi ko hinayaan. Pangit naman yun eh. Babae pa magbabayad.
Tinignan ko yung phone ko. Ang daming missed calls. Puro kay Kath. Tsk. Ano nanaman problema nito at tumatawag? May tampo pa ko sakanya. In-off ko muna yung phone ko. Baka mag-away nanaman kami pag nireplyan ko.
Inaya rin ako ni Kryzel magsine. Pumayag naman ako. Mukhang maganda yung palabas eh. Tsaka tinatamad pa kong umuwi. Samahan ko muna 'to. Namilit eh.
Nung nasa sinehan na kami. Grabe naman tong babae na to! Kung anu ano na ginagawa sakin. Oh teka teka! Wag mag-isip ng kung anu ano. Haha. Feeling niya kasi, girlfriend ko siya. Eh kaibigan ko lang naman siya at kaya ko siya sinamahan kasi nagtext. Yun lang yun. Hanggang matapos yung palabas. Umalis na kami kagad doon. Nakokonsensya na ko eh.
Nagpasama siya na bumili ng cake. Birthday daw kasi ng kapatid niya. Kaya pumunta na kami sa Red Ribbon. Nagtingin tingin siya ng cake at napili niya yung moose. Something ganun. Haha. Binili na niya at nandito kami sa exit ng Red Ribbon. Nakatayo. Bigla siyang humarap sakin.
Kryzel: Sweetie, thank you ha? (sabay lapit ng mukha)
Bigla naman niyang kong kiniss sa cheeks. Nakatingkad pa nga eh. Nagulat ako. Shet pare. Makita 'to ni Kath. Patay tayo jan.
"DJ !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Paglingon ko sa gilid ko..
O_____o
Ganyan na ganyan yung mukha ko! Tsk. Pano ba naman kasi. Nakita ko si Kath. Nakatayo dun. Mga 5 meters away samin. Nakatingin samin. Galit na galit!
Nako! Patay tayo neto! Tsk! Nagsimula na siyang maglakad papunta samin. At nung nakalapit na siya, una niyang tinignan si Kryzel. Grabe. Kitang kita ko sakanya na maluha luha siya. Hanep. Nasasaktan ako.
Kath: So ganito na tayo ngayon DJ?! Oo alam ko mali ako noon pero bakit ganito ka nanaman?! Ang sakit sakit na! Oh para sayo! (sabay bigay nung cake) HAPPY MONTHSARY ha?!! *pak* (sampal sabay talikod)
DJ: Kath! Let me.......
Pucha! Nakakainis ka DJ!! Dapat hinabol mo si Kath! Napahawak nalang ako sa pisngi ko na sinampal niya.
Teka? Monthsary? Ano ba ngayon? Ay!! Anak ng pu... Nakalimutan ko! Badtrip naman oh!! Tumakbo na siya. Wala na siya. Di ko alam gagawin ko. Na-stuck na ko dito. Eto namang si Kryzel umalis na. Mukha akong tanga dito sa labas ng Red Ribbon. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Grabe. Ngayon ko lang nakita si Kath na ganun.
Ano ba naman yang nagawa mo DJ?! I'm sorry Kath... Happy monthsary.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge (Kathniel)
FanfictionPrologue Binigay mo na lahat, pero parang nagkulang parin. Minahal mo nang lubos, pero sinaktan ka naman. Nagtiwala ka ng sobra, pero sinira naman. Nangako siyang di ka niya iiwan, pero ginawa na niya. Babalikan ka daw niya, umasa ka naman. Per...