CHAPTER 1
KATH'S POV
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong iba!"
"Huling huli na kita! Umamin ka na kasi!"
"Wala nga sinabi eh!"
"Meron! Meron!"
"Oo na! Meron na kung meron! Pero siya yung naghahabol! At hindi ako!"
"Ine-entertain mo naman!"
"Hindi naman sa ganun. Pero. Ughh. O, sorry na Babe." Sabay hawak sa kamay ko.
"Ganyan na ba kadali sayo lahat DJ? Isang sorry lang?"
"Bahala ka nga sa buhay mo Kath! Nagso-sorry na nga ako eh! Atleast ako, hindi ako nakikipagyakapan!" (sabay talikod at labas ng pinto)
*BLAAGG!!!*
Nakakainis na talaga oh! Siya yung may kasalanan tapos ganito pa! Tapos isusumbat nanaman yung noon! Haist! By the way, I'm Kath Bernardo. Boyfriend ko yun. Si DJ Padilla. Ganito nalang kami lagi. Every month iba iba yung pini-flirt niya. Or nagfli-flirt sakanya. Ay ewan! Nakakainis!
Wala naman akong magawa kundi ayun, hayaan siya sa gusto niya! Eh mahal ko eh. Ang mahalaga, hindi niya ko iiwan. Kaya ayos lang sakin yung mga ginagawa niya. Ano ba yan! Tanga na kung tanga. Tawagan ko na nga.
*Calling Babe ...
"Hello DJ?"
[ O ba't ba?! ]
"Sorry na oh."
[ Ewan ko sayo Kath ]
"Uy. Sorry na talaga."
[ Tss. Okay okay. ]
"Okay na tayo??"
[ Oo. Ge. Matutulog na ko. Dito na ko sa bahay. ]
"Aga naman? 6 palang ha?"
[ Wala ako sa mood makipag-usap. Bye. ]
"I love you."
[ Love you too. ]
*call ended*
Alam ko namang galit pa yan sakin eh. Pero hahayaan ko munang magpalamig. Ang hirap talaga kasi makipag-away.
Kinaumagahan...
Nagpaalam ako kay Mama na pupunta sa Mall. Bibili kasi ako ng cake. Surprise ko kay DJ. Dahil monthsary namin ngayon. Pang-6 namin. Kaya eto, kain, ligo, bihis. Charaaan! Tapos na kong gumayak kaya lumabas na ko sa subdivision namin para makasakay ng Taxi. Nakalimutan ko kasing magpatawag eh. Hehe.
Tinatawagan ko si DJ para batiin sana pero di niya sinasagot. 9am na ha? Di pa kaya gising yun? Impossible. Baka tinatamad lang magtext. Hayaan na nga natin siya. Magtetext naman yun kung gusto niya eh.
Sa tingin ko, nag-iisip kayo kung bakit ganyan na sakin si DJ. Lagi ko naman siyang iniintindi. Lahat ng gusto niya sinusunod ko. Pero di naman kami ganito noon eh.
Noon, tinuturing niya kong prinsesa. Lahat ginagawa niya sakin. Pero dahil sa isang pagkakamali ko akala niya niloko ko siya. At dahil dun, bumalik nanaman siya sa pagiging bad boy.
[ Flashback ]
Magkasama kami ngayon ni DJ dito sa bahay namin. Nagmo-movie marathon lang kaming dalawa. Pakain kain ng chips. Inom inom ng ice tea. Hahaha! Nang biglang tumunog yung phone ko...
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge (Kathniel)
FanficPrologue Binigay mo na lahat, pero parang nagkulang parin. Minahal mo nang lubos, pero sinaktan ka naman. Nagtiwala ka ng sobra, pero sinira naman. Nangako siyang di ka niya iiwan, pero ginawa na niya. Babalikan ka daw niya, umasa ka naman. Per...