Chapter 28

9.4K 136 7
                                    

CHAPTER 28

KATH'S POV

"Okay lang ako. Naka-move on na kaya ako!"

Isang buwan ko na sinasabi yan simula nung umalis si DJ. Para na nga akong sirang plaka kakasagot niyan sa mga nagtatanong sakin kung kamusta na ko. Kamusta na yung feelings ko para kay DJ. Pero tulad ng sirang plaka. Masyado nang gasgas yang mga katagang sinasabi ko. Ibang iba sa sinasabi ng puso ko.

Sana nga, ganun nalang kadali makalimot. Pero sinusubukan ko naman eh. Sanay naman ako na wala na si DJ sa tabi ko. Isang bagay nalang yung kailangan kong gawin. Yun yung, wag nang umasa na magiging kami pa ulit. Naging magkaibigan parin naman kami dati eh. Sana, yung "Friendship" man lang namin, matira.

Pero simula't sapul na umalis si DJ. Isang tao lang naman ang hindi nang-iwan sakin. Siya si Katsumi. Ang nag-iisa kong brader.

*Katsumi calling...

"Yow brader? Bakit?"

[ Kath, anong oras na? ]

"Malay ko. La akong orasan eh. Hahaha!"

[ Hay nako. Sa pagkakaalam ko, mag-e-enroll tayong dalawa ngayon eh. 9 na oh. ]

"Eh sa pagkakaalam ko rin eh, dapat susunduin mo ko dito sa bahay namin eh? 9 na oh. Haha!"

[ Nakagayak ka na ba kasi?? ]

"Kanina pa po. Iniintay ko na nga yung helicopter ko eh. Haha."

[ Baliw! Haha. Sige na. Papunta na ko. ]

"Madali ka!"

*call ended*

After 20 minutes. Nandito na si Brader. Haha. Ang tagal. Dati, 10 minutes lang, nandito na to pero ngayon. 20? Sabi niya, traffic daw. K. HAHA!

At ngayon, nandito na kami sa *KDJ Academy*.

Dito ako nagsimula mag-school nung 2nd year kami. Dito ko na-meet si Katsumi. Si DJ. Pero ngayon, kami nalang ni Katsumi yung natira. Iniwan na kami ni DJ. Tsk. Solid magkakapatid pa naman kami.

Lalo na tong si Katsumi! Siya pala nagpe-prepare nung mga surprises sakin ni DJ. Nakakapagtaka nga lang kung bakit lagi niyang pinag-bibigyan si DJ eh.

Ba't siya? Di siya manligaw no? Baka bakla tong si Brader. Wahahaha! Joke lang. Eh sabi nga niya, meron siyang gusto eh. Basta yung "Someone chuchu born yesterday." Hahaha!

Kumuha na kami ng form dito ni Katsumi. Nagfi-fill up na kami dito. Pagpasok namin, fourth year highschool na kami! Thank you God! Graduating na!

Natapos na kami mag-fill up. 10:30 palang. Boring naman kung uuwi na kami kagad. Kaya nagdecide kaming pumunta sa Star City. WAHAHA.

Oo na. Trip lang namin. Wala kasi kaming mapuntahan eh. Ayaw naman nitong magshopping kaya Star City nalang kami. Tinext ko na si Mommy para masabi na nandito ako kasama si Katsumi.

Maya maya, nakarating na kami dito sa...... *tenen!*

Star City!

Mukhang maaga yatang nagbukas to ngayon ah? Usually kasi, nagte-testing palang sila ng rides sa mga oras na to eh. Hehe. Kaya nagpark na kami ni Katsumi tapos tumakbo sa loob ng Star City para makakuha ng ticket! Hiyang hiya ako sa pagka-ride all you can namin. HAHAHA!

KATSUMI'S POV

Okay! Nandito kami ni Kath sa Star City. Feeling mga bata! Haha! Una namin sinakyan yung Anchor's Away.

Sweet Revenge (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon