CHAPTER 25
DJ'S POV
Isang linggo na rin nakakaraan matapos umamin sakin si Kath. Pagod na ko. Ayoko na sa lugar na to. Everything about here reminds me of Kath. And it's killing me.
By tomorrow siguro makakaalis na ko papuntang Singapore kung nasan sila Mama. Dun nalang ako mag-i-stay. Mahirap maging loner dito sa bahay. May kasama naman ako. Pero si Yaya lang.
Si Katsumi naman, di na nagpaparamdam sakin simula nung sinabi ko yung kay Kath. Masyado namang taranta yun nung sinabi kong iniwan ko si Kath. Tsss. Last na to. Magmu-move on na talaga ko.
Di ko na sisirain buhay ko. Sapat na siguro yung sakit na naramdaman ko para matauhan na ko ng tuluyan. Siguro nga, hindi talaga kami ni Kath para sa isa't isa.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko si Katsumi nakamotor, papunta sa direksyon ng bahay nila Kath. Ba't naman kaya pupunta dun yon?? Ma-text nga.
To: Katsumi
Hey. Nakita kita papunta kala Kath. Eh bakit ka pupunta pre? Reply nga.
After 5 minutes...
From: Katsumi
Sorry late reply pre. Kakababa ko lang dito kala Kath. Ano kasi, uhm, nilagnat siya. 5 days. Sobrang taas nung lagnat niya. Dapat kasi papa-ospital siya pero ayaw niya. Kaya eto, magaling na siya. Medyo konting pahinga pa. Na-depress daw kasi.
To: Katsumi
Ahh. Ge.
Ang plastic ko. Kung makasagot naman ako ng AHH GE. Akala mong di nag-aalala. Tss. Pero siyempre, dapat, first step yan para maka-move on. Hmm. Igagayak ko na nga yung gamit ko. Kating kati na ko makaalis sa lugar na to!
KATH'S POV
Matagal tagal din akong inapoy ng lagnat. Sobrang naulanan daw tsaka depression. Tss. Broken hearted kasi ang peg ng lola mo. Tuwing maaalala ko yung nangyari last week, hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Tapos ngayon? Hindi man lang magparamdaman si DJ sakin. Di ko na tuloy alam nangyayari dun. Tuwing tatanungin ko yung P5, ayus lang daw si DJ. (P5- Parking Five)
*knock knock*
Kath: Pasok po.
Mommy: Anak, may bisita ka. Nasa sala si Katsumi.
Kath: Ay talaga po? Sige po Mommy. Bababa na po ako.
Nag-suklay lang ako ng konti. Nakahiga kasi ako dito sa kwarto ko kanina. Nagmumuni muni. Bumaba na ko ng hagdan... At nakita ko na si Katsumi na nasa sala. May dalang ice cream.
Katsumi: Uy. Ayus ka na ba?
Kath: (kakaupo lang) Oo naman. Salamat nga pala ha?
Katsumi: Sa'n nanaman? Hilig mo bang magpasalamat.
Kath: Sabi kasi sakin ni Mommy kahapon, hindi ka daw nawala sa tabi ko nung may lagnat ako.
Katsumi: Siyempre naman. Aalagaan ko yata yung mahal-- Yung MAHALaga kong kaibigan. Hahaha!
Kath: Sus. Nambola pa.
Lumapit naman sila Ate Vicky para kunin yung ice cream at ilagay sa lalagyan para makain namin. Kinuha naman ni Katsumi yung phone niya. May nagtext yata... Maya maya, napailing siya.
Kath: Bakit ka umiling? May problema ba?
Katsumi: Ha? Wala wala.
Kath: Nako Katsumi! Naglihim ka pa sakin. Ano ba yun?
Katsumi: DJ kasi.
Kath: Ha?? Anong meron kay DJ?? O.o
Katsumi: Wag kang iiyak ha? Ano kasi, sinabi ko yung nangyari sayo. Sabi lang niya, "Ahh Ge."
Kath: Ahh. (teary eyed)
Katsumi: Sabi nang wag iiyak eh.
Kath: Wala na siyang paki sakin?
Katsumi: Hindi naman siguro...
Kath: Wag mo nang ipagtanggol.
Katsumi: Kumain ka nalang oh. (sabay abot nung ice cream)
Oo nga! Ikain nalang to! Buhay nga naman. *sigh*
KATSUMI'S POV
Loko loko talagang DJ to. Parang wala nang pakialam kay Kath. Tss. Ano na kayang balak nito sa buhay? Eto, nagdradrama nanaman sakin si Kath habang kumakain.
(play the song ~)
Kath: Ikaw ba?
Katsumi: Anong ako?
Kath: Naranasan mo na bang masaktan?
Tsk. Nasamid ako ng konti dun. Kung alam mo lang Kath kung ilang beses ko nang naranasan masaktan ng dahil sayo.
Katsumi: Oo naman no.
Kath: Huuuuy! Ang daya! Kanino???
Katsumi: Siyempre, di mo kilala. Haha.
Kath: Wehh? Ba't di mo sinabi sakin?? Akala ko ba, mag-brader tayo?
Katsumi: Ehhh wala naman. Nakakahiya kase? Haha!
Kath: Kaarte! :D Kanino na, dali?
Katsumi: Ummmm. Tsaka ko na sasabihin noh? Baka maiyak pa ko. HAHA!
Kath: OA mo naman. Haha
Katsumi: Siyempre no! Hanggang ngayon kasi! Mahal ko pa siya!
Kath: Aba! Aba! Stick to one! Who's that pokemon ba??
Katsumi: Secret. Someone that was not born yesterday.
Kath: (nganga gesture)
Katsumi: Haha! Makikilala mo rin yun! Basta ang alam ko, mahal na mahal ko siya at hinding hindi ko siya iiwan kahit hindi niya ko mapansin. Pero handa akong maghintay kung kelan niya ko mamahalin.
Kath: Awww. Sobrang lucky nung girl ha? Wag kang mag-alala brader! (sabay akbay) Balang araw! Mamahalin ka rin nung babae na yun!
Tiningnan ko naman siya. Mata sa mata, sabay sabing...
"Sana nga Kath, balang araw, mahalin niya rin ako."
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge (Kathniel)
FanfictionPrologue Binigay mo na lahat, pero parang nagkulang parin. Minahal mo nang lubos, pero sinaktan ka naman. Nagtiwala ka ng sobra, pero sinira naman. Nangako siyang di ka niya iiwan, pero ginawa na niya. Babalikan ka daw niya, umasa ka naman. Per...