Chapter 19

10.3K 207 8
                                    

CHAPTER 19

KATH'S POV

8am. Kakagising ko lang. Di ko alam. Ang bigat ng pakiramdam ko. Diba dapat masaya ko? Kasi kasama ko yung taong mahal ko na nagcelebrate ng birthday ko. Pero iba eh, ang bigat bigat. Haaay. Pero grabe talaga kagabi, muntik na kong mabuking.

FLASHBACK <<

10 pm

DJ: Kate, hatid na kita sainyo?

Kath: Osige ba. Thank you ulit DJ ha?

DJ: Wala yun Kate.

Umalis na kami ni DJ pauwi ng bahay. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo yung nag-iisa sa puso mo. Tuwing ngingiti siya, nawawala yung sakit na binigay niya sakin. Ganito ba talaga kita kamahal? Tss.

Nasa daan na kami papauwi nang biglang nagsalita nanaman si DJ.

DJ: Haaay Kath, kamusta ka na kaya?

Kath: Nababaliw ka nanaman. Haha.

DJ: Matagal na kong baliw. Haha. Teka nga, ano nga pala pangalan nung Ex mo?

Kath: H...ha? Ehh basta.

DJ: Madaya!! Sino kasi??

Kath: Si ano... S...si... JD. Oo si JD nga. Hehe.

DJ: Ah. Kasing pogi ko ba? *wink*

DJ naman eh! Wag ganyan. Mahina kalaban eh!

Kath: Maglubay ka nga. Haha.

DJ: Pinapatawa ka lang naman eh. Teka, san ka nga pala nakatira?

Ay shemay KATH!!! San ka nga pala nakatira?!! Magpapahatid ka sa bahay niyo?!! Nawala naman sa isip ko na si Kate nga pala ko. Ano ba yan. Pano na to??

Kath: Uhm, starbucks muna tayo!!

DJ: Ha? Ayaw mo pang umuwi?

Kath: Oo, ayaw ko pa. Dali na. Dun muna tayo. Hehe.

Ang talino mo talaga Kath kahit kelan!

DJ: Alam ko naman na gusto mo pa ko makasama, pero Kate— Aray naman! Sinabi ko bang kurutin mo ko?? Hmp!

Kath: Daldal mo eh. Haha.

After namin mag-starbucks, sabi ko sakanya na wag na niya kong ihatid kasi pupunta pa ko sa bahay ng kaibigan ko. WEH. Ang kulit nga eh. Pero atleast napapayag ko. *sigh*

END OF FLASHBACK

Haaay! Ang lamig parin ng simoy ng hangin. Haha. :D Makalabas nga muna ng bahay. May bench naman dun eh. Tapat ng mga flowers. Makatambay nga muna.

Lumabas na ko at umupo sa bench. Tumitingin ng mga dumadaan. Haha. Uuwi na nga pala si Mommy bukas! Yehey! Magce-celebrate kami.

Si Julia ba? Kelan uwi? Ay ewan. Ba't ba kinakausap ko sarili ko?? Tapos mukha akong ewan dito. Naka-panjama pa ko. Ni hindi pa nga ako nagsusuklay eh. Haha. :p

Wait....

Parang kilala ko yung papalapit na yun ah??

Ay shet!! Takbo!!!

DJ'S POV

Pagmulat ng mata ko, una kong nakita yung picture namin ni Kath na nakawacky na nakasabit sa wall ko. Ano ba! Kaagang kadramahan niyan DJ. Makadalaw nga sa bahay nila. Balita ko, nandun pa yung mga Yaya nila eh. Makikibalita ako.

LIGO BIHIS GAYAK

Charaaaan!! I'm done! Haha!

Lumabas na ko ng bahay. Malapit lang bahay nila Kath dito eh. Kaya lakad lakad muna ko. Naalala ko, tuwing umaga, maglalakad kaming dalawa dito, iintayin namin yung sunrise. Tapos pag magkaaway kaming dalawa, hinahabol ko siya lagi, pano naman kasi, lagi siyang tumatakbo. Pag naman tinanong ko kung bat siya tumatakbo, eh kasi daw ayaw niyang makita na teary-eyed daw siya.

Haay. Bano talaga ko! Makapagdrama naman ako eh.

Tapos eto pa! Dumagdag pa si Kate na nakakapagpaalala sakin kay Kath. Mukha silang Twins. Haha. Medyo matangkad lang si Kate kasi nakaheels siguro? Pero ngayon, ayun si Kate oh, nakaupo sa bench sa tapat ng bahay nila Kath tapos---

H...HA?!! Si Kate ba talaga yon??? Bakit nandun siya??? Napansin yata niya ko kaya tumakbo siya papasok ng bahay. Pero teka si Kate ba yun or si Kath?? Ay basta!! Kahit sino pa siya, kailangan kong malaman!

"Kaaaaaaaaaaaaaaaaaath!!! Ay letse. Mali yata? Kaaaaaaaaaaaaaate!!!"

Tinakbo ko yung bahay nila Kath at nagdoorbell. Wala naman lumalabas kaya tinadtad ko ng doorbell. Gusto ko sanang sabihin na.. "Ilabas niyo si Kath!! Napapaligiran na namin kayo!!" Yung parang mga aksyon sa Raid. Ganun! Hahaha pero joke lang. Nakakahiya. Gagawa ako ng eksena dito.

KATH'S POV

Ow shoooot! Sabi na't si DJ yun eh! Buti nalang may lahi akong runner, kaya mabilis akong nakapasok ng bahay. Dapat nga aakyatin ko yung gate kasi ako naman founder ng Akyat Bahay Gang eh. Charot! Hahaha!

Ako na hingal na hingal! Daig ko pa hinabol ng asong malaki! Nagkulong ako dito sa kwarto ko, habang papaakyat naman ako sa kwarto ko, sumigaw ako na paparating sila DJ. Bahala na kako silang mag-explain. Tss. Sorry kala Ate Vicky. Nako! Nadidinig ko na yung boses ni DJ. Grrrrrr!

DJ'S POV

Pinagbuksan ako ni Ate Vicky ng gate at agad naman akong dumungaw sa likod niya.

DJ: Si Kath po??? Nasan?

Ate Vicky: Ha? Nako DJ, wala na si Kath dito, matagal na.

DJ: Hindi po. Nakita ko po siya eh.

Hindi naman sa bastos, pero pumasok ako sa bahay nila. Sinusundan ako ni Ate Vicky.

"Kath?! Nasan ka ba??? Lumabas ka naman oh? Kelangan natin mag-usap please?"

Abot na yung sigaw ko pero wala parin. Kaya umakyat ako sa kwarto ni Kath. Hinahabol naman ako ni Ate Vicky.

Ate Vicky: DJ, sarado yan. Naka-lock yan. Simula ng umalis si Kath, wala nang nakakapasok jan.

DJ: (napayuko) Sige na po Ate Vicky. Iwan niyo lang po ako saglit dito. Bababa na rin po ako mamaya.

Siguro nga, minumulto nalang ako ni Kath. Lol. Hindi, ang ibig sabihin ko, yung parang na-i-imagine ko na siya yung nakikita ko. Ay basta. Labo pre.

Tumango naman si Ate Vicky as a sign of yes. Bumaba na siya ng hagdan. Napahawak nalang ako sa pintuan ng kwarto ni Kath. Habang nakapatong yung braso ko sa pinto at nakapatong yung ulo ko braso ko, bigla nalang tumulo yung luha ko...

"Alam ko Kath na wala ka jan pero ramdam ko na malapit ka lang sakin. Alam ko din naman na hindi mo to madidinig. Pero gusto ko lang sabihin sayo na, Kath, mali ako. Mali ako na iniwan ka basta basta. Sobrang sorry kasi nasaktan kita. (humihikbi) Mahal na mahal kita Kath. Sana bumalik ka na." 

Sweet Revenge (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon