CHAPTER 14
KATH'S POV
Muntik na kong ma-grounded dahil dun sa pag-uwi ko ng 4 am tapos ganun pa suot ko. Haha. Nag-explain naman na ko kay Mommy. Abot ang bawal sakin. Itigil ko na daw to. Pero yamuna. Nasimulan ko na. Tsaka ko na tatapusin. Pag nararamdaman na ni DJ yung sakit.
7 am palang naman eh. Ayain ko kaya si DJ mag-starbucks? Hmm. Pwede. Haha. Kaya tinawagan ko na siya... (oo, nagkuhanan kasi kaming number kagabi. Sinave ko na rin yung number ko sa phone niya)
* Calling DJ ...
[ Hello ]
"Kate to. Remember?"
[ Oo. Ba't ka tumawag? ]
"Starbucks tayo."
[ Hmmm. ]
"Sige na. Please. Please."
[ Sige. San ka ba nakatira? Sunduin kita ]
OMG!! OMG!! Ano isasagot ko!
[ Uy hello? Nanjan ka pa ba? ]
"Ahh oo. Eh ano, magkita nalang tayo sa Starbucks na mismo."
[ Ahh osige. Yung pinakamalapit na branch ba dito? ]
"Yes."
[ Sige. Bihis na ko. ]
"K. Bye."
Nagpaalam na kagad ako kay Mommy na aalis. Naka-short ako ngayon pero hindi na daring yung pang-itaas ko. Baka di na ko payagan lumabas pag ganun. -__-
7:45 am / Starbucks
Nakapila na kami ni DJ dito. Tingin tingin lang kami ng o-order-in namin. Usually kasi, dito kami tumatambay dati pag wala kaming magawa sa bahay. Hehe. Memories.
Nakatingin lang ako kay DJ. Ang gwapo pa din niya. Yung mata niya na pag tiningnan ka. Ay grabe. Nakakalusaw. Promise. Tapos kagabi ko lang ulit nahawakan yung kamay niya dahil sa handshake. Parang ayaw ko na ngang bumitaw eh. Haaay!! Ano ba yan. Pinupuri ko nanaman siya. Focus Kath.
DJ'S POV
Hindi ko ba alam at napapayag ako nito na makapagstarbucks. Nung tumawag siya sakin. Grabe yung boses niya! Kath na Kath eh. Haaay. Pa'no ba naman ako makaka-move on nito. Let's use the word "Bahala na" Hehe. Pero seriously, ang gaan ng loob ko sakanya. Kahit ganito yung pananamit niya, ayus lang. Di parin naman malaswa tingnan..
DJ: Treat ko to ah.
Kate: Ha? Bakit naman? Ako nalang.
DJ: Uhm, wala naman. Mas maganda kung ako nalang.
Kate: Ikaw bahala. Baka naman mamaya magka-utang pa ko sayo. Hehe.
DJ: Bayaran mo nalang. Haha. Joke lang.
Um-order siya ng Chocolate Chip Cream tapos ako um-order ng Mocha Frappe. Solve na to! Haha. Umupo na kami. May naaalala ako sa upuan na to.
Kate: Salamat sa libre. Haha.
Grabe. Ang ganda niya ngumiti. Kath na Kath eh.
DJ: Welcome.
Kate: Tamlay mo? May nagawa ba ko?
DJ: H...ha? Ay sorry. May naalala lang kasi ako.
Kate: Ano naman?
DJ: Nakuwento ko naman yata sayo yung Ex ko diba?
Kate: Ah. Yung Kath ba? O bakit?
DJ: Eh wala. Dito kasi kami lagi umuupo. Alam mo yung tipong, kahit may nakaupo, iintayin namin umalis bago kami umupo. Haha. Grabe. Nakakahiya man pero ganun.
Kate: Sweet naman nun. Hehe. Eh bakit gusto niyo lagi dito?
DJ: Uhmm, dito kasi yung unang date namin after niya ko sagutin. Dito mismo sa pwesto na to. Sobrang dami lang ng memories. (fake smile)
Kate: Ohhh. Okay.
DJ: Teka, puro ako nalang nagkukwento ah? (pagbibiro ko) Ikaw? May boyfriend ka?
Natahimik naman si Kate sa tanong ko.
DJ: Uy. Sorry. Hehe. Baka ayaw mong pagusap—
Kate: Hindi. Ayus lang. Ano kasi. Wala akong boyfriend.
DJ: O? Sa ganda mong yan? Wala?
Kate: Sus. DJ. Nambola ka pa. Ano kasi, wala. Iniwan ako ng Ex ko eh.
DJ: Ay! Bakit?? Siyado.
Kate: Di ko rin alam yung dahilan. Basta iniwan niya ko. Di ko alam kung nasan na siya ngayon.
DJ: Eh gago pala yun eh. Haha. Yamu siya.
Kate: (smiled)
KATH'S POV
DJ: Teka, puro ako nalang nagkukwento ah? (pagbibiro niya) Ikaw? May boyfriend ka?
Seriously, nasaktan ako sa tanong niya na yan. Gusto sanang sabihin na.. "Kung sana di mo ko iniwan, may boyfriend pa ko hanggang ngayon." Pero siyempre di ako nagpahalata. In character pa rin dapat!
DJ: Uy. Sorry. Hehe. Baka ayaw mong pagusap—
Kath: Hindi. Ayus lang. Ano kasi. Wala akong boyfriend.
DJ: O? Sa ganda mong yan? Wala?
Kath: Sus. DJ. Nambola ka pa. Ano kasi, wala. Iniwan ako ng Ex ko eh.
DJ: Ay! Bakit?? Siyado.
Wow DJ ha? Makapag-sabi ng SIYADO. Haha. Masiyado ka talaga!
Kate: Di ko rin alam yung dahilan. Basta iniwan niya ko. Di ko alam kung nasan na siya ngayon.
DJ: Eh gago pala yun eh. Haha. Yamu siya.
GAGO? Oo. Gago siya. Gago ka! Ikaw yun eh! Ngumiti nalang ako. Tapos, we keep on talking nalang pero hindi na about sa lovelife namin. So far so good sa mga plano. Go Kath – I mean, Kate.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge (Kathniel)
FanfictionPrologue Binigay mo na lahat, pero parang nagkulang parin. Minahal mo nang lubos, pero sinaktan ka naman. Nagtiwala ka ng sobra, pero sinira naman. Nangako siyang di ka niya iiwan, pero ginawa na niya. Babalikan ka daw niya, umasa ka naman. Per...