CHAPTER 06
KATH'S POV
Kagigising ko lang. 11am. Oo, late na. Pano ba naman, 4 na ko natulog. Sana nga di nalang ako nagising eh. Tss. Nagpuyat ako. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.
[ Flashback ]
Iniwan ako ni DJ dito. Nakatayo, basang basa sa ulan. Walang kasama. Ganyan lagi eh. Iiwanan tayo ng mga mahal natin. Pero kung kelan namang, mahal na mahal natin sila, tsaka nila tayo iiwanan?! Bakit ganun??
Ganyan talaga minsan ang buhay, UNFAIR.
Nagstay ako dito sa swing, inaasahan ko kasi na babalik si DJ. Isang oras na kong nakaupo dito. Pero eto, di pa rin tumitigil yung ulan. Ginaw na ginaw na ko. Pero babalik siya. BABALIK SI DJ.
Nakaraan pa ang isang oras, buti wala nang ulan. Pero eto ko, mukhang tanga na nag-iintay sa isang tao na di naman dadating. Tsk. 11:15pm na. Uuwi na ko sa bahay. Tinatawagan pala ako ni Mommy, hindi ko napansin..
11:30 pm / Bahay
Mommy: (gulat na gulat pagbukas ng pinto ng bahay) Anak?! Anong nangyari sayo??! Ba't basang basa ka?!! Naligo ka ba sa ulan ha??!
Kath: Hindi Ma. Luha yan. Hahahaha. Joke lang po. Sige, akyat na po ako sa kwarto ko. Yeahhh! Good night world! Good bye everyone! (sabay tulo ng luha)
Mommy: (inakap si Kath) Alam ko kung anong nangyari. DJ called me. Dapat di ko sasabihin na tumawag siya pero anak kita eh. Everything will be fine. Stop thinking about him. Don't do anything bad, okay Kath?
Kath: Anong sabi po ni DJ Mommy?? Ano pong napag-usapan niyo?? Opo... wala po akong gagawin.
Mommy: Kung anong nangyari sainyo. Sige na magpahinga ka na.
Tumakbo na ko sa kwarto ko. Naligo muna ko tapos nagpalit ng damit. Tapos pumunta sa harapan ng heater. Eh kung sunugin ko kaya sarili ko dito noh?! Para masaya! Hahahahahaha! O kaya tumalon ako dito mula sa kwarto ko. O kaya naman, magbigti ako. Woo! Para na kong ewan!
Pumunta ako sa table ko sa gilid ng higaan ko. Binuksan ko yung drawer na nandoon. May nakita akong blade. Kaya ano pa nga ba gagawin ko?
Habang tinitingnan ko yung blade, parang bang ine-enganyo ako nito ilaslas sa pulso ko. Pero, naalala ko yung sabi sakin ni Mommy... "Don't do anything bad, okay Kath?" Haaay. Initsa ko yung blade sa bintana at nagsimula nanamang umiyak...
"Pano na bukas?"
"Di na kita kasama."
"Wala na kong babe."
"Hindi ko kaya."
"DJ mahal na mahal kita."
Puro yan nalang yung sinasabi ko. Tapos iyak na ko ng iyak.
1 am ..
Nakahiga lang ako dito sa higaan ko. Wala man lang ako magawa. Ni hindi nga ako makatulog kakaisip kay DJ ehh. Wala rin akong text galing sakanya. Kaya napag-isipan kong basahin yung mga text messages niya sakin. Naka-locked message sakin yung mga yun. Kaya eto, I started reading. Eto lang naman mga sample ng messages niya.
"Yes babe. Hinding hindi kita iiwan. Pano ba naman kita iiwan? Mahal na mahal kita. ;)"
"Sorry na po. Hindi na mauulit. ;( Ikaw lang talaga."
"Good morning Babe! I love you so much! :*"
"Baaabe! Happy 5th monthsary! I love you!!"
"Sorry na... Ikaw lang naman talaga eh."
So tell me? Sino dapat magsawa samin?! Siya na laging gumagawa ng way para mag-away kami? O ako na, tanga na lagi siyang iniintindi at pinapatawad?! Bakit ako di niya mapatawad dun kay Khalil?
Hindi na ko nalulungkot na wala na kami. Pero hindi ko sinabi na tanggap ko na hindi na kami. Mas nangingibabaw yung galit ko. Tsk.
Tapos eto ko ngayon. Tinitingnan mga pictures namin sa phone ko. Pero pagtingin ko sa pader ko. Mas nalungkot ako. Naiyak pa nga ehh. Ang dami naming pictures dito. Everywhere meron. Pa'no ko magmo-move on nito?! Haaay.
3 am...
I received a group message (gm) from DJ. Usually, ang pinapasahan lang namin nito eh yung mga friends namin. Sobra akong nag-assume na may "I love you Kath" parin sa GM niya, then I open the text message:
Morning! Home from bar!
Single? Ginusto ko 'to eh.
Haha. Bye!
Gm. - DJFP
Wala. Naiyak nanaman ako. Bakit mo ko ginaganito DJ?! Ano bang ginawa ko ha?
[ End of flashback ]
Tama na nga. Ayoko nang umiyak. Gusto kong kumain. Tanghali na. Pero wala akong gana kaya dito nalang ako sa kwarto ko. Papakabulok nalang ako dito. Walang kwenta lang naman yung buhay ko eh. Wala na si DJ. O tapos? Anong mangyayari sakin? Haaay.
Ano ba Kath! Tigilan mo na yang drama mo. Di ka na babalikan nun. Kainis naman eh. Para bang nawala yung kalahati ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge (Kathniel)
FanfictionPrologue Binigay mo na lahat, pero parang nagkulang parin. Minahal mo nang lubos, pero sinaktan ka naman. Nagtiwala ka ng sobra, pero sinira naman. Nangako siyang di ka niya iiwan, pero ginawa na niya. Babalikan ka daw niya, umasa ka naman. Per...
