CHAPTER 03
KATH'S POV
[ Flashback ]
Bumili ako ng cake sa Red Ribbon. Papalabas na sana ako ng Exit ng Mall pero nawawala yung panyo ko. Baka naman naiwan ko dun. Kaya naisipan kong bumalik.
Naglalakad na ko papunta sa Red Ribbon ulit. Then, nung papalapit na ko. Parang I saw someone familiar. Medyo bumagal yung paglalakad ko.Para bang may kaba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit. Pero nung malapit lapit na ko. 5 meters away from Red Ribbon. I saw him.
HIM? Yes! Nakita ko lang naman yung magaling kong boyfriend na may kasamang babae! Natigilan ako sa paglalakad. Nung una, inisip ko na pinsan niya lang siguro yun pero hindi siguro. Then nagulat ako sa susunod na pangyayari.
Hinalikan siya nung babae sa pisngi niya. Waaah!! Gusto kong magwala dito!! Kalma lang Kath. Kaya mo yan. Kaya mo yan! Pero wala akong nagawa kundi ang sumigaw...
"DJ !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Buti naman at nadinig niya ko. Gulat na gulat siya. Wow ha? Parang nakakita lang ng multo. Tsk. Nagulat din yung girl. Kaya pinunasan ko yung luha ko at lumapit sakanila. Kumukulo yung dugo ko!
Tiningnan ko yung girl ng masama. Yung parang ang ibig sabihin ay, "Makuha ka sa tingin!!" Kaya naman umalis na yung babae. Tapos si DJ na yung hinarap ko...
Kath: So ganito na tayo ngayon DJ?! Oo alam ko mali ako noon pero bakit ganito ka nanaman?! Ang sakit sakit na! Oh para sayo! (sabay bigay nung cake) HAPPY MONTHSARY ha?!! *pak* (sampal sabay talikod)
DJ: Kath! Let me.......
Nadinig ko naman siyang sumigaw at tinawag yung pangalan ko kaya tumakbo na ko. Hindi ko na kaya yung nakita ko. DJ hirap na hirap na ko!! Bakit ganyan ka?! Nagsisi naman ako sa mga nagawa ko ha?!
Tumakbo kagad ako sa Exit ng Mall. Sumakay sa taxi at umuwi sa bahay namin. Solo akong anak ni Mommy at Daddy kaya medyo may pagka-spoil ako sa mga gusto ko.
Hanggang makauwi ako samin. Wala akong iniisip kundi yung nakita ko. Paulit ulit na nagfla-flashback sa isip ko yung mga nakita ko. Sana hindi ko nalang nakita! Ang sakit sakit na!
Nakakulong ako sa kwarto ko ngayon. Iyak ng iyak. Nakahawak naman ako sa kamay ko na pinang-sampal ko sakanya. Para bang nagsisisi ako na ginawa ko sakanya yun. Sana pinag-explain ko muna siya diba?! Shiz. Matawagan na nga...
* Calling Babe ...
"DJ?? B...babe? S...sorr...y!!" (crying)
[ Don't say sorry. It's my fault. ]
"P...pero sorr...y k...kung s...sinam...pal k...kita kani...na"
[ I deserve it. ]
"DJ naman oh. Wag naman ganito. Natatakot ako eh. Sorry n..na."
[ Kath we need to talk. ]
Nag-iba na yung boses niya. Parang iiyak na. Aish.
"Nag-uusap n...na tay...o B...babe."
[ Basta. I need to talk to you. Magkita tayo sa park kung saan mo ko sinagot dati. ]
"H...ha? Pero b...bakit? Sige. A...anong o...oras?"
[ 8 pm ]
" S...sige B...babe.. Sorry ulit. I love you so much!"
Ang tagal sumagot ni DJ. Uulitin ko sana yung sinabi ko, baka kasi di nadinig pero nagsalita na siya...
[ B...bye Kath.. ]
* tut tut tut *
B...bye Kath
B...bye Kath
B...bye Kath
Bye Kath? Aw. Yan yung paulit ulit na nagpe-play sa utak ko. Anong ibig sabihin niyan?! Waah! DJ! Huhu. Di ko na alam gagawin ko! 6:30 na. Mamaya pa kami magkikita. Haay. Kinakabahan ako.
Bigla namang may kumatok sa kwarto ko...
"Iha? Are you okay?" Tapos biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko. Nagulat naman siya kasi nandito ako sa sulok ng kwarto ko. Mukhang basang sisiw dahil sa luha ko na kanina pa umaagos. Nilapitan naman ako ni Mommy tapos inupo sa kama ko at inakap...
Mommy: Anak, ba't ka umiiyak? Nag-away ba kayo ni DJ?
Kath: Nako Mi, para naman pong di kayo nasanay samin. Madalas niyo nga po kaming madinig eh.
Mommy: Hay nako Anak. Kami nga ng daddy mo, hindi nag-aaway eh? Daig niyo pa kami! Haha!
Kath: Nye. Haha. Mommy naman, pinapatawa ako eh.
Mommy: Siyempre naman! (sabay suklay ng buhok ko gamit yung kamay niya) Ang ganda ganda ng anak ko. Wag ka kasing iiyak ha. Natural lang naman ang away sa relationship eh. Ano ba kasi pinag-awayan niyo??
Natahimik naman ako sa tanong ni Mommy. Tsk. Pa'no to.
Kath: Ano kasi Mommy ehh. (napayuko) Wag po kayong magagalit kay DJ ha?
Mommy: Anak?! Buntis ka?!
Kath: Hala! Grabe ka naman Mommy! Hindi po ah! Uhm, seryoso na po kasi. Uhm... Ano po kasi Mommy, nahuli ko po si DJ kanina, nagpahalik sa babae.
Mommy: Nagpahalik lang naman pala..... HAAA?! Ano kamo anak?! Nagpahalik?! Aba! Aba! Lokong bata yan ah! Nasa'n ba at mapalo?!
Kath: Aya! Si mommy. Haha. Wala po, makikipagkita po ako mamaya, kailangan po namin mag-usap. Natatakot ako Mommy. Mahal na mahal ko si DJ. Mahal na mahal.
Mommy: (hugged me) Alam mo anak, eto eh, payo ng isang magandang nanay na mahal na mahal yung anak niya. Haha. Pero seriously, anak, magtira ka naman sa sarili mo. Oo, alam natin, mahal na mahal mo si DJ. Pero is he worth it for loving him so much in that way? Minsan, sa sobrang nasasaktan na tayo at ayaw pakawalan ang mga bagay bagay. Natatawag na tayong martir. Alam mo nak, bata pa kayo ni DJ. Madami pa kayong pagdadaan. Pero sana sa ngayon, pahinga muna. Yung mga ganyang problema, nakikita lang si sine! Kaya wag mong isa-buhay sainyo! Pero anak, kahit anong desisyon mo, dapat tama. Mahirap manghinayang. Kaya nandito ako para i-guide ka. Kausapin mo lang ako pag may problema ka. Hahanap at hahanap tayo ng solusyon para diyan. Mahal na mahal kita anak. Wag nang malungkot. I love you nak. (hugged tighter)
Nagsimula nanaman akong umiyak dahil sa mga sinabi ni Mommy.
Kath: I'm very very very lucky to have you as my Mom. Thank you po talaga ha? Promise Mom, I will make right decisions. Salamat po. I love you too mommy! (kissed on cheeks)
Inakap naman ako ng mahigpit ni Mommy. Iniwan na niya ko sa kwarto. Haaay grabe. Di ko talaga alam gagawin ko. Pag ba nakipagkita ako kay DJ? Anong mangyayari? Ayt. 1 hour nalang. Kailangan ko nang mag-prepare.
[ End of flashback ]
Hi! Share your thoughts! Ano sa tingin niyo ang pag-uusapan ni Kath and DJ?
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge (Kathniel)
FanficPrologue Binigay mo na lahat, pero parang nagkulang parin. Minahal mo nang lubos, pero sinaktan ka naman. Nagtiwala ka ng sobra, pero sinira naman. Nangako siyang di ka niya iiwan, pero ginawa na niya. Babalikan ka daw niya, umasa ka naman. Per...