CHAPTER 32
KATH'S POV
"Yes Katsumi."
Tama ba yung sinagot ko sakanya? Hindi ba, nabigla ako? Pero sa tingin ko, tama naman to eh. Kailangan kong mag-move on. Hindi ko rin naman masasabi na mabilis. Dahil ang tagal na naming wala ni DJ.
Siguro nga, oras na to para kalimutan yung nakaraan. Kung si DJ nga, nandun na, nagpapakasaya. Pa'no pa ko diba? Hindi naman require sa ligawan yung mahalin mo kagad eh. Kailangan lang dito, maging komportable at maging masaya kayo hangga't hindi pa kayo. Bakit nga ba di ko bigyan ng chance si Katsumi diba? Try lang naman eh...
FAST FORWARD >>
May 10
1 week na kong nililigawan ni Katsumi. Araw araw siya sa bahay namin. Iba't ibang bulaklak at chocolates dala niya sakin araw araw. Tuwang tuwa naman si Mommy. I'm sure. Magka-kunchaba tong dalawa na to.
Pero hanggang ngayon, wala pa kong nararamdaman ni konting spark saming dalawa ni Katsumi. Pero natutulungan niya kong maka-recover kay DJ. Pero hindi ko siya ginagawang rebound. Iba ang panakip butas sa binigyan ng chance. Tama naman ako diba?
May 17
Second week na to. At wala pa rin akong nararamdaman. Although kinikilig ako sa mga surprises ni Katsumi, still, wala parin akong pagmamahal na nararamdaman. Hindi kaya nasasaktan ko lang si Katsumi dahil sa ginagawa ko? Pa'no kung tapusin ko na to? Pero wait... Masyado pa naman kasing maaga bago ako may maramdaman. Pero mukhang kinakabahan talaga ko. Swear.
May 24
Still not working. Ayos to! Parang diary. Hahaha.May binigay sakin si Katsumi na napakalaking bulaklak tapos isang dosenang chocolates tapos isang bag. Hiyang hiya ako.
May 31
Ngayon kami bibili ni Katsumi ng gamit para sa school. Masyado bang advance? Hindi yaaan. Malapit na rin pasukan namin eh. Susunduin daw ako ni Katsumi dito sa bahay.
*ding dong*
O, ayan na pala siya. Haha. Dambilis naman.
Katsumi: Hi my princess!
Kath: Haha. Princess agad?
Katsumi: Siyempre, ikaw yung prinsesa ko at ako yung prinsipe mo.
Kath: Taray! Parang Mikay and Gino??
Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan niya.
Katsumi: Oo naman. Ganun na nga. Tapos na kaya yung palabas nila kagabi!
Kath: Napanuod ko nga. Nabaliw si Ashi Behati. Hahahaha!
Katsumi: Parang ako, baliw na baliw sayo.
Kath: Tse! Dambaduy ka. Tara na nga!
Nagsimula nang magdrive si Katsumi. Pumunta na kami sa National Book Store para bumili ng mga kakailanganin namin. May binili si Katsumi na "Friendship keychain".
Kath: Para kanino yan?
Katsumi: Sa kaibigan ko.
Kath: Sino???
Katsumi: Malalaman mo din yun. Ibibigay ko sakanya to sa tamang panahon. (smiled)
Okay. Ang weird ni Katsumi. Akala ko pa naman, sakin ibibigay yung keychain. Hmp. Hahaha! Tampo pa ang peg. Loool.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge (Kathniel)
FanfictionPrologue Binigay mo na lahat, pero parang nagkulang parin. Minahal mo nang lubos, pero sinaktan ka naman. Nagtiwala ka ng sobra, pero sinira naman. Nangako siyang di ka niya iiwan, pero ginawa na niya. Babalikan ka daw niya, umasa ka naman. Per...
