"Anong hindi ka pupunta?!" Napa-tayo ako pero walang-buhay lang akong tinignan ni Pier.
"Alam mo naman bakit." Nag-kibit balikat sya bago uminom sa beer nya. Napa-upo naman ako at naisip na 'wag na syang pilitin.
Linipat ko ang tingin ko sa iba naming kaibigan at ang mga loko ay umiwas lang ng tingin. Nanliit ang mga mata ko at isa-isa silang binato ng piraso ng mansanas.
"Ang gagago nyo." Napa-iling na lang ako at bahagya naman silang tumawa.
"Tatlong beses akong nag-best man sa inyo tapos ngayong ako ang ikakasal ay iba-backstab nyo ako?!" Marahas akong tumayo at dinuro sina Xavier, Caius at Hades pero tinawanan lang nila ako.
"'Kunin mo na lang si Mang Celso. Close rin naman kayo lalo na't sya ang tumataboy sa mga babae mo noon." Banat ni Jago at sabay-sabay naman silang tumawa pwera na lang kay Trace na ngumiti lang.
Nang mag-tama ang mga mata namin ay nabura ang ngiti nya at ako naman napa-ngisi. Tinapik naman ni Caius ang balikat nya.
"Hindi ka pa kasal." Pa-kanta kong sabi pero uminom lang sya at hindi ako pinansin. Natawa naman ang iba sa reaksyon nya.
"Trace, ngayon lang ako hihingi ng pabor--"
"Ikaw ang may pinaka-maraming pabor na nahingi." Tinaas nya ang bote nya tapos ay uminom.
Napa-lunok naman ako at natahimik dahil tama ang sinabi nya.
"Please, Trace. Ikaw lang ang bachelor dito bukod kay Pier. Na-babakla si Pier kaya ikaw na lang."
Pinag-dikit ni Trace ang mga labi nya bago binaba ang bote sa mesa. Umayos sya ng upo at inabot sa akin ang kamay nya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinanggap ang kamay nya habang naka-ngiti nang malapad.
"Kasal na ako." Mabilis nyang binitawan ang kamay ko kasabay ng pagka-bura ng ngiti ko.
"Kasal ka na?!" Sabay-sabay nilang tanong pero nag-kibit balikat lang si Trace.
"Kailan ka ikinasal? Bakit hindi namin alam?" Tanong ni Caius.
"Atsaka kanino? Wala ka namang girlfriend." Tanong naman ni Pier.
"Gago ka. Hindi mo man lang kami inimbita!" Komento naman ni Jago.
"Teka lang!" Sigaw ko kaya lumipat sa akin ang atensyon nila. Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin bago padabog na umupo.
"Kasal na 'yan, ako hindi pa. At baka hindi ako ma-kasal kapag hindi ako naka-hanap ng best man kaya ako ang pansinin nyo." Humalukipkip ako at tinitigan naman nila ako.
"Sadboi yarn?" Natatawang sabi ni Hades at tinawanan naman nila ang komento nya.
"Magjajack-en-poy na lang kami, sige para 'di mo na kami pilitin at baka umiyak ka pa dyan." Ngumisi naman si Jago sa akin kaya inirapan ko sya.
"O kumusta? Pumayag ba si Pier?"
Hinalikan ko sa labi si Sierra bago hinimas ang medyo may umbok na nyang tyan. Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi sya pupunta dahil alam mo na. Si Caius ang natalo sa jack-en-poy kaya sya na lang ang best man ko." Inalis ko naman ang kamay ko para hubarin ang jacket ko. Naramdaman ko naman ang titig ni Sierra.
"Mirae will only agree to be my maid of honor if Pier won't attend. Nakaka-lungkot lang dahil hindi makaka-attend ang kaibigan mo because of my friend." Liningon ko sya at bakas ang lungkot sa mukha nya.
Bumuntong-hininga ako at umupo sa tabi nya. Inakbayan ko sya at hinila para mayakap nang patagilid. Napa-pikit naman ako dahil sa mainit na pakiramdam dala ng pag-yakap ko sa magiging asawa ko.
BINABASA MO ANG
LUST | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionLust is an inordinate craving for the pleasures of the body. | Seven Deadly Sins Present --------------- This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammatical lapses at some point when reading this work. This story is no...